okay na:)

1 0 0
                                    


March 2 2017

Helllooooo!!!! Pano ba yan! Okay na kami! Haha! Apaka angas! Ganto kasi yun...

Umaga nandun ulit ako sa usually na inuupuan ko. Pero this time wala kong dalang cellphone gagawin ko kasi yung visual ko  hinihintay ko si tabalan nagpabili kasi ko ng cartolina. Ang tagal naka tunganga lang ako dun. Tapos dumating na si pia. Meron pa kong ibang kasama hindi ko lang matandaan si jore ata tapos so porscha.

Nakaupo kami sa lapag nun kasi sarado yung pinto ng chapel kaya dun kami nakaupo. Tapos nakita ko dumating na si arlene ang tanda ko dun siya naglapag ng bag sa peace eh hindi samin. Sabi ko na lang sa sarili ko “okay. Hayaan mo na." tapos nun naghaharutan kami nila pia kasi pinag tritripan ko yung kantang “may ritemed ba nito" na lss nako kanta ko ng kanta tapos one time nun napalakas kanta ko narinig ng lahat.. hehe..edi ako nakakahiya pero tinawanan lang namin ni pia yun. Tapos naisipan ko lagyan ng step tapos tawa kami ng tawa sabi ni pia tang *ina mo katherine! Haha! Tapos sakto padaan sila arlene sa harap namin tumawa na lang ako! Hehe! Baka narinig niya! Ih!!!

Tapos pila na..pumunta na kami una kalat kalat pa kami kasi nawalan kami ng pwesto sinakop ng grade 7 tapos nakatayo lang ako habang nakatingin sa malayo tapos maya maya may tumawag sakin alam ko na kaagad kung sino...si arlene sabi niya kath! Tapos tumingin ako sa direksyon niya tapos yakap yakap niya yung poste ng tent..sana ako na lang yung poste..hehe..tumingin lang ako sakanya tapos ngumiti may sinasabi siya pero..hindi lumalabas sa bibig niya sabi ko ha? Tapos lumapit ako sakanya sabi niya paglapit ko magtuturo ako ngayon...yung paranh nanghihina na kinakabahan ang expression niya sabi ko wala namang turo ngayon. Sabi niya meron,sabi samin. Nag poker face ako tapos napansin ko si armie sa tabi niya nakatingin nanaman sakin may dumi ba ko sa mukha?-.- sabi ko wala nga. Sabi niya meron. Sabi ko wala. Tapos dumating si pia sa tabi ko sabi niya wala daw sabi ni ma'am sabi ko oh di ba pia wala? Tapos sabi ni arlene wala ba? Tas inaaya na siya ni armie pumila pero siya pinansin nakatingin kasi sakin si arlene tapos yun tinawag na kami para pumila.

Una nasa likod ako ni ano..hindi ko matandaan basta ganun tapos napansin ko sa likod ni arlene walang nakaupo edi dun ako pumesto ang katabi ko na si pia. Sabi ko hi joma. Si joma at pia ay iisa lang. Tapos nung narinig ni arlene lumingon siya sakin pero ako nakatingin pa kay pia nun. Tapos yun dasal ng DALAWANG beses! Banal nako bes! Haha! Tapos pinapila na kami para pumasok sa chapel by G number syempre sa likod ko ulit si claire tapos tiningnan ko siya yung titig tapos nung napansin niya hinampas niya ko nung hawak niyang paper bag sa binti ko tapoa ngumiti na lang ako tapos usap kami ni maja.

Pagpasok namin tumingin agad ako sa likod alam niyo na baka tanaw ko si arlene at hindi ako nagkamali tanaw ko nga siya mula sa direksyon ko. Tapos yun katabi ko si gian sa likod niya si rod. Si rod..alam niya yung tungkol kayla claire tsaka arlene bestfriend ko na kasi siya. Haha! Si gian close din kami kaya nag uusap kami. Napansin ko nagtatayuan yung iba sabi ko kay rod saan sila pupunta? Tapos sabi ni rod sa locker. Tapos sakto tinawag ako ni lester nasa tapat kk na agad! Ang bilis! Haha! Sabi niya kath. Locker tapos tumayo nako hindi pa ko nakakaalis may tumawag sakin yung sigaw talagang maririnig ko at ang boses na yun galing sa taong mahal ko..si arlene..sabi niya kath! Lumingon ako tapos ngumiti sabi niya may ballpen ka? Sabi ko ballpen? Tapos tumango siya tapos yumuko ako tapos kumuha ng ballpen yung usually na ginagamit ko yung pilot yung extra ko kasing matrix alam ko malabo eh. Kaya yun na yung pinahiram ko,nung nakita ko napansin ko wala na si lester kaya nagmadali nako nakita ko si chester sabi ko chester,pabigay nga kay arlene. Tapos inabot ko kinuha naman ni chester sabi kanino ibibigay? Sabi ko kay arlene. Tapos etong si claire sinusundan ako tingin..nakakailing pala yun! Haha! Tapos paalis nako narinig kong sabi ni arlene thank you! Nag like sign lang ako pero hindi ako nakatingin sakanya paalis nako eh. Tapos nun pumunta na kami ni lester iniwan namin yung social book kasi hindi naman daw gagamitin. Tapos pagbalik namin inayos ko libro ko sa lapag naka squat ako habang inaayos ko libro ko tinawag ako ulit ni arlene sabi niya kath! Tapos nilingon ko sabi niya may extra ka pa? Tumango lang ako sabay ngiti sabi niya sure ka? May extra ka? Tapos ngumiti ako sabay thumbs up sabi niya thank you. Tapos ngumiti na lang ulit ako...si claire kasi eh nakatingin nanaman sakin habang nag uusap kami ni arlene...shilos! Haha! Tapos naupo nako napaisip naman ako bigla sa dinami dami ng taong nakapaligid sakanya bakit ako ang naisipan niyang hiraman ng ballpen na halos apat na tao ang pagitan namin di ba? Yieeee.....enebe! Weg nge! Kenekeleg ake eh! Hihi! Lande! maya maya nakita ko nanaman si lester nasa tapat ko nanaman sabi niya kelangan daw ng social. Tapos ako napakamot na lang ng batok nakaka pagod kayang pumanik sa locker! Nahihirapan ako huminga pag pumapanik ako dun! Tas bumalik nako.

Tapos habang nag uusap kami ni gian may kumalabit sa likod ko syempre alam ko na si claire yun siya lang naman nasa likod ko eh tas nilingon ko sabi niya tawag ka ni arlene. Yung kanina na halos ulo ko lang ang nilingon ko kay claire partida pa side view lang ulo ko nun nung sinabi niyang tinatawag ako ni arlene buong katawan ko nilingon ko sa kabilang side. Tapos pagtingin ko nakatingin na din siya sakin habang ngiti ng malaki kaya napangiti na din ako may sinasabi siya pero hindi lang din lumalabas sa bibig niya may kalayuan din kasi sabi ko ha? Sabay kamot sa batok ko siya naman try her very best para maintindihan ko. Kaya lang di ko talaga ma gets sabi ko sulat mo. Tapos dinemo ko pa kung panong sulat tas kumuha siya sa bag niya.

Tapos tumingin muna ko sa harap tas usap kami ni gian ang hyper ko nga eh. Ewan ko kung bakit siguro kasi nasa likod ko si claire tsaka kinausap ako ni arlene..hihi..

Tapos nun tinap ni claire balikat ko may inaabot siya saking a piece of paper maliit lang na nakatiklop alam ko na syempre kung kanino galing...kay arlene edi kinuha ko. Pag bukas ko nakalag dun kinikilig daw siya hindi niya daw alam kung bakit pero sobrang saya niya daw. Hindi ako naka react agad...kinikilig siya..sobrang saya niya..parang may biglang kumurot sa puso ko..di ba dapat matuwa pa nga ako kasi ang saya niya..pero bakit ang sakit? Seeing the girl you love happy with someone else? Ang sakit nun...sobra..yung napahiling na lang ako bigla na sana..ako na lang..ako na lang yung taong nagpapakilig...at nagpapasaya sakanya ng sobra ngayon..pero imposible naman kasi yun..that's the reality at yun ang pinaka masakit sa lahat...yung hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo. Bumalik ako sa realidad pinalitan agad ang mood ko,ngumiti ng peke(pero yung ngiting hindi halata na nasasaktan ako) at lumingon sakanya sabi ko bakit? Pero sinabi ko na walang lumalabas sa bibig ko naintindihan niya naman sabi niya hindi ko alam. Sabay iling at may malaking ngiti sa labi niya..ang ganda..sabi ko wait lang. Tapos nag sulat ako sabi ko dapat kabahan siya kasi magtuturo siya sa chapel. Eh nung ipapaabot ko na sana biglang nag sermon si ma'am azarcon edi naka side view lang ako yung makikita ko sa gilid ng mata ko si arlene..ganun..tapos napansin ko nakatingin siya sakin eh yung papel na sinulatan ko dinidikit ko sa labi ko ganun kasi ko kahit anong bagay ballpen parang manalisim ko na dinidikit ko sa labi ko..ewan.. tapoa tumingin ako sakanya sabay ngiti tinaas ko yung letter sabi niya wait lang. Nung natapos mag sermon si ma'am azarcon pinaabot ko kay claire yung papel si arlene naman pinakuha kay ralph. Hindi muna ko tumingin sakanya nun at nakipag usap kay gian. Kanina nga nung inabot sakin ni claire yung sulat na bigay ni arlene inasar pa ko ni rod sabi niya may sulatan pa sila oh! May sulatan pa! Tapos sabi ko tssss.. sabay tingin ng masama para ngumiti din ako agad ganun talaga pag masaya ka! Haha!

Tapos mga seconds lang lumingon na ulit ako sakanya sakto nakatingin na siya sakin sabi niya hindi ako magtuturo rosary lang mag tuturo. Tapos ang laki talaga ng ngiti niya! Kaya napangiti na lang din ako sabay sabing swerte. Tapos ngumiti siya gumanti na lang din ako ng ngiti tapos humarap nako. Sheett!! Yung nag uusap pa din kayo ni crush kahit ang layo niyo na sa isa't isa! Ih!!

Ito naman kay claire kasi may waiver tapos yung papel pinalo niya sa balikat ko edi hawak ko na kukunin ko na ayaw naman niya ibigay hawak niya ng mahigpit tapos gusto ko sanang gawing expression yung naiinis kaya lang di ko mapigilan mapangiti kaya humarap na lang ulit ako at doon naglabas ng ngiti sabi niya eto na! Sabay palo niya ulit nung waiver sakin siya din kaya! Natatawa nung pilit kong kinukuha yung waiver! Haha! Tapos isa pa nun napag tripan ko lang na titigan siya..tapos nung napansin niya tumitig din sakin yung normal na mukha ganun..eh ako hindi ko mapigilan mapangiti hanggang sa natawa nako at tumingin sa harap. Yun lang! Nung uwian medyo busy na kasi bukas nako magtuturo. Kaya ganern. At least okay na kami ni arlene di ba? Kinausap niya ko! And take note! Malayo kami sa isa't isa pero gusto niya pa rin akong makausap. Hihi..

"When I Meet Her"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon