Laureen's POV
"Anak gising na, ngayon ang dating nila Maam at Sir." dinilat ko ang mata ko at kumusot-kusot.
"Goodmorning Inay." at humalik sa pisngi niya at ngumiti.
"Maliligo lang po muna ako" sabay tayo ko pumuntang banyo.
Nakalimutan ko pala na ngayon na ang uwi nila galing Paris. Nagbakasyon kasi sila 'don ng isang buwan. At kami lang nila Inay ang nandito at ang anak na lalaki.
Si Mama Grace Silvantes. Maganda, Maalaga, Mapagmahal, at Mabait.
Si Papa Jed Silvantes. Gwapo, Cold minsan pero pagdating sa pamilya ay napakakulit nito lalo na kay Mama Grace.
(Kaya Mama at Papa ang tawag ko sakanila ay dahil iyun ang gusto nila.)
Meron silang dalawang anak.
Si Jean Del Silvantes. Ang panganay na anak. Maganda, Maldita, Spoiled Brat. Pero nasa US sya ngayon.
At si Ace Delo Silvantes. Gwapo pero ubod ng sungit. Cold as Ice. His eyes are gray. Basketball Player, ang galing din niyang mag-guitar kaya nakaka-inlove. Ssshh hihi. Kuya ang tawag ko dahil mas matanda sya saakin ng dalawang taon.
He is already 22 but nagmamanage na sya ng kanilang sariling Company in different countries. Sila ang isa sa pinakamayaman na pamilya all over the world.
And me? Im Princess Laureen Lopez. 20 years old. Graduated na ako. At naghahanap ng mapapasukang trabaho. Para makapatayo ng sariling bahay namin ni Inay.
Pero naka----."Laureen bat antagal mo namang maligo dyan? Nasa airport na sila. At saka hinahanap ka ni Kuya Ace mo may iuutos daw."
"Saglit lang! nagbibihis na po, Inay" sagot ko at kumuha ng suklay. Agad akong lumubas.
"Hala sige. Puntahan mo na si Ace at kanina ka pa non hinihintay." Tumango lang ako at dali-daling pumunta sa silid ni Kuya Ace. Nakakakaba ang sungit pa naman nito.
"Kuya Ace?" tawag ko.
"Come in." malamig na sagot nito.
"A-ano po ang kailangan niyo?" tumayo ako sa harapan niya. Ang pogi talaga.
"Sit." sabi niya.
"Ha?" takang tanong ko.
"Tsk. I said, sit!" sabay tap niya sa couch na tabi lang ng kanya.
"Wait me here. I'll be back." masungit na sabi nito.
"O-opo Kuya Ace." nag tsk muna ito bago tumayo at pumasok sa opisina niya.
Nakakainis talaga sya psh, minsan Cold, minsan naman masungit tas minsan din ang sweet. Yung totoo? Lage ba tong may dalaw? Haays!
Bat naman ang tagal niya? Nayayamot na ako! Kanina pa ako nag-aantay dito. Hmp! Tumayo ako at tumingin-tingin sa mga bagay sa loob ng silid ni Kuya Ace.
Di ko naman first time makapasok dito, pero kapag papasok ako dito it's either gigisingin ko sya or tinatawag niya ako. Kaya hindi ko pa masyadong natingnan itong silid niya.
Ang theme nito ay black and white. King Bed size. Isang napakalaking telebisyon sa harap ng kama. Isang walk-in closet, C.R na parang isang bahay na sa laki, couch at isang maliit na table, at mini ref, at isang painting sa ibabaw ng kanyang kama at ang kanyang opisina. Hmm di na masama. So manly ng smell pang Ace Delo Silvantes talaga.
Umupo ulit ako ng natapos na kung magtingin-tingin.
"Asan na ba yun? Bat antagal niya?"
Tumayo uli ako at pumunta sa pinto ng kanyang opisina.
"Kuya Ace? Andyan ka pa ba?"
Walang sumagot. Tsk nakakainis na! Pinagloloko ata ako non eh.
At dahil naiinis na ako dali akong pumunta sa pinto at pinihit ito pero bago iyon ay bumukas na ang opisina nito at umupo sa couch.Tinaasan ako nito ng makapal niyang kilay. Tumiklop na naman ako hays. He's eyes are my weakness, dahil para itong nangungusap.
Inirapan ko din ito. Ha! Kala niya sya lang ang may kayang magsungit? Nah.
"Bat angtagal mo? 5minutes kang nasa loob tapos pinag-antay mo lang ako? Alam mo bang may trabaho pa ko? Tutungan ko pa si Inay! Nakakainis ka! Aargh!" sabay talikod ko at lumabas na.
"Hey wait!" tawag nito pero diko ito pinansin at nagtuloy-tuloy ng lumabas at pumunta sa kusina para tulungan si Inay.
"Oh anak bat ang tagal mo naman ata? Anong pinapagawa sayo ng Kuya Ace mo?" tanong ni Inay na abala sa pag halo ng Adobong Baboy.
"Hay naku Inay, pinag-antay lang naman niya ako ng limang minuto dun sa upuan niya. Nakakainis, psh!" ngumingiwing sabi ko at kinuha ako ang sandok at ako ang nagpatuloy sa paghalo.
"Hayaan mo na anak. Oh ito ilagay mo na sa lamesa at malapit na din itong matapos."
"Sige po." Nilagay ko ang mga ulam sa lamesa at bumalik sa kusina ng biglang nalang may nag beep beep sinyales na andito na ang Mag-asawa.
Omyghad I miss them.
Dali-dali akong tumakbo papuntang pintuan at sinalubong ko sila Mama Grace at Papa Jed.
"Mama Grace, Papa Jed. Omyghad I miss you both." nakangiting sabi ko sabay yakap sa kanila.
"Laureen iha. We miss you too."
Sabay yakap din sakin.-----------------------------------------------------------------
A/N: So Lame. Bawi ako next update.Please support. Comment and Vote for more updates. Thankyou😊
-Iza
BINABASA MO ANG
The Mayordoma's Daughter (COMPLETED)
Ficción GeneralSiya ay anak ng isang Mayordoma na naninirahan sa mansyon ng mag-asawang Mr. & Mrs. Silvantes. Dalaga palang ang kanyang Ina nang ito'y ipinagbuntis. At dahil naawa ang mag-asawa ay pinatuloy nila ito at ginawang Mayordoma. Nang sya ay ipinanganak...