Chapter 21

20.9K 352 16
                                    

Inayos ko na ang mga gamit ni Kei dahil pupunta kami ngayun sa Boracay, gusto kasi nito doon. Ala-6 palang na umaga ay nagising na kami ni Mae para maghanda ngdadalhin at para din di kami maabutan ng traffic papuntang airport.

Tapos na akong maligo kaya gigisingin ko na lang si Kei.

"Baby, wake-up. Paliliguan pa kita, diba aalis tayo? Lika na." minulat nito ang mata na halatang inaantok pa. Pumulupot naman ang maliliit nitong kamay at nagpakarga.

Pumasok na kami sa CR at pinaliguan ko sya. Ilang minuto lang ay tapos na kaya bihisan ko na ito.

Nang sa tinggin ko ay tapos na lahat ay binitbit ko na ang mga gamit namin at kinarga ko naman si Kei pababa. Inaantok pa talaga ang baby ko kasi sumuksok pa sa leeg ko.

Nakita ko naman si Mae na nakatayo habang napakalaki ng ngisi, gustong-gusto din kasi nitong pumunta ng boracay kaya lang ay wala pa syang masyadong ipon dahil bago lang din sya sa bahay.

"Tara na Maam, excited na akong magwalwal sa beach hahaha." napatawa naman ako. Magwalwal talaga?
Kinuha niya ang ibang gamit na dala ko at naunang sinakay sa taxi.

Kagabi palang ay pinauwi ko na ang mga kasambahay dahil tatlong araw kami dun sa boracay.

Sumakay na din ako at inayos ko ang higa ng anak ko.

"Sa airport tayo Manong daliiiiii." bilisang sabi ni Mae kaya di na nagaksaya pa ng oras si Manong at pinaandar na nito ang makina.

8 ang flight namin at 6:30 na kaya may oras pa, at sana walang traffic para dikami mahuli.

Mabuti nalang at di masyado ang traffic kaya mabilis kaming nakarating. 7:40 na kaya dali-dali kaming bumaba at binayaran si Manong. Kanina pa din gising si Kei.

Pumila na kami kaya nilabas ko na ang ticket naming tatlo. Nasa likod ko lang si Mae dahil si Kei ay nagkarga na naman.

Ng maibigay ko na ay pumasok na agad kami sa eroplano at humanap ng mauupuan. Ng may makita ay umupo agad ako sa tabi ng window nito. Nakaupo naman si Kei sa lap ko, habang si Mae ay nasa isang upuan.

*

Nandito na kami sa Hotel na tinutuluyan namin. Natulog na si Mae at Kei. Pagod siguro sa byahe.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pwedeng kainin. May de lata at soup lang.
Ang soup nalang ang niluto ko dahil nagutom na ako. Diko naman sila pwedeng iwan dito.

Ng maluto ay kumain na ako. Pagkatapos ay pumasok ako sa silid ng anak ko at nahiga sa tabi niya at niyakap. Umidlip lang ako pero diko namalayang nakatulog na pala ako.

Gabi na ng magising kami. At gusto ng anak ko mag nightswimming kaya gumoraa na kami.

-----------------------------------------------------------------
A/N: Ang chapter na ito ay walang kwenta. Sorry.

Please support. Comment and vote for more updates. Iloveyou❤

Happy 12k guysssss. Thankyouverysomuch😭

-Alexzie

The Mayordoma's Daughter (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon