NAMULA ng husto ang mukha ko dahil sa pag-amin ko dito na nagseselos ako. Sana pala ay di na ako ulit pumasok dun at inantay nalang sya. Tutal sanay nadin naman akong mag-antay ng matagal.
Yung kasing babaeng yun eh! Ang kapal ng mukhang umupo sa inupuan ko. At kung makatingin pa wagas.
Napa-amin tuloy ako ng di oras. Langhiya!
Tawa parin ng tawa si Sir Ace kaya mas lalong pumula ang mukha ko. Ng mahimasmasan ito ay tumingin ito sa akin.
"So Laureen. Why are you jealous with that girl?" tanong nito na namumula pa ang mukha sa kakatawa."K-kasi po inupuan nya po yung upuan ko tas kung makatitig sya sayo wagas. Parang gusto kanang kainin." naiiritang sabi ko. I know childish but who cares?
"Why?" takang tanong nito. Napakunot ang noo nito na sya ding kinunot ng noo ko.
"Anong why? Hahayaan mo lang bang titigan ka nong drawing book ang mukha?!" sigaw ko dito.
"I know. But ganyan ka kung makareact? Your are not even my girlfriend?"
Napatingin ako sa kanya saka yumuko.'You are not even my girlfriend.'
'You are not even my girlfriend'
'You are not even my girlfriend'
Oo nga naman. Bat ba ako ng-aaway eh di ko naman sya boyfriend? Assuming 101 Laureen. Naiinis ako sa sarili ko.
"Sorry po kuya Ace kung nasubrahan ako kanina. Di na po yun mauulit. Saka may sasabihin nga po pala ako sa inyu." para na akong iiyak. Ang sakit sa puso.
Tumingin ito saakin pero malamig na ang mata nito. Di na katulad kanina.
"Kuya Ace crush po kita. I think M-mahal na nga kita eh. Nung gabing niligtas mo ako sa mga lalaking bumastos sa akin ay humanga na ako sayu. I know im too young that time, i think 15 pa ako non. Pero di ko napigilan eh, nahulog agad ako sayo that time, hanggang ngayun." umiyak na ako habang nakayuko. Narinig kung napasinghap ito kaya tumingin ako. Galit ang nakikita ko sa mata nito. "Pasensya na po, wag mo na pong isipin yung sinabi ko. Mauna na po ako. Good day Sir." ngumiti ako ng pilit saka kinuha ang mga gamit at lumabas sa kotse.
Ng nakasakay na ako sa taxi ay dun na bumuhos lahat ng luha ko. Ang sakit! Ang sakit kasi parang nagalit ito na sinabi kong mahal ko sya. Nakakainis! Bat pa ba kasi niya ako niligtas noon? Edi sana di ako nahulog na walang sasalo. Lintek na!
*
One week. Simula nong sinabi ko kay Sir Ace na Mahal ko sya ay umiba na ulit ang trato nito sa akin. Nagiging cold na ulit sya. Di na niya ako pinapansin. Kinakausap lang niya ako kapag may ipapautos sya saakin or may ipapagawa. Umiiwas na ito.
Di na rin ako masyadong lumalapit dito. Di na ako sumasabay papasok at pauwi.
Nilipat ko na din sa labas ang table ko pero i ask permession parin naman with him.Distance na distance na talaga kami sa isa't-isa. Nakakamiss din minsan na hindi na niya ako kinakausap palage pero sanayan nalang. Nag assume kasi talaga ako ng mataas kaya ayun lagupok na lagupok ako.
Nakakamiss din yun tumatawa sya na ako ang dahilan. Haays.
"Hoy bakla ano ba!" sigaw sa akin ni Timy. Kaibigan ko na sya simula nong nasa labas na ang table ko.
"Ay naku sorry. Bakit? May problema ka ba?" sabi ko dito.
"Wala naman. Pero! Sasama ka sa amin mamaya sa Bar!" sabi nito halatang tuwang-tuwa.
"Luuh! Bawal ako eh, maaga ako uuwi ngayun kasi namiss ako ni Inay kasi naging busy na ako masyado sa trabaho." malungkot na sabi ko dito.
"Libre ng barkada! Birthday kasi ng boylet ni Michelle at sa bar sila macecelebrate kaya gorra na tayo! Wag kanang mag-drama dyan. Sabihin mo nalang kay Inay mo na mangbirthday ka hahaha!" sabi nito. Okay. Dahil malapit ko na din kaybigan si Michelle at boyfriend nito ay sasama nalang ako. Hihingi nalang ako ng paumanhin kay Inay.
BINABASA MO ANG
The Mayordoma's Daughter (COMPLETED)
Fiksi UmumSiya ay anak ng isang Mayordoma na naninirahan sa mansyon ng mag-asawang Mr. & Mrs. Silvantes. Dalaga palang ang kanyang Ina nang ito'y ipinagbuntis. At dahil naawa ang mag-asawa ay pinatuloy nila ito at ginawang Mayordoma. Nang sya ay ipinanganak...