Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng katok. Bumangon agad ako at binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin si Sir Ace na nakatopless lang. Shit na malagkit.
"Magbihis ka nga!" sigaw ko dito.
He just chuckled at napakamut sa ulo.
"Let's eat. C'mon." sabi nito. Tumango lang ako at naunang naglakad pababa.
Napatingin naman ako sa wristwatch ko. 8 na pala ng gabi. Ang haba pala ng tulog ko.Nang nasa kusina na ako ay umupo agad ako sa pwesto ko. Sumunod namang umupo si Sir Ace.
Sumandok na ako ng kanin at kumuha din ng ulam. Sumandok din ito.
Tahimik lang kami ng magumpisang kumain. Walang balak magsalita sa amin.Ng matapos na ako ay nginitian ko ang kasambahay na magliligpit, tumango lang ito.
Umupo muna ako saglit sa sala at nanood ng tv. Nang magsawa na ako ay umakyat na ako at pumasok sa silid ng anak ko.
Mahimbing na itong natutulog. Hinalikan ko ito at niyakap ng kunti.Lumabas na din ako at papasok na sana sa room ko ng may biglang humablot sa siko ko. "Laureen, let's talk please?" malungkot ang mga mata nito.
Bumilis naman ang tibok na puso ko.
"Ah, Sir ano po ang pag-uusapan natin?" pormal kung sabi kahit na kinakabahan ako.
Di ito sumagot at nilakihan nito ang bukas ng room ko at pumasok saka ni lock.
"Laureen, bakit ka umalis sa mansyon ng di nagpapaalam?" mahinahong sabi nito.
Yumuko ako. Ang ano kasi ng titig niya saakin parang lapos kaluluwa ko.Di ako sumagot. Bumabalik na naman yung gabing tinulak ako ni Zia sa hagdanan.
"Kahit sasabihin ko naman sayo ay di ka naman maniwala." umupo ako sa kama.
"Just fucking tell me Laureen." bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya.
"Kaya kami umalis ni Inay ay dahil kay Maam Zia." sabi ko.
"What about Zia?" tanong nito. Mukhang naiirita na dahil sa putol-putol kung sabi. Siya pa may gana welengheya!
"Tinulak niya ako sa hagdan kaya ako na hospital at muntik ng m-makunan."
"Hindi ko alam yan. Im so sorry. Akala ko ay kaya kayo umalis dahil nahihirapan na kayo dito, yung ang sabi ng Inay mo." umupo ito sa tabi ko at hinawakan ng braso ko.
"Hindi mo talaga malalaman dahil wala ka namang pakialam kahit mamatay pa ako or ang anak ko! Puro ka nalang kasi Zia, Zia! Laman mo lagi nalang Zia! Ni hindi mo nga ako, kami ng anak mo nadalaw kahit isang beses sa hospital. Inantay kita alam mo ba yun? Pero bigo ako." mahabang sabi ko.
Diko namalayang umiiyak na pala ako habang pinunasan nito ang luha ko.
"I did'nt know, Im so sorry. Sorry. Sorry. What Zia told me is nung araw pala na, na hospital ka ay umalis ka na daw. Hinanap kita Laureen. Yung ibang kasambahay din ay yun din ang sinabi sa akin na umalis na kayo. Im sorry. Im such a jerk for letting you go." umiiyak na din ito.
Ha! Bwesit talaga ang Zia na yun. Di man lang ba yun kinarma sa ginawa niya sa akin at sa baby ko? Or di man lang ba kinonsensya? Tangina niya.
Niyakap na ako ni Sir Ace ng mahigpit. Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya.
Nakayakap sakanya ang lalaking minahal niya noon at ama nang anak niya.
Ngayung nakayakap niya ito ulit ay may isang bagay syang nakompirma. Mahal niya pa ito.
Hindi siguro ng pagmamahal niya dati pero alam niya na ito parin ang nagiisang lalaking kayang patibukin ng mabilis ang puso niya.
"Laureen?" biglang itong tumingin sa labi ko. Nanginginig ang mga kamay nitong hinawakan ang pisngi niya.
"I know it's too late but I just want to say that, I love you so much." wika nito bago tinawid ang pagitanang namin at siniil ako ng halik.
Sa hindi malamang dahilan ay di ako pumalag o umangal. Hinayaan niya lang maglapat ang kanilang labi.
Naramdaman niyang pagpulupot ng braso ng binata sa kanyang beywang.
Parang tumigil ang oras.Wala syang nakikita kundi si Ace Delo Silvantes lang ang unang lalaking nagpatibok ng puso niya and this time ay di sila lasing.
Nakatitig sya sa mga abong mata nito na nakatitig din sa kanya.
And then she slowly closed her eyes, trying to avoid his gaze. Nakakalunod kasi itong tumingin.
Patuloy lang sya nitong hinahalikan, maya-maya lang ay pinutol nito iyon at pinagdikit ang aming noo.
"Laureen. I love you so much." saad nito na nagpatibok na puso ko.
Tumayo ako at tiningna ito.
"No. You don't love me. Diba si Zia ang mahal mo? Magpapakasal na nga kayo eh. This is wrong. Umalis ka na."
"No. No. No. Ikaw na ang mahal ko. Ipapacancel ko na ang engagement namin. Please believe me." nagmamakaawa ang mga mata nito pero pinilit kung maging matatag ang titig ko dito.
"Get out." malamig na sabi ko sabay higa sa higaan at nagtaklob ng kumot.
Malakas na napabuntong hininga ito at mamaya lang ay nakarinig ako yabag sabay pihit ng doorknob.
-----------------------------------------------------------------
A/N: Hoooh! Hirap hahahaha.Guys malapit na po itong matapos. Salamat po sa mga bumabasa at sa mga babasa pa haha, sa mga nagvotes, comments. Thankyou sainyo. Kahit baguhan palang ako sa pagsusulat.
Comments and Votes for more updates.
Happy 33k+ reads guys. Iloveyou❤
-Alexzie
BINABASA MO ANG
The Mayordoma's Daughter (COMPLETED)
Ficción GeneralSiya ay anak ng isang Mayordoma na naninirahan sa mansyon ng mag-asawang Mr. & Mrs. Silvantes. Dalaga palang ang kanyang Ina nang ito'y ipinagbuntis. At dahil naawa ang mag-asawa ay pinatuloy nila ito at ginawang Mayordoma. Nang sya ay ipinanganak...