Isang buwan na akong nagtatrabaho bilang isang secretary.
Ok naman siya, pero kapag sinumpong si Kuya Ace, naku ma ee-stress ka talaga sa ka beastmode-dan niya.Pero habang tumagal nasanay na rin naman ako. Keri nalang.
Ngayun ay linggo kaya nandito kami ni Inay sa simbahan. Ito lang ang buong araw na kami ang magkasama. Dahil day-off ko at ni Inay.
Pagkatapos ng mesa ay dumiretso kami ni Inay sa Mall para mamasyal.
"Inay kain muna tayo, gutom na ako eh" nakangiting sabi ko at naglakad papasok sa isang restaurant. Ililibre ko si Inay, kakasweldo ko lang kasi nung friday."Anak bat dito tayo kakain? Eh mukhang dito eh." tanong ni Inay. Kuya J Restaurant kami kakain.
"Alam ko po. Pero ako napong bahala, halika na Inay pasok na tayo." sabay hila kay Inay.
Pinaorder ko si Inay kahit anong gusto niya at inorder ko rin ang gusto ko.
Ng dumating ang mga order namin ay masaya kami ni Inay na kumakain katulad ng dati.Pagkatapos kumain ay nagbayad na ako. 1500 lang ang nabayaran ko. Mura narin naman ng kunti, di na masama.
Lumabas kami ni Inay at nagshopping.Binili ko sya ng mga bagong damit ako din syempre. Mga susuotin ko sa trabaho. Ng matapos kami ay mga bandang alas kwatro na ng hapon. Oras na para kami ay umuwi.
"Salamat dito anak ha? Ikaw talagang bata ka, di ko naman to kaylangan marami pa akong mga bagong damit na binili natin noon." sabi ni Inay.
"Naku, ikaw talaga Inay. Parang ang kunti nga lang niyan eh. Kumpara sa mga ginawa mo saakin simula bata pa ako."
"Anak, tungkulin ko bilang isang Ina ang alagaan at palakihin sa ng maayos. Masaya ako ng dumating ka sa buhay ko." parang papaiyak na si Inay. Ako din. Simula bata palang ako ay si Inay na talaga ang bumubuhay sa akin.
Di ko din kilala kung sino ang Ama ko. Di ko narin sya hinanap. Kuntento na ako kahit si Inay lang. Diko kaylangan ng Amang nang-iwan ni Inay ng akoy ipinagbuntis.
"Hays. Inay namin eh, nagdrama kapa kasi, ayan tuloy umiiyak tayo haha." pinahuran ko ang luha ko at kay Inay.
Ng matapos ang dramahan namin ay sumakay na kami ng Taxi pauwi sa Mansyon ng Silvantes. Nang sila ay dumating ay wala ang mag-asawa. Si Ace din ay nasa business trip sa Europe.
Kaya sila lang at ang ibang katulong ang nandito.*
Nang mag-gabi may tinapos akong mga pinapagawa ni Kuya Ace sa akin. Di ko kasi natapos nung sabado dahil subrang dami ko ding ginawa.Kaya ito ako, naka abang sa Laptop na binigay ni Kuya Ace saakin dahil kaylanganin ko daw ito para sa mga gawain. Nang matapos ko ito ay humiga na ako.
Tiningnan ko ang orasan, its already 2am ng umaga, pero gising pa ako. Maaga pa naman ang pasok ko bukas.
Dahil sa pagod ay napadali ang tulog ko.Ng magising ako kinaumagahan ay napakaganda ng gising ko. Dahil siguro tapos na ang mga pinapawaga ni Kuya Ace.
Siguro ay nasa opisina na ngayun si Kuya Ace. Ngayun din ang balik nito. Kaya dali-dali akong bumangon at pumunta agad sa banyo. Excited na akong makita sya. 5days din kaming di nagkita. I miss him.
-----------------------------------------------------------------
A/N: Nakapag-update din. Sorry po, si Laureen at Inay niya muna ang chapter na ito. Pero promise po sa next chap ay moment na nila ni Ace at Laureen hihi.-Alezxie
BINABASA MO ANG
The Mayordoma's Daughter (COMPLETED)
Ficción GeneralSiya ay anak ng isang Mayordoma na naninirahan sa mansyon ng mag-asawang Mr. & Mrs. Silvantes. Dalaga palang ang kanyang Ina nang ito'y ipinagbuntis. At dahil naawa ang mag-asawa ay pinatuloy nila ito at ginawang Mayordoma. Nang sya ay ipinanganak...