February 23 2017
Halo!!! Ano ba? Hindi ko alam kung matutuwa o kung ano man. Kasi naman eh...kwento ko na lang..
Umaga nun pabalik sa room wala pa si crisgin absent tapos si magno nauna na maglakad. Eh di naglalakad ako mag isa nasa likod ako nila archie,allan,gian. Nakayuko ako nun,alam ko din kasing malapit na sa gilid ko si arlene...kasama si olibeth..kaya nakayuko ako...habang naglalakad ng nakayuko may naramdaman akong kumalabit sa left na braso ko. Pagtingin ko si arlene..pero nakayuko din tapos naglalakad na siya papunta kay olibeth...god...i miss her so much..si arlene ha?...o sige na nga...pati si olibeth.. tapos nun naglakad nako papuntang room.
Next scene naman nun,uwian na...nagsasalamin ako nun..tapos may kausap ako may tumatawag sakin pero sobrang hina..kaya naka ilang tawag pa siya bago ko tumingin sakanya..kay arlene..tapos may sinabi siya eh hindi ko nadinig. Kaya lumapit ako tas yumuko para ka level ko ulo niya sabi niya si claire? Sabi ko claire? Tas tumango siya..edi ako hinanap ko sa loob ng room wala tapos nakita ko pababa galing locker. Tinawag ko malayo pa lang sabi ko claire! Tapos nag anagat ng ulo kasi nakayuko siya nakatingin dun sa hagdanan tapos pagkatingin niya tinuro ko si arlene na nakasilip sa bintana. Tapos yun pumasok ulit ako sa room.
Tapos hinanap ko si poly naalala ko may tatanong nga pala kami kay ma'am whena nung nagkita kami pumunta na kami. Tapos nakita ko si ab mag isa lang walang kasama nananalamin pero kausap siya ni kepler..ang akin lang..hindi niya kasama si olibeth..edi pinuntahan ko tapos yun nag usap na kami nag kamustahan..nag tanong ako kung ano nangyari samin..kumbaga sa relationship may closure na kami..at ang masakit...kasalanan ko pala kung bakit nagkaganun kami...na miss interpret ko siya...nakakainis..naiinis ako sa sarili ko. Tapos nun biglang dumating si gianne. Edi hindi na kami nakapag usap tungkol dun kasi pinag usapan na nila yung crush..tapos tumayo si ab..kinausap ni eje. Tapos tumabi naman sakin si gianne tapos kwinento ko kung ano yung usapan namin ni ab naka upo ako nun yung dalawang siko ko nakapagtong sa tuhod ko tapos mag kadaop pa yung kamay ko habang nakatakip sa ilong tsaka bibig ko yung mukha talagang problemado..so kasalanan ko..naiinis ako..sobra kong naiinis sa sarili ko..kasalanan ko lahat...lahat-lahat.. tapos nakita ko na nung si arlene sa pheriperal vision ko pero hindi ko pinansin..yung problema ko talaga eh..tapos napansin ko na napansin niya ko yung papel na hawak niya hinampas niya sa mukha ko pero medyo mahina yung sakto lang..tapos ngumiti ako ng pilit..tapos napayuko na lang...god..all this time ako lang pala nag iisip ng ganun..bwiset..
tapos nag paalam na si gianne nun na uuwi na daw siya sabi ko kuwari sabay kaming uuwi tapos naka kawit yung kamay ko nun sa braso ni gianne kinalabit ko si ab sabi ko ab..uwi na kami.. sabi ni ab bye..tapos tumango tas napansin ko si arlene nakatingin sakin habang kinakausap ko si ab. ano? Tititigan niya na lang ba ko? Haha...
Tapos bumalik na ko nung nahatid ko na si gianne sa room nila. Pagbalik ko tumabi ako kay arlene na busy sa pagtingin ng lesson niya nakatingin ako sa lesson niya tapos napansin ko na napatingin siya sakin pero binawi din agad...shocks..yung pabango niya..amoy na amoy ko...
tapos umalis muna ko para kausapin si rod..kasi naman gustong gusto ko na itanong kay arlene kung bakit ganun siya makatingin sakin!! Tapos edi yun..nag ikot ikot muna ko.
Tapos nakita ko sa loob ng room si olibeth..kaya napatingin ako sa pwesto nila ab..katabi niya si arlene..edi pumunta ko tapos naupo ako sa tabi ni ab nag uusap sila nun eh tas tumitig ako sakanya napansin niya ko na nakatitig ako sakanya kaya napatingin siya sakin sabay belat niya tas sabi ko kay arlene uy! May dalaw ka ba kahapon? Napakunot noo siya sabi niya dalaw? Anong dalaw? Sabi ko ano..menstration..tas biglang sumingit si ab sabi ah..hindi badtrip lang yan kahapon..gusto mo sabihin ko sayo bakit siya nabadtrip? Sabi ko ah..hindi na..sige..okay na..ayoko naman mangielam no..sasabihin ni ab sakin tapos mamaya ayaw naman pala ipasabi ni arlene di ba? Tapos parang gulong gulo pa din si arlene sabi niya bakit?panong dalaw? Sabi ko nung lunch..nandun ka oh..ang sungit mo..sabi niya ako?! Sabi ko oo dun oh..nakatingin ka sakin dun..tapos tinuro ko pa yung pwesto niya kahapon sabi niya ako?! Sabi ko oo nga! Ang sama kaya ng tingin mo sakin kahapon.. sabi niya kahapon?! Hindi nga kita nakita kahapon..kahapon..hindi nga kita nakita...tapos napaisip ako..kahapon ba siya nag death glare sakin? Tapos sabi ko oo..di ba nga tumabi pa ko sayo nun..tapos si ab may gustong sabihin singit ng singit kaya lang sinasabi ko saglit lang kasi!! Kulit eh! Nag uusap kami ng baby ko! Haha! Tapos sabi niya ah...oo badtrip nako nun..tapos sa ibang direksyon na siya tumingin..ba yan..tagal kong pinaalala..haha..tapos nagsumbong si ab na pinag tritripan daw siya sabi ni arlene si ab ay magkakaroon ng marangyang kaarawan.....tumawa lang ako tas sabi ni arlene alam mo sabi no armie sakin oo ikaw marangya ka. Pero si ab kausap niya nakikinig lang ako tapos sabi ni ab oo..tapos sabay nilang sabi walangya ka..yun din yung nasa isip ko eh..haha..tapos tumayo nako nun para naman pumunta kayla maui tsaka tinawag na nila olibeth si ab uuwi na ata sila.
BINABASA MO ANG
"When I Meet Her"
RandomAng kwento na to true story ang kwento po na ito ay kay katherine garcia kaya title ay when i meet her kasi nag iba lahat ng makilala ko siya.......