Chapter 29

22.8K 405 28
                                    

Agad naming itinakbo si Ace sa pinakamalapit na hospital. Hawak² ko ang kamay nya habang nasa ambulansya kami.

"Hold on Ace. Hold on! We still need you. Kei needs you"- paulit-ulit kong sabi habang hawak-hawak ang kamay nya.

Isa lamang ang tumakbo sa utak ko ngayon, at yun ay SANA WALANG MASAMANG MANGYARI SA KANYA. Kei needs him so much. Sobrang konting panahon lang na magkasama sila. I can't even imagine how it goes by. Parang kanina ko lang syang nakita ulit.

Dumating na kami sa hospital kaya agad naman naming itinakbo si Ace sa ER. Hawak² ko pa rin ang kamay nya and I can feel that him too.

"Lumaban ka Ace."- Sabi ko habang tumatakbo parin.

"Ma'am, hanggang dito ka nalang po"- sabi nung doctor nang dumating kami sa ER.

Agad naman nilang ipinasok si Ace sa ER upang operahan.

"Doc, please gawin nyo po lahat ng makakaya niyo. Please, kasi kaylangan pa sya ng anak namin"- pagmamakaawa ko sa Doctor. Tumango lamang sya at agad na pumasok sa ER.

Umupo lamang ako sa upuan doon.

Bakit ba ang tanga-tanga ko? I always look at his imperfections, his negative sides without looking his positives. I don't even feel kung ano ang mga bagay na nagawa nya sa akin. Hindi ko sya binigyan ng pagkakataon na mag explain. Galit ako! Hindi sa kanya pero sa sarili ko.

"MEMMY!!! HUHUHUHU MEMMYYYYY"- Pasigaw na sabi ni Kei habang tumatakbo papunta sa akin at umiiyak. Nakita ko rin doon si Mama at Papa na umiiyak rin pati si Mae.

"Baby"- niyakap ko sya ng mahigipit habang nag-iiyakan kami.

"*hik* m-memmy, *hik* h-how *hik* are you memmy?"- alalang tanong sakin ni Kei.

Sobrang sarap pala sa pakiramdam na pati anak ko concern sakin.

"I'm fine baby. Your deddy saves memmy"- sabi ko at pilit na ngamiti.

Tiningnan ko si Mama at Papa na nakatingin sa amin at tumayo.

"Ma, pa, sorry po"- pagpapaumanhin ko sa kanila. Luluhod sana ako nang pinigilan ako ni Mama.

"No need to apologize Laureen, okay lang yun."- sabi ni Mama kaya niyakap ko sila ni papa.

Akala ko magagalit sila sakin but I was wrong, tinanggap nila ako.

Pinauwi ko na lang din muna si Kei at ang yaya nito.

Nagpaalam muna ako kay Mama at Papa na may pupuntahan lang ako at pumayag naman sila.

Pumunta ako sa Chapel upang magdasal. I have a lot of things that I have to thank god with.

Umupo ako sa bandang unahan at nagdasal.

"Panginoon, Alam kong marami akong pagkukulang sa inyo pero po kahit na isang oras lang sa isang araw kitang nakakasama, nagpapasalamat pa rin ako sa inyo kasi po sa dinami-dami ng tao sa mundo, binigyan nyo parin po ako ng oras upang mapaganda ang buhay ko, namin ng anak ko pati narin si Inay. Salamat din po dahil before pa namatay yung itay ko ay nakilala ko parin sya pati na po si Kuya. Maraming salamat po talaga sa lahat. Pero po, may isang bagay lang po sana akong hihilingin at nawa'y pagbibigyan mo po ako. Sana po ay wag nyo pong pababayaan si Ace. Wag nyo po sana syang hayaang mailagay sa kapahamakan. Kaylangan pa po namin sya ng anak ko. Bigyan nyo po sana ako ng pagkakataon na makausap sya ulit kasi po hindi pa po ako nakahingi ng patawad sa kanya. Sana po'y pagbibigyan nyo po ako. Amen" Tumutulo pa rin yung luha ko at hindi ko mapigilan.

Alam nyo yung feeling na may makakausap ka sa gantong pagkakataon. Hindi ko man sya makita ay nararamdaman ko talaga sya dito sa puso ko.

Napatingin ako sa likod ko kasi may umiiyak na babae. Tumayo ako at pinunasan ang luha ko at lumapit sa kanya. Tinabihan ko sya kaya napatingin sya sakin.

The Mayordoma's Daughter (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon