[A/N:] 안녕하서요!!! 감사함니다!!! Dedicated to Areumhyeftjeongkook. Formerly Jeonshoodie. Read before you vote. Vote before you read my next update.
Hahaha. Again, thank you. Enjoy.
[3] So Wrong
Ang hirap ng mga pinagagawa samin nung mga sutil naming teachers. Hahaha. Joke, di naman sila sutil. Mabait naman sila. Kahit yung teacher naming bading, may bahid parin naman ng konting bait.
"Okay, class. So nasabi ko na sa inyo ang inyong mga assigned plants na itatanim, right? So isulat niyo sa isang one fourth sheet of paper, name, and assigned plant."
We did what we were told and passed our papers. Then dun na tumayo si Sir Ma'am. "Okay. Class dismissed."
Today is Friday kaya hindi namin last subject si Sir Ma'am. May isa pang subject.
BRAILLE'S POINT OF VIEW
Anjan na pala si Sir. T.L.E class namin. At pagtatanim ang topic namin for today. Minsan kung hindi Agriculture ay Cross stitch.
Meaning, Cross Stitch and Agriculture ang magiging project namin this month. Hayyy... daming projects.
"Good morning class. Today, kailangan niyo nang mamili ng mga itatanim niyo. Ang pwede lang ay, Kamote Tops, Pechay, Sibuyas and Okra. So mamili na kayo dun at ilagay niyo na sa isang one fourth sheetof paper."
"Yun lang? Ang duga naman sir!" Sabi nung isa kong classmate.
"Excuse me ah. Sa kabilang section, hindi ko sila pianpii kung anong gusto nila. I assigned them that specific plant sa ayaw o sa gusto nila. Kaya maswerte kayo at hinayaan ko kayong mamili." Mataray na sabi ni Sir. Napapangiti at napapailing nalang ako.
Hay nako. Araw araw nalang silang ganito. Bangayan, sagutan, awayan, kulang nalang magsigawan na sila at magsakitan phisically.
Pero syempre hindi mangyayari yun. Biruan lang naman ang saguan nila eh. Pure jokes.
Isa isa naman kaming nagpasa ng papel namin. Kaso parang biglang umismid si Sir nang makita ang papel ni Alarte.
"Ano toh?! Hoy, Cole Alarte! Anong nakasulat dito?! No Plant Project?!!"
Hala. Ano yun? Walla siyang napili? Parang ewan naman yun?
"Eh wala naman kayong in assign sakin eh." Sabi ni Alarte at napakamot sa batok. Kinurot naman siya sa tagiliran ni Sir.
"Alarte! My gas! Ikaw ang mamimili! Pechay, Kamote Tops, Sibuyas o Okra! Juice ko! Pinapasakit mo ang bangs ko!" Sabi pa ni Sir at nagtawanan kami.
"Ah. Ako ba mamimili? Akala ko ikaw." Walang galang niyang sagot. Tss. Ganyanan talaga sila eh noh? Ako nalang ata ang gumagalang kay Sir eh. Joke.
"Tulog pa more!"
"Tulala kamo!"
"Wag mong isipin yun, Alarte! Mahal ka nun!"
I wonder. Ganito rin kaya sa class room nila Chandelle at Riley? I don't think so.
"Oh. Mga inggitero, inggitera! Kausap namin kayo?" Mataray na sabi ni Sir. "Pero di nga. May iniisip kang some one, Alarte?" Ngayon medyo naglambing ang boses niya. Umiling naman si Alarte.
BTW tatlo kasi ang Cole sa buong grade seven. Dalawa dito sa section namin. Cole Alarte at Cole Abellano. Kaya last name basis kami.
"Mamatae?" Tanong pa ulit niya. Umiling nalang ulit si Alarte. Kaya tumango nalang si Sir at pinaupo na si Alarte.
BINABASA MO ANG
Secret
Teen FictionAng sakit. Ang hirap hirap na. Pero anong magagawa ko? Mahal mo siya eh. Kaibigan ko din naman siya, kaya ayos lang na hanggang dito nalang tayong dalawa. -Rage, Braille, Riley and Cole Ang sama mo. Iniipit mo ko sa gitna. Pinaglalaruan...