Gabi na ng matapos ang kunting saluhan na naganap dahil sa pagdating nang mag-asawa. Ang saya lang dahil nandito na sila at masaya na naman ang Mansyon.
Lahat kami ay nandito sa sala at nagtipon-tipon dahil merong mga pasalubong na dala. Pero si Kuya Ace ay nasa silid nito, hindi pa lumalabas mula pa kanina."Ito para sayo Lorna, alam kong ito talaga ang gusto mo. Galing yan sa isang Shop dun sa Paris na nakita ko, kaya ikaw agad ang naalaala ko." Sabay bigay ni Mama Grace ni Inay ng paborito nitong Antique na Kwentas. Umiyak naman si Inay kaya niyakap ko ito.
"Naku naman Grace bat kapa nag-abala. Pero maraming salamat dito ha?." Naiiyak na sabi ni Inay. "Walang anuman." Ngumiti lang si Mama Grace kay Inay.
Nga pala, mas matanda si Mama Grace kay Inay. 40 na si Inay while Mama Grace is 42 at 44 naman si Papa Jed.
Lahat ay Masaya dahil lahat sila nabigyan at saka nagkanya-kanya ng alis para matulog. At kami nalang apat ang natira dito.
"Nasan po sakin Mama Grace? Bat wala ang sakin?" sabay pout na ikinatawa nila.
"Kaw talagang bata ka." tumatawang sabi ni Inay at umalis na."Halika ka Iha. Ito naman ang para sayo." Isang bag na pambabae ang binigay ni Mama Grace sa akin na Ikinalaki ng mata ko.
"Mama,Papa baka naman po Mahal ito?"
Umiling-iling si Mama habang si Papa ay ngumingiti lang."Naku iha wag munang problemahin yan. Buksan mo na dali" excited na sabi ni Mama Grace. Kaya dali-dali ko itong binuksan. May laman itong box. Pagbukas ko ay mga alahas ang nasa loob.
"Hala ka! Maraming Salamat po Mama, Papa." yumakap ako sa kanilang dalawa. Ang saya.
"Your Welcome Laureen." ani nilang dalawa.
Kumalas ako sa yakap at nakangiting tinignan uli ang pasalubong.Abala ako sa pag tingin-tingin ng may biglang tumikhim.
"Mom, Dad." Si kuya Ace lang pala tsk. Di parin mawala-wala yun inis ko sakanya kaya ng mapatingin sya saakin ay inirapan ko ito.
"Oh Son, Sit down." lumakad ito at umupo sa tabi ko, pero diko ito pinansin.
Bat ba siya umupo sa tabi ko? Tss.Abala sila pag-uusap tungkol sa business nila habang ako ay kunyaring abala din sa regalo pero yung tenga ko ang nakikinig.
"Ace diba you fired your Secretary? Sinong ipapalit mo?" tanong ni Mama Grace.
"I'll hire new." Naramdaman kung may tumitingin sa akin kaya tiningnan ko ito.
Si Kuya Ace. Tinaasan ko ito ng Kilay."What?" takang tanong ko.
"Ay oo nga pala. Diba Iha naghahanap ka ng trabaho? May alam ako." ngiti-ngiting sabi ni Papa Jed sabay kindat kay Ace. Luuh? Anyare.
"Ah opo pero wala pa po kasi akong nahanap, kaya baka po mag aapply muna ako ng mga waiter sa isang restaurant." nakakahiya baka gusto na nila akong patrabahoin dahil pabigat na ako dito sa bahay. Sila kasi ang nagpapaaral sa akin. Dahil yun din ang gusto nila.
"No need Iha. Pwede kang mag-apply kay Ace as he's Secretary. What do you think?" ngiting asong sabi ni Papa Jed.
"WHAT?!" sabay sigaw namin ni Kuya Ace.
-----------------------------------------------------------------
A/N: Hihihi sorry, ang pangit parin.
Please support. Comment and Vote. Thankyou😊
-Alexzie
BINABASA MO ANG
The Mayordoma's Daughter (COMPLETED)
General FictionSiya ay anak ng isang Mayordoma na naninirahan sa mansyon ng mag-asawang Mr. & Mrs. Silvantes. Dalaga palang ang kanyang Ina nang ito'y ipinagbuntis. At dahil naawa ang mag-asawa ay pinatuloy nila ito at ginawang Mayordoma. Nang sya ay ipinanganak...