i love you daw! ^ω^

2 0 0
                                    


March 10 2017

GOOD MORNING!!!!! Kasama ko siya ng umaga!! Hehe!! Dun na siya nagbaba ng bag malapit samin..nag pho phone ako nun as usual pero pansin ko na siya nun na dumating wala sana kong balak pansinin siya pero na guilty naman ako ano siya na lang lagi mag aaproach sakin? Di ba? Gara ata nun..tiningnan ko siya nakatayo siya habang inaayos yung i.d niya sabi ko psst.. tapos tumingin siya sakin..nakatingin lang ako sakanya ng normal..tapos ngumiti na siya ng malaki di tulad kahapon..ang lungkot niya dahil dun siya nagbaba ng bag sa tabi nila tabalan eh nasa kabilang side ako naglakad pa siya papunta sa harap ko at naupo. Tapos naisipan ko nang buksan yung baon kong pagkain nun yung bigay sakin ni olibeth na madami! Haha! Tas kinuha ko yung knick knacks na blue sabi ni tabalan yan..yan yung hinihintay ko eh..masarap yan..sabi ko ha? Hindi ah..tititigan lang natin to hanggang sa mabusog ka. Tapos si tabalan nag reklamo ako naman pinatitigan ko lang talaga sakanya tapos si arlene natatawa samin sabi niya loka ka talaga...tapos tinuro pa niya ko..ang ganda na ng ngiti niya..totoo na..masaya na din ako..tas binuksan ko na kawawa naman si tabalan iiyak na..tas inalok ko silang lahat si porscha si chinna tapos si arlene..hihi..kumuha siya..tas si ely..ayaw tapos si valerie nag aalangan pa nga ako eh..kasi nga..basta..tapos yung mga tao naman sa likod ko una si jeanne ayaw tapos sabi ko birthday boy! Gusto mo? Kay lester tapos ngumiti siya eh may dumaan kaya hindi niya nakuha agad tas yun kinuha niya sabi niya akin na lang. Tas binelatan ko lang sabi ko yiee..magkasabay sila kahapon..yiee.. sabi niya haha...hinintay ko lang umuwi.. sabi ko yieee...tapos inabot niya na sakin yung knick knacks buti nga may laman pa eh tas sabi ni arlene birthday niya din? Ang dami mong ka birthday..birthday din ni chan eh.. hindi nako sumagot hindi naman ako kausap niya eh. Tas kumain lang ako inalok ko ulit si arlene kumuha siya:) tas sabi niya uy! Nabuksan ko na ulit facebook ko! Sabi ko oh?! Pano? Sabi niya nag send ako ng picture dun sa facebook tas may pinadala sila sakin na bagong password na yun na gagamitin ko...ang hirap nga kabisaduhin ehh.. sabi ko ah...pwede naman ibahin yun di ba? Sabi niya oo nga...naiba ko na..haha...ang saya nabuksan ko na! Kaya ko badtrip kahapon..dahil dun..pero okay na ngayon.. sabi ko ah..kaya pala..ngumingiti ka na ngayon.. tapos kumain ulit ako inalok ko ulit siya...eto maganda eh..kinikilig ako...nag uusap sila ni ely nun tapos sumingit ako nun ang tanda kong sinabi ni ely maliit eh. Pero hindi ako yung tinutukoy niya tas biglang tumingin sakin si arlene ngumiti tumingin din ako sabi niya maliit kasi...tapos nag seryoso ko ng mukha yung alam mong hindi natuwa sa sinabi niya tapos bigla siyang natawa ako tumingin lang sa malayo nag pahalumbaba tapos nakamasamang tingin sa malayo kinuha niya yung right arm ko at hinila hila sabi niya sorry na..joke lang...haha..nagbibiro lang ako...tapos hila siya ng hila sakin palapit sakanya ako nag mamatigas eh nahihila niya pa din ako kahit papano parang gusto niya kong i kiss sa pisngi na ewan..haha...kinikilig na nga ako...napapangiti na ko nga ako kasi kinikilig nako..pero syempre manage ko lang ang pagmamatigas. Haha..sabi niya habang hinahatak ako sorry na...joke lang...nagbibiro lang ako I LOVE YOU..hehe... oh my gosh!!!! Hindi ko na tuloy napigilan mapangiti wala na bumigay nako..nakakainis! I love you daw!!! Sumagot ka! Sabihin mo i love you too!!! Haha! Pero syempre di ko sinabi pero sheet!!! Sinabihan niya ko ng i love you...yung ngiting halos mapunit na labi ko...hihi...ako yun...tapos hinihila hila pa di niya ko hanggang sa tumango na lang ako at nag bitaw na siya..haha..okay na yun...i love you daw...hihi.. tapos sabi niya may nag text sakin...sabi ko sino?saan? Sabi niya del tawag sakin..napatahimik ako kasi alam kong ako yun..ako yung nagtetxt sakanya nun! Tae! Baka may hint na talaga siya sakin no? Hay...bahala na nga..tas hindi na naman na niya inopen yunv topic na yun sabi ko eh ano yung.....--- tas hindi ko na tinuloy..wrong move ako bes sabi niya ang alin? Sabi ko wala,wala.. tas kinuha ko yung tubig ko sa bag sabi niya ang alin ba? Yung password ko? Tas umiling lang ako ang gusto ko sana itanong kung ano yung bago niyang number yung naka lagay sa facebook niya...eh baka isipin niya gusto ko kunin yung number niya eh ayaw ko na nga kunin baka may magawa pa kong iba. Sabi niya hindi okay lang...mahirap naman kabisaduhin. Tapos uminom ako tubig kinuha niya yung phone niya sabi niya ito oh. Tas pinakita niya sakin yung phone binasa ko ang haba hindi ko mabasa yung password..at dahil hindi ako makasalita kasi may tubig yung bibig ko sabi ko hmmm....hmm...hmm.. tapos tinuturo ko tas kukunot noo ako eh hindi niya ata magets yung sinasabi ko kasi nakatitig lang siya sakin kaya nilunok ko muna yung tubig nung nalunok ko na sabi ko hindi ko makita. Tas tiningnan niya yung phone niya nung nakita niya na yung password tinuro niya sakin ito oh. Tas pinakita niya...muntik na ko mapamura ah! Ang gara nung password may natandaan ako eh fAb...tapos madami pa! Putek na yan hirap kabisaduhin pero nabago nanaman na niya eh kaya okay na yun. Tas binalik ko na yung tubig ko sa bag sabi niya samahan mo ko sa 1st gate. Tapos tumango ako kinuha ko yung isa ko pang knick knacks na milk flavor tapos tumayo na kami sabi niya dun tayo dumaan. Tinuro niya yung left side ko sabi niya ay...wag na pala dito na lang masikip dun...tas naglakad nako papuntang left nun sabi niya huy! Tas nilingon ko siya putek! Ang layo na namin sa isa't isa ah! Sabi ko bakit? Kala ko dito tayo?! Nagsisigawan na kami sabi niya sige! Diyan ka! Dito ko! Sabi ko sige! Tas naglakad nako papunta nga sa sinabi niyang side sabi niya serious?! Tumango ako at nag thumbs up sabay ngiti tas nakita ko nagkasalubungan sila ni monay tas nung nag meet na kami sa ibang place magkasama na sila ni monay tas pumunta ko sa direksyon nila sabi ko hi monay! Sabi ni monay hi kath! Tapos nag wave kami..nag uusap sila eh..malay ko ba sa pinag uusapan nila...tapos binuksan ko na yung knick knacks malapit na kami sa first gate nun una kong inalok si monay tutal nasa gitnan namin siya ni arlene tas kumuha tapos si arlene naman kumuha din siya tapos sabi ni monay nandyan na si ralph? Sabi ko lah...crush mo si ralph?! Sabi ni monay hindi ah! Tapos tumango na lang ako pumasok na kami sa loob nasa loob pala si ralph kaya ganun si monay haha..nakita na pala..ako naman naupo sa upuan pagod ako eh tumako kasi ko..hehe..tas bumibili nun si arlene naabutan ko lang bumili siya ng hello tapos tumingin nako sa labas,sa ibang direkyon,sa malayo...ewan ko ba parang gusto ko mapag isip isip...tapos sabi ni arlene tara na..kat-kat... pero parang wala kong nadinig nakatingin lang aki sa malayo..sabi niya kath. Tapos napapitlag ako nagising ako sa katinuan tas tumayo nako nauna silang maglakad sakin sabi niya mahal ka nun. Sabi ko huh?! Hindi nga eh...tas may sinabi siya pero hindi ko nadinig hinayaan ko na lang tas ang pwesto ganto monay-arlene-ako. Tapos inalok ko ulit siya nung knick knacks but this time hindi siya kumuha sabi niya meron na ko. Tapos pinakita niya yung bukas na hello niya kaya tumango na lang ako at kumain. Naglalakad na kami pabalik nag uusap sila ni monay tas makakasalubong namin si ellaine sabi ni arlene ellaine!  Tapos may tinuro siya eh wala naman kaya ang itsura ni ellaine parang nadapa tuloy na ewan! Nabigla kasi eh! Haha! Tas tawa kami ng tawa nila  arlene yung itsura ni ellaine eh! Panalo! Haha! Taa nag sorry naman siya kay ellaine sabi ko ang lakas ng trip mo! Haha! Sabi niya haha! Yung itsura ni ellaine! Haha! Tapps tawanan kami! Tapos medyo nauna kong naglakad kasi may  dinedemo pa si monay kay arlene..nung tiningnan ko si monay..muntanga lang...haha...tas tawanan nanaman kami hindi ko alam kung pano nangyari basta naiba ang pwesto namin bigla kong napunta sa gitna tapos malapit na kami sa chapel may biglang humawak ng pwet ko! Putek na yan! Sabi ko huy! Pwet ko! Tapos napa forward ako bigla at napahawak sa pwet ko sabi ni monay hindi ako yun! Siya yun! Sabay turo kay arlene tumingin naman ako kay arlene ng masama sabi niya uy! Hindi ako yun! SIYA yun! Sabay turo naman niya kay monay....eh si monay lumihis na ng daan kaya siya na lang tiningnan ko na parang aiya nga yung humawak ng pwet ko sabi niya hindi ako yun siya yun! Ang layo layo ko sayo eh! Tas bumalik na ko sa pwesto ko nun sabi ko ang gara ata ah. Sabi niya hindi nga ako yun. Tapos hindi nako sumagot mukhang si monay nga humawak ng pwet ko..tas naupo nako siya naupo ulit sa harap ko. tas nakaupo siya nakatingin dun sa mag rorole play mamaya sabi niya totoong oscha ba yung nilalagay nila? Sabi ko hindi ...piyaya yun..sabi niya ah...sabi ko alam mo ba yung piyaya? Sabi niya hindi..ano ba yun? Sabi ko may palaman yun sa loob malaking bilog..pinalaking oscha na may palaman parang ganun..tapos tumango tango na lang siya seriously?! Hindi niya alam kung ano yung piyaya? Sinilip ko cellphone ni jore nakita ko yung wallpaper pusa sabi ko oh?! Bat ako wallpaper mo?! Sabi ni jore ang kapal mo. Sabi ko kaw ha! Crush mo ko no! Tapos hindi nag react si jore kausap niya kasi si ely si arlene pa nga ang nag react natawa siya sabi niya nagulat ako sa sinabi mo. Haha... nginitian ko lang siya hindi lang siya sanay na nag gaganun ako..bawal mag ka girl crush?! Etong baby ko eh! Pero di ko crush si jore ah! Linawin ko lang! HAha! Tas dumating na si claire una nakatayo lang siya tas nag usap sila ni arlene tapos sabi ni arlene sakin bili tayo tubig. Tapos tumango ulit ako at tumayo na sabi ni claire yun.. tapos akmang uupo na siya sa pwesto ko nang maupo ulit ako sabi niya eh!! Sabi ko ano?! Bat ka uuwi? Tapos nag maktol lang siya sakin kaya natawa ko tumawa din siya hanggang sa nagsalita na si arlene sabi kath! Tara...tapos yung mata niya...yung nakita ko...hindi ko maintindihan..parang may something...ah ewan! Basta! Tapos tumayo nako uupo na ulit sana si claire pero this time yung kamay ko naman ang hinarang ko sa inuupuan kaya medyo naupuan niya ko natawa ko at umalis na...sabi ni arlene tara na...tas hinatak pa ko sabi niya dun ka ulit..sabay turo dun sa dinaanan ko kanina sabi ko sige. Sabi niya uy! Joke lang! Wag na..masikip dun! Sabi ko hindi wala...di ba mayor sasama ka sakin? PAdaan kasi si mayor umoo na lang siya kaya natawa kami ni arlene tapos sumama na lang din ako kung saan gusto niya dumaan tas habang naglalakad kami nakasalubong namin si ellaine nag sorry ulit siya sabi ni ellaine kala ko may tae eh! Kaya tawanan nanaman kami may pagka kalog din kasi to eh! Haha! Tas pumasok na kami sa canteen bumili siya tubig paalis na kami tinawag siya ng tindera sabi sayo ba to? Tapos umuoo si arlene eh yung bimpo tinatanong nung tindera sabi ni arlene ay! Hindi po pala! Tapos tinawanan ko siya sabi ko gusto mo pala ng bimpo! Sabi niya hindi ah. Kala Ko kasi yung bayad! Haha! Tas tawanan kami habang naglalakad palabas tas sabi niya ang cute tumakbo ni ma'am marian!haha! Tapos nung tiningnan ko naglalakad na lang habang siya tawa ng tawa eh ako hindi matawa di ko nakita eh-.- sabi niya ang cute ng paa eh. Sabi ko pano ba? Patingin nga! Gayahin mo dali! Tapos tinulak tulak ko pa siya  sa braso niya pero hindi ko pinansin parang bigla siyang natulala sabi ko oh..nagtatampo ka nanaman...bigla kasing naging seryoso mukha niya sabi niya ha? Hindi ah...iniisip ko kasi yung takbo ni ma'am..paganun oh... tas dinemo niya pa sa kamay niya sabi niya parang pike... sabi ko lagot ka..susumbong kita..tas yung hintuturo ko nilagot sign ko bigla niya kong inakbayan sabay dikit ng ulo niya sa ulo ko sabi niya joke lang! Haha! Tapos tumawa na lang ako nung nakabalik na kami naupo agad siya dun sa walang nakaupo ako nakatayo habang nakatingin kay claire na nakaupo sa pwesto ko sabi ko bat ka nandyan? Sabi niya bakit? Sabi ko pwesto ko yan eh. Sabi ni claire oh dito ka na...tapos umusad siya ng upo pag naupo ako dun katabi ko siya..hihi..pupunta na sana ko ng ayain ako ni arlene sabi niya dito ka na lang... sabay tap sa tabi Niya edi no choice ako sabi ko wag na dito na lang ako.. at naupo na ko sa tabi ni arlene as usual nakatingin nanaman siya sa malayo.. hay..kelan bako masasanay? Sabi ko okay lang yan..magiging okay din ang lahat..sabay himas ko pa sa likod niya walang siyang reaction tiningnan niya lang ako kaya nanahimik nako..duh..nakakatakot kaya itsura niya pag ganun tas napatingin ako sa gilid ko nakita ko si armie nasa glid ng halaman habang nakatingin din sa malayo haha...para siyang isa sa encantadia..may halaman pa sa gilid niya...sabi ni arlene si armie ba yun? Tas nakatingin din siya sa direksyon ni armie na kanina ay tinitingnan ko tumango ako sabi niya bat nandun yun? Tas hindi ko na napigilan matawa..siya din eh natawa na din..haha...parang ewan..ang gara kasi..bagay sakanya reyna ng puno..hehe...joke lang armie..peace.. tas may niloko nanaman siya may tinuro ulit siya sa lapg this time ang naging biktima si lerie ganun din reaksyon nila kaya natawa din ako at as usual nag sorry agad siya sabi niya ang dami ko ang napag tritripan nun...haha sabi ko oo nga...lakas ng trip mo..haha...tas nawanan kami..ang kulit tapos naisip ko yung ridges sa bag ko yung maliit lang yung cheese flavor nung nilabas ko sabi ni arlene daming baon...ngumiti lang ako sakanya..at binuksan Na yung ridges syempre una ko siyang inalok..kumuha yung baby ko..

"When I Meet Her"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon