Chapter 12

22.8K 415 15
                                    

Napabangon agad ako at tumabakbo papunta sa C.R.
Ilang araw na din akong ganito. Palaging tulog, parang ang bigat-bigat ng katawan ko, minsan yung mga paborito kung kinakain ay hinindian ko na. Ang im craving for buko, na pinakaayaw ko sa lahat. Saka palage ko na ring gustong makikita si Sir Ace at pinanggigilan ito. Naiirita na rin ito sa akin minsan.

Dalawang buwan na din simula nong may nangyari sa amin ni Sir Ace. Pero hindi parin ito nagbabago. Cold as always. What do I expect? Na dahil sa nakuha na niya ako ay magbabago na sya? Assuming Laureen 101.

Noong isang linggo na din ako palaging ganito. Nagtataka na din si Inay kasi madalas ng mainitin ang ulo ko.

Katulad ngayun nagsusuka na naman ako.
Gusto ko na ngan pumunta sa doctor at magpa check up eh kasi natatakot na ako baka ano ng nangyayari sa akin. Kaya tinatago ko muna ito. I dont want them to know kung bat ako nagkaganito.

I have a hint na baka buntis ako dahil sa mga sintomas na napagdaana ko at sa mga nabasa ko sa internet about preggy thingy pero isinawalang bahala ko ito. Isans beses lang may nangyari sa amin kaya impossible na mag bungga agad ito.

Naghilamos na ako at lumabas. Linggo ngayun kaya magsisimba kami ni Inay.
Pero wala ako sa mood lumabas, gusto ko lang mahiga at buong maghapong tulog.

"Oh anak gising ka na pala. Kumain ka na." Sabi ni Inay. Di ako kumibo. Wala ako sa mood. I hate this feeling. Gustong-gusto ko makapagbonding kay Inay pero dahil dito sa pagiging moody ko ay minsan nalang kaming nakapasyal. Minsan nga ay tinatarayan ko ito.

Umupo ako sa table. Nilagyan naman ako ni Inay ng kanin at ulam. I love bacons. Yum yum!

Umupo si Inay sa tabi ko at tiningnan ako ng maigi.
"Anak, may gusto ka bang aminin sa akin?"
"Hmm. Wala naman po Inay, bakit po?" takam na takam ako sa bacon kaya di ko tiningnan si Inay. Focus lang ako sa pagkain.

"Aalis tayo ngayun. Bawal humindi." sabi nito.

"San tayo Inay? Wala ako sa mood lumabas eh. Gusto ko lang pong matulog." sabi ko. This time is tumingin na ako kay Inay. Dahil ang seryoso ng mukha niya.

"Anak." napahagulhol si Inay kaya nabitawan ko ang bacon at agad kong niyakap si Inay.

"Inay bakit ka ba umiiyak?" napiiyak na din ako.
Tumingin sya sa mata ko na may luha.
"Napagdaanan ko yan lahat anak nong binubuntis pa kita." napahagulhol ulit ito.

"I-inay ano ba yan sinasabi mo? Di po ako buntis!" sigaw ko habang umiiyak.

"Anak buntis ka, nararamdaman ko. Sino ang ama niyan?" napahagulhol na rin ako ng malakas. Isang beses lang maynangyari sa amin so bakit nabuntis agad ako?

"I-inay, si Sir Ace po." sabi ko. Humagulhol kaming dalawa ni Inay.

"Alagaan mo yan anak ha? Wag mong pababayaan yan. Biyaya yan. Mahalin mo." nakangitinging sabi nito.

"Salamat Inay. Sorry din po."

"Andyan na yan eh. Kaylan mo nga pala sasabihin kay Ace yan?" tanong nito.

Gusto ko ngayun. Ang saya ko.

"Nay ngayun na po. Gusto ko po syang isurpresa." nakangiting sabi ko.
Tumango lang ito. Nagluto si Inay ng paborito nitong kaldereta para daw ibigay ko kay Ace.

Masaya ako kasi makikita ko na naman sya. I can't wait. Dali dali akong nagbihis at nagpaalam kay Inay. Sumakay ako ng taxi.

Nang nasa companya na ako ay masaya akong pumasok. Bumati ako sa mga dinadaana kong empleyado.

20th floor.

16

17

18

19

20

Nahihilo ako pero binaliwala ko ito. Gustong gusto ko na syang makita at makita kung anong realsyon niya pagmalaman niya magkakaanak na kami.

Lumakad ako at kumatok pero walang sumagot kaya pinihit ko ito.
Agad nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Si Zia, he's firstlove is back! Bat ngayun pa?
Naghahalikan sila. Nakaupo sa lap ni Sir Ace si Zia.

Nabitawan ko bigla ang dala ko kaya napatingin sila sa akin.

"S-sorry po Sir Ace, Maam." sabay sira ko sa pinto. Nanghihina ang tuhod ko.  Pinulot ko ang pagkain na nabitawan ko while im crying. My eyes now are blured. Puno na ng luha ang mata ko. Nahihilo na din ako. Nang pagtayo ko ay biglang bumukas ang pinto at lumabas si Sir Ace na nakabukas pa at butones nito.

"S-sorry po ulit Sir. Sige po." Sabay talikod at di pa ako nakalayo ng buglang nalang nagdilim ang paligid ko pero bago yun ay may tumawag sa akin sabay salo. I think it's Sir Ace. I smile sadly. Bago nawalan ng malay.

*

Nagising ako na puros puti ang nakikita.

"Anak, mabuti at gising ka na." halata sa mukha nito ang pag-alala. Nginitian ko sya ng pilit.

"Inay, ang baby ko?" ngumiti si Inay kaya I felt relieved.

"Malakas ang kapit ng baby mo anak. Kaya wa kang mag-alala pero mag-ingat ka." sabi nito.

Buti nalang at di na paano ang baby ko. I already love him/her eventhough nasa tiyan ko palang ito.

Naalala ko ang nangyari bago nawala ng malay.

Naabutan ko sila naghahalikan. Tapos nabitawan ko ang dala kong ulam na para sana kay Sir Ace. Nakita ko si Zia he's firstlove or should I say Ex. Masaya ang nakikita ko sa mga mata nila ng tumingin ito sa akin. Assuming 101 Laureen.

"Sino pong nagdali sakin dito Inay?"

"Diko alam anak, may tumawag lang sa bahay at sinabing nandito ka nahimatay."

Sa pagkaalala ko ay may sumalo sa akin bago ako nawalang ng malay. So siya siguro ang nagdala sa akin dito?

Si Sir Ace kaya?

Assume pamore Laureen! Kota mo na ngan nandyan na si Zia. Umaasa ka parin. Nakakatawa ka. Pathetic!

Napaiyak ako. Akala ko pa naman kapag malaman niyang magkakaanak kami ay masusurprise sya tas magiging happy pero ako ata ang nasurprise.

Kapalit talaga ng saya ay lungkot.

Alam kaya niya na may anak kami? Syempre hindi, wala nga syang pakialam sa akin kanina.
*

Isang araw lang kami sa hospital bago nadischarge. Okay na daw ako. Pero dapat this time ay mag-iingat na ako. Dahil baka mapano si Baby.

Nang makarating kami sa Mansyon ng Silvantes ay masaya silang nagtatawanan. Kasama si Zia. Ouch.

Nilingon ko si Inay at sinabing sa likod nalang kami dadaan para di namin sila maistorbo. Sumang-ayun naman ito. Alam na siguro nito na bumalik na si Zia. Alam ni Inay ang nararamdaman ko kay Sir Ace simula pa lang.

Nang makapasok kami sa kusina ay uminom muna ako ng tubig. Biglang may nagsalita.

"L-laurren?" utal na sabi nito. Nagtataka siguro ito bakit ako nandito.

"Ah. Magandang hapon po Sir. Sige po sa kwarto lang ako magpapahinga." ngumiti ako dito ng kunti.

"Wait. Are you okay now?" tanong nito.
Tumango lang ako at naglakad na paalis.
Hindi niya talaga alam. Mas mabuti na yun. Kaysa masira ko pa sila ni Zia na kababalikan lang. Ayaw ko naman ng ganyan.

Humiga agad ako. Andaming nangyayari. I hope kakayanin ko pa ang mga susunod.

-----------------------------------------------------------------
A/N: Hello po hahahahaha😂
Kumusta dis chapter?

Please support. Vote and comments for more updates. Iloveyou.❤

Thankyou sa mga nagbabasa.

-Alexzie


The Mayordoma's Daughter (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon