Chapter 30

24.1K 445 68
                                    

"Hija umuwi ka na muna, kami na magbabantay kay Ace. Matulog ka, pumapayat ka na. Sige na." napalingon ako sa bagong dating na si Mama Grace at Papa Jed.


"Okay lang po ako. Gusto ko po paggising ni Ace ako ang una niyang makikita." sabi ko at kinuha ang dala nila saka nilagay sa mesa.



"Oh sige kung hindi ka namin mapipilit. Pero hindi ba pupunta dito ngayun ang apo ko? Namiss ko na yung batang yun." Mama Grace said.



"On the way na po ata sila. Baka nandito na yun." sabi ko at nag-excuse sa kanila.



Pumasok na ako ng C.R ng room ni Ace at naligo. Sakto namang matapos ako ay dumating na sila.
Sumilip ako sa Pinto at tinawag si Mae.



"Mae, yung damit ko?" tawag ko.



"Opo Maam, sandali kukunin ko muna......Eto na po Maam oh." sabay abot nito sa damit ko. Nagbihis na ako at lumabas. Nakita ko dun ang anak ko na nakaupo habang nilalaro nila Mama at Papa.




Agad naman ako nitong nakita kaya dali-dali itong tumakbo at nagpakarga.





"Memmy I miss you. Kailan ka po uuwi sa house?" tanong nito. Hinalik-halikan ko ito.




"I miss you too baby, kumain ka na ba? Hmm?" tanong ko. At umupo sa sofa habang kandong-kandong ito at yakap-yakap.





"Yes memmy. Im good boy sa house. Right Yaya?"- tumango lang ito. Kaya hinayaan ko na. Im so tired. I just wanna sleep all day.




Nakatulog ako habang kandong-kandong ko si Kei.




*Flashback



Umupo ako sa upuan doon habang nag-aantay kay Zia. Hindi ko alam kung bat ko naisipang dumalaw dito. Siguro pinupush ako ng mga yabag ko to clarify something. I badly need an answer.



Nakita ko naman si Zia na nakasuot ng kulay dalandan at may nakalagay na "inmate".



"Anong kailangan mo?"- tanong nya sakin habang nakataas ang kilay at umupo sa harapan ko.




Napatayo naman ako habang nakapatong ang kamay ko sa mesa.






"Bat mo nagawa yun? Zia I thought you love him? Bat mo sya binaril? Bakit mo ko pinadukot? T-tsaka, sino yung lalaking kasama mo?  Nasa katinuan ka pa ba?"- sunod² na tanong ko sa kanya at nangingiyak-ngiyak na.





Naguguluhan lang talaga ako. Why? Ganito ba talaga pag mahal mo ang isang tao? Na kahit ano, gagawin mo? Kahit na ikasasama mo iyon?






A moment of silence. Natahimik sya habang nakayuko. Natakpan ang kanyang mukha sa mahabang buhok nya. Nakita Kong may pumatak na luha sa mata nya at agad na tiningnan ako sa mata na puno ng emosyon na Hindi ko maintindihan.







"Do you think ginusto ko yun? Laureen, HINDI! Hindi ko ginustong barilin sya kundi dahil sayo! Oo! Dahil sayo Laureen. Alam kong alam mo na ang dahilan nun."- sabi nya habang patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha.








Hindi ko alam pero parang naaawa ako sa kanya. I know that I have to hate her because of what she did but I feel her. I know that he loves Ace so much, but.... URGH!








Hindi ko namalayang nakaupo pala ako & remain speechless.







Tinalikudan nya ako at nag simulang maglakad but then she stopped and say these words that makes me uncomfortable & clueless.






The Mayordoma's Daughter (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon