EPILOGUE

14.4K 220 12
                                    

AUTHOR'S NOTE

Soooo, Hi, everybody! We're so glad that this story reached 502k reads. We first thought that it'll remain a story with one chapter ONLY. But, look! Grabe kayoooo! Hindi kayo nagsawang maghintay for the next chapter until sa epilogue . 1 year na tong story na to pero *hehe* hindi pa rin natapos kaagad. Pero no worries, ito na talaga yung ending mga friendships! Before kayo mag continue, I just want u to know that we love you soooo much (but God loves you more. John 3:16)

E N J O Y ! ! !

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED! LUVLOTS
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Minsan kasi, sa ating buhay, lagi nating sinusunod ang dinidikta ng ating isip. Ni hindi natin kayang pakinggan ang sinisigaw ng ating puso.



  Pilit ipinagsisigawan ng ating puso na mahal mo pa, pero sabi naman ng isip mo, never settle for less kasi marami pang iba. Pero kaya nga nag settle sa less kasi alam mong pwede pa, alam mong kaya mo pa...





Saludo ako sa lahat ng mga taong kahit alam nilang malabo nang maibalik ang dating tamis ng pagmamahalan, ipinaglalaban ka pa rin . Hindi biro ang sakit at pagod na napagdaraanan nya bumalik ka lang, bumalik lamang dating kayo.



Kaya masaya akong hanggang ngayon, ang taong akala ko noo'y hanggang pagtingin lang, sya na yung lumalaban para sa amin. Andyan sya't handang masaktan, mapasaya lamang ako.



Labis ang pasasalamat ko sa panginoon kasi biniyayaan nya ako ng lalaking kasing ganda ng ugali ni Ace. Alam kong hindi sya yung tipong sweet na tao, pero hangga't kaya nya, ipaglalaban ka...

  

Andito kami ngayon sa isang mall kasama si Kei at Mae. Nag leave na muna ako sa work at nagbakasyon dito sa Cebu kasi deserve ko rin naman. After all, I still have to enjoy my life. Hindi ko kasama si Ace kasi inaasikaso pa nya yung company nila.



Na-meet ko na rin yung mga parents at kaibigan ni Mae kasi pinuntahan namin nong isang araw. Ang ganda ng pakikitungo nila sa akin.



  Tumungo rin kami sa isang sikat na buffet dito, yung sa buffet 101. Masaya akong makita silang magkakapamilya na masaya kasi unang beses pa lang raw nilang makapunta dito.


Si Mae na yung ginawa kong guide dito kasi baka mawala pa kami. Napakaganda nga naman ng lugar na ito. Napakaraming pwedeng pasyalan. This City is very blessed for having these kinds of spots.



Natapos ang pasyalan sa pag-iikot at kain at syempre shopping at pictures. Napakahilig talaga nitong si Mae kumuha ng litrato. Sabi nya kasi, masarap daw kumuha ng litrato kasi minsan lang tayo mabuhay, swerte na kapag binigyan ka pa ng dyos ng isa pang pagkakataon kaya habang buhay pa, gamitin ang teknolohiya para sa magandang memorya, oha!



Napagpasyahan na naming umuwi dahil napagod na rin kami sa pag-iikot at kain. Agad kaming nagpunta sa garahe ng isang mall upang kunin yung kotse. Nasa likod ko si Mae at Kei at dala sa sobrang pagod, nakatulog na nga sila.


While driving, I played December Avenue ft Moira's latest song, Kung di rin lang ikaw.....


Kung hindi rin lang, ikaw ang dahilan.
Pipilitin ba ang puso kong, hindi na masaktan...
Kung hindi ikaw, ay hindi na lang pipilitin pang umasa para sating dalawa...


Sobrang napaka-meaningful nung kanta. Every lyrics has a message. And that song perfectly fits to my love and life's story.


I enjoyed listening to the music kasi parang ginawa nila ito para sa 'kin eh hekhek (Charot).

The Mayordoma's Daughter (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon