kala ko okay na..

10 0 0
                                    


March 3 2017

Eto naman bes...kala ko okay na eh..na miss columbia ko! Pero ibang version! Hehe..ganto kasi! Sobrang gulo!

Umaga..kahit wala pa namang masyadong tao sa pwesto namin mas pinili ni arlene na maupo dun sa peace..and that really hurts! Edi ako hindi ko na muna masyadong pinansin dahil bukod sa wala kong tulog dahil sa lp na yan..ngayon din ako magtuturo kaya binabasa ko yung mga sasabihin ko. Dun na lang ako nag focus kesa kay arlene na ginugulo lang ang isip ko. Tapos dumating na si ate arrine at hindi pala siya nasabihan na ngayon magtuturo kaya yun umiyak nag dabog tapos itong si pia parang ako pa sinisisi kasi parehas kami topic ni ate arriane eh hindi ko na nasabi kasi sobrang dami ko talaga ginawa kahapon..kahit ako din naman hindi prepared. Pero slight na guilty ako feeling ko kasi obligado ko na sabihin kay ate arriane kaya lang kasi dalawang araw siyang absent wala din naman kaming communication. Kaya yun imbes na lesson ko intindihin ko dinalaw ako ng konsensya ko. Nakita ko na si ate arriane na umiiyak habang may tinatawagan na ayaw naman sagutin ang katabi niya nun si jhanella sa tapat ni jhanella si armie na nakaupo sa lapag. Umalis si ate arriane edi ako binasa ko na lang yung lp ko pero walang pumapasok kasi iniisip ko si ate arriane...eh napatingin ako kay armie kasi feeling ko may nakatingin sakin lag angat ng ulo ko nakatingin nga siya sakin! Yung seryoso yung parang..kinakabisado niya buong katawan ko..kaya umiwas na lang ako ng tingin at nagbasa ulit. Ang wierd nga eh..kasi hindi yun ang first time na nahuhuli ko siyang nakatingin sakin...kahapon din..nahuli ko siyang nakatingin sakin at ang masama pag nagkakatinginan kami laging ako ang unang umiiwas tapos pag umiwas ako siya tuloy lang sa pagtitig sakin..maraming beses na nagkatinginan kami..meron nga tatlong sunod sunod eh. Nakakailang din kaya. Pero wala lsng siguro yun..

Tapos nun pila na first friday mass. Kaya matagal ang flag ceremony at pinagdadasal ko talaga na magtagal kasi wala pa lp ko. And thank god talaga pabalik kami sa room natanaw ko na si mama! Yes! Save nako! Thank you lord! Ganern! 

Tapos nun pasok na sa loob ako kinabahan ako lumabas nako para itanong kay ma'am whena kung saan ako magtuturo eh sakto lumabas din si bianca kaya nag sabay na kami at sinabi ko kay ma'am na mag palit na lang kami ng section ako sa MPH siya sa Angels at pumayag si ma'am! Grabe! Sobrang swerte ng araw nato! Tapos pagbalik ko sabi ko kay ate arriane sa rosary siya magtuturo sabi naman na talaga sakin ni ma'am yun tapos nag reklamo siya sabay nag tanong na galit daw ba ko sakanya,syempre ako todo deny dapat nga ako magtanong kung galit ba siya sakin di ba? Hanggang sa nag kalinawan na okay naman pala kami:) tapos kinausap ko si ma'am whena na ilipat na lang si ate arriane sa peace buti pumayag kaya medyo natuwa si ate arriane medyo lang kasi stress na siya eh.

Tapos ako practice ng practice ma iiba kasi schedule eh. Tapos nun ang schedule first subject namin math..tapos recess kinakabahan pa din ako syempre after ng recess magtuturo nako pinapila kami sa tapat ng queen lahat ng grade 10 ako naman kabadong kabado na tinatanong nako ng mga kaklase ko kung ano na nangyayari sakin para na kasi kong baliw tas sabi ni claire sakin ngayon ka din ba magtuturo? Sabi ko oo. Sabi niya sabay pala tayo eh. Sabi ko ah..tas tumango tango ako..god!! Hindi ko kayang i-entertain ngayon si crush! Ngayon pa na sobrang kabado ko! Na kahit anong inhale exhale ko,na kahit sabihin sakin ng mga kaklase ko na “kaya mo yan,ikaw pa" ayaw matanggal ng kaba ko! Tae!  Edi pasok na nag ready na kami ni claire bitbit ko na paper bag ko nun at ready na makipag sapalaran sabi ni claire oh? Saan ka pupunta? Sabi ko magtuturo na. Tapos naglakad ako palabas ng pinto napansin ko na kinuha niya yung mga gamit niya at susunod sakin eh pagsilip ko nag memeeting pa yung mga teachers edi umatras ako sabi ko kasi makakasalubong ko na siya wala pa! Joke lang! Haha! Sabi niya ano ba yan. Tapoa nilapag niya gamit niya sa upuan ako naman naglakad lakad practice here practice there.Tapos pag pasok ng room ni sir sasabihin nila values daw! Edi wow! Tinakasan na tuloy ako ng kaba ko!

"When I Meet Her"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon