March 6 2017
Hi!!!! oh my gerd!!!! Yung feeling na nabunutan ka na ng tinik sa dibdib kinilig ka pa! Kase naman eh!
Umaga nun,nag lapag si arlene ng bag sa peace. Okay lang,marami din kasi kong intindihin tsaka sobrang sama ng pakiramdam ko:( may ubo't sipon na masakit pa lalamunan ko:(
Edi yun,tsaka may plano na din kasi kong makipag ayos kay olibeth kata ayun hinihintay ko si ab para masabi ko plano ko. Nung dumating kinausap ko kaagad ang plano sa uwian ko ibibigay. Edi yun bumalik nako sa pwesto ko.
Tapos pilahan na..mahaba fc namin ngayon kasi station of the cross edi nalipat kami pwesto lumingon ako sa likod ko exactly sa MPH una kong nakita si ab eh ang hinahanap ko si olibeth at arlene. Nung nahanap na ng mata ko ang una ko nakita si olibeth pagtingin ko sa katabi niya...si arlene! Na nakatingin na sakin! Sheet!! Napa iwas tuloy ako bigla! Tumingin na lang ulit ako sa harap. Hehe...
Tapos balikan na sa room,natulog lang ako ang boring nung nagtuturo eh. Tsaka sobrang sama talaga ng pakiramdam ko.
Tapos nun recess na...sumisingot ako nun ng vics habang naglalakad kami papunta sa canteen..hindi nako makahinga...tapos alam ko na yung grupo nila arlene madadaanan namin. Edi medyo dedma lang ako kasi wala ko sa mood mamansin lunod na lunod nako sa sipon ko:-(
Tapos nun may tumawag sakin sabi kath! Tapos tiningnan ko si arlene na nasa harap ko tapos may sinasabi siya kaya lang di ko masyadong maintindihan kaya ngumanga ko para sabihing ha? Sabi niya sa inyo ko magtuturo...mamaya..tapos todo ngiti siya ngumiti din ako sabay sabing goodluck! Tapos ngumiti siya then naglakad na paalis nakakainis ang panget ng boses ko...malat eh.. masakit nga kasi lalamunan ko.
Tapos nun...tapos na reces...nag english na kami ang teacher namin si sean..tapos may tinanong siya eh hindi ako nakikinig kaya hindi ko alam bigla siyang nag tawag ng G number G-7 natawag niya..edi si claire tumingin ako sakanya sabay ngiti ng nakakaloko. Tapos humarap na ulit ako ng tingin tapos nadinig ko nagreklamo siya bago tumayo sabi niya ano ba yan...bago siya tumayo kinalabit niya ko sa likod sabi niya ano ba pwede? Tapos tiningnan ko lang siya sabi ko ewan ko...malay ko ba diyan..hindi ko nga alam yung tanong eh..kaya si rod nagturo sakanya..at nakaupo na siya..galing ni classmate...haha..
Edi yun after ng english...eh may konting oras pa na natitira kaya pumunta muna ko kay tabalan para magpaturo kung pano yung bulaklak. Edi nandun ako sa tabi ng upuan niya..alam ko naman na si arlene ang kasunod na subject namin which is social..wala pa naman siya kaya dun muna ko at tutulong sa paggawa ng bulaklak para kay olibeth. Tas tinawag ako ni crisgin tapos may sinasabi kaya lang sa bibig lang confidential ata pero nabasa ko yung bibig niya sabi niya arlene. Edi lumapit ako sakanya...arlene yun eh..tas sabi niya tinanong ni arlene kanina sakin kung anong G number mo...G-6...tapos naaalala ko nung recess tumabi si arlene kay crisgin pero hindi ko katabi si crisgin nun ang katabi niya si ab may tinatanong kasi...kaya pala tumabi! Haha! Sabi ko oh? Loko yun ah..sabi niya tinawag mo daw kasi siya nun. Sabi ko di nga siya sumagot nun eh. Tapos bumalik na ulit ako kay tabalan.
Edi yun..gawa lang here..gawa there..hanggang sa dumating na si arlene...ang dami niyang dala may laptop pa tapos may mga kartolina pang dala...tapos sabi ko dun muna ko...kasi binaba ni arlene yung laptop sa upuan ko mismo. Tapos pagtingin ko sa katabi ko si claire na..pag upo ko sabi ko bat ka nandyan?! Sabi niya bakit?! Upuan mo to! Sabi ko hindi,upuan ni rod! Bakit?! Tapos tumawa na lang siya. Tumawa na lang din ako..nakahambalang yung laptop ni arlene sa desk ko..hehe..ang laki eh...
Tapos bumalik ako kayla tabalan para magpaturo sabi ni maui bat ka nandito?! Dun ka! Sabi ko oo na! Tapos bumalik nako sa upuan ko alam niya din yung tungkol kay arlene kaya ganun.Tapos dala ko yung malaking construction paper para sa petals na gagawin. Inaayos ko tapos nakita ko sa gilid ng mata ko nag punta si arlene sa likod tapos pagbalik..bigla akong binatukan! Lokang to! Kaya tiningnan ko na lang ng masama. At pinagpatuloy ang ginagawa ko hindi pa naman siya nag uumpisa.
BINABASA MO ANG
"When I Meet Her"
CasualeAng kwento na to true story ang kwento po na ito ay kay katherine garcia kaya title ay when i meet her kasi nag iba lahat ng makilala ko siya.......