NAGISING ako kinaumagahan sa kwarto namin ni Inay. Nakabihis na din ako sa suot ko kahapon. Siguro ayaw niya talaga akong makita kaya kinarga niya ako dito.
Masakit. Ang tanga-tanga ko talaga.
"Anak bangon na." sabi ni Inay. Umiling ako. Tamad pa akong bumangon gusto ko lang mahiga.
"Masakit pakiramdam ko Inay. Dito na muna ako." sabi ko. Masakit puso ko. Gusto kung isunod pero para sarili ko nalang yun.
"Gusto mo ba uminom ng gamot? Basta lumabas ka na lang kung gusto mo. Sa kusina lang ako." sabi niya. Diko gusto ng gamot, gusto ko si Sir Ace. Hehehe. Gusto ko syang makita. Na miss ko agad sya, gusto ko kurutin ng kurutin yung pisngi chaka ilong niyang matangos.
Bumangon ako at nag-ayos sa sarili. I want to see Sir Ace. Sana ay nandyan pa sya.
Lumabas na ako at saktong pag-bukas ko ng pinto sa kusina at nabungaran ko ang pamilyang masayang nag-uusap.
Nandito na naman si Zia. At mukhang tanggap na ulit nila ito lahit inawan nito anak nila.
Isasara ko na sana ulit ang pinto pero napatingin pala sa akin si Zia at tinawag ako.
"Hey wait. Diba ikaw yung pumunta sa office ni Delo last week? Yung nahimatay? Anong ginagawa mo dito?" tanong nito. Nakitaan ko ng pagkainis ang tinig at mata nito.
"Oh she's Laureen. Iha come here join us. "
Sabat ni Papa Jed. Tumingin ako sa kanila isa-isa bago kay Sir Ace na nakatingin din saakin. Walang emosyon.Tumango ako bago naglakad papalit sa table. Nagmano saka umupo sa tabi ni Mama Grace.
Napatingin ako kay Inay ng lagyan niya ako ng plato kaya napangiti ako. Ang swerte ko talaga may Nanay akong maalaga.
Kumuha ako ng bacon. Bacon lang talaga.
Kumakain lang ako habang nakayuko. Tapos maya-maya ay sinusulyapan ko si Sir Ace. Minsay ay nahuhuli niya kaya mapayuko agad ako.
Usap sila ng usap na diko naman maintindihan dahil busy ako sa kakain ng bacon.
Kukuha pa sana ako ng wala na akong makapa kaya tiningnan ko ito. Wala ng laman nasa plato ko lahat tapos sila ay tumingin lang sa akin na nagtataka.
"Iha diba kapag kakain ka ng bacon ay palaging isang lang ang kinukuha mo? Bat ngayun nauubos muna lahat? Sabi mo pa nga ay 'Isa lang po talaga ang gusto ko' pero ngayun? Your weird iha. May sakit kaba?" mahabang sabi ni Mama Grace. Umiiling ako. Di ako nagsalita.
Tumawa si Zia. Tapos uminom ng tubig.
"Your like a pig hahaha ang lakas mo kumain." nag-pantig ang tenga ko kaya binagsak ko ang kutsara.
'Your like a pig.'
'Your like a pig.'
'Your like a pig.'
AYAW NA AYAW KO TALAGANG SINASABIHANG BABOY. I KNOW OA PERO AHHH!
"Hindi ako baboy so shut-up!" tumulo ang luha ko sabay talikod. Hormones.
Tinawag pa ako ni Mama Grace pero di na ako lumingon. Nakakainis yung Zia na yun! Kala mo namana sexy eh mataba naman sya sa akin. LoL.
Papasok na ako sa silid ng may biglang kamay na pumigil. Nabuntong hininga ako at pinunasan ang luha.
"Bakit po Sir?" nakalikod lang ako sa kanya.
"Sorry for what Zia said." ouch. Akala ko kaya niya ako sinundan ay para aluin pero tsk nagsosorry lang pala dahil sa ginawa ng magaling niya girlfriend.
"Wala po yun. Sige po." sabay sara ko sana ng pinto ng harangan niya ito ng kamay at pumasok din sabay lock.
Tss. Paaasahin na naman ba niya ako?
Di ito pinansin at pumunta sa kama at nagtakip ako ng kumot. Narinig ko pa itong nagbuntong hininga.
"Laureen." tawag nito. Di ako kumibo.
Umupo ito sa gilid ng kama kaya tumagilid din ako.
Ayaw ko syang makita! Naiinis ako!
"Hey. Talk to me." sabi nito.
Nagpanggap ako natutulog na. Humilik pa ako para conviencing. (I forgot the spelling of conviencing sorry.)
Di ito kumibo. Ng may marinig akong footsteps palabas at pagpihit ng pinto ay bumangon ako at sumigaw.
"I hate you Ace! I hate you! Di man lang ako pinilit tsk."
Tumingin ako sa maliit na umbok ng tiyan ko. Magti-threemonths na ang baby ko. Excited na ako. Pero kailan ko nga ba kayang sasabihin ito kay Sir Ace?"Hi baby. Kumusta ka dyan? Sorry ha kung diko sinabi sa Daddy mo ang tungkol sayo. Natatakot lang kasi ako na baka di ka niya matanggap kasi bumalik na yung girlfriend niya. Saka baby kahit dika tanggap ng daddy mo. Pero ako tatanggapin kita ng buong-buo, mamahalin at aalagaan kita."
Nakarinig ako ng pagkabasag. Kaya napatingin ako dito.Namutla ako. Nandyan si Sir Ace nagtatagis ang bagang. Narinig kaya niya?
Patay na bay!
"A-ah Sir Ace. A-akala ko po wala na kayo. Ano po ang kaylangan mo?" nagkandautal-utal kong sabi. Lumapit ito sa akin.
"Y-your pregnant?" tanong nito. Ang bilis na ng kabog ng puso ko. Bat ba kasi di ako nag-iingat tsk.
Pero walang sekretong di nabubunyag. Ito na siguro ang tamang oras.
"Ah kasi Sir --" hinawakan niya magkabilang braso ko at niyugyog.
"ARE.YOU.PREGNANT?!" Malakas na sabi nito kay napahagulhol ako.
Napa curse ito ng makita niya nauunahang nagsibagsakan ang mga luha ko."B-bat ka ba naninigaw ha? Huhuhu i haye you!" pinapalo ko ang dibdib nito pero parang wala lang yun sa kanya. Tuloy-tuloy padin ako sa pag-iiyak.
"Sh*t Im sorry. Im sorry. Hush baby." sabi nito. Baby daw? Pa fall talaga tong gagong to. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"I am the father?" sabi nito habang yakap ako. Niyakap ko din sya. Sshh chachansing muna tayo hahaha. Na miss ko sya eh bakit ba?"Y-yes. Im three months pregnant. Nalaman ko lang non nung papunta ako sa opisina mo at balak ko sanang sabihin kaya lang naabutan ko kayo ni Maam Zia kaya di ko nalanh sinabi." napacurse ulit ito.
"Im sorry Laureen. I didn't know. I'll take the responsibility of the child." sabi nito at pinaupo ako sa kama. Nagdiwang ang puso ko dahil sa sinabi niya kaya lang ay naalala kong may girlfriend nga pala ito.
"Kung napipilitan kalang dahil sa bata ay wag na lang po. Kaya ko po syang buhayin. May girlfriend po kayo." sabi ko ng nakayuko.
"Ssshhh just trust me on this okay?" sabi nito sabay halik sa noo ko. Aw kinilig ako. Sana nga. Sana.
-----------------------------------------------------------------
A/N: Ayan! Hahaha Goodmorning nga po pala sa inyo.😊 Enjoy reading.Please support. Comments and votes for more updates. Iloveyou❤
-Alexzie
BINABASA MO ANG
The Mayordoma's Daughter (COMPLETED)
Ficción GeneralSiya ay anak ng isang Mayordoma na naninirahan sa mansyon ng mag-asawang Mr. & Mrs. Silvantes. Dalaga palang ang kanyang Ina nang ito'y ipinagbuntis. At dahil naawa ang mag-asawa ay pinatuloy nila ito at ginawang Mayordoma. Nang sya ay ipinanganak...