[17] Tell Me

76 5 1
                                    

[17] TELL ME












RILEY 'S POINT OF VIEW











Pasukan na ulit. I.P defense na namin next week kaya medyo busy busyhan na kami dito. Si Chandelle, bumabalik siya dito sa section namin tuwing science class kasi secretary siya ng group nila.


Pero parang lagi nalang siyang wala sa mood. Yung tipong naging emo bigla? Yun ba ang naidulot sakanya ng paglipat sa kabila? Kasi ang emo talaga niya tignan eh.

Kasi lagi siyang naka bun ang buhok tapos medyo lawit yung bangs niya na mahaba kaya mukha siyang KPop star.

Tapos lagi na siyang open vest. Yung uniform kasi namin, may vest na di buttones. Dati ayaw niya na nakabukas yun kasi pangit daw tignan. Ngayon, bukas na bukas. Tapos yung facial expression niya laging naka poker face. Parang ang hirap tyloy niyang lapitan.



Tapos pag sinasabi ko sakanya na umupo sa tabi ko, tumatango siya pero sa itsura niya parang ayaw niya na something. Or di kaya minsan ay umaayaw talaga siya.




Okay naman na kami. Bati na kami pero ano naman kaya ang problema niya ngayon?



Tapos lagi niyang nababanggit sakin ang isang word. I have no idea kung ano yun. Ngayon ko lang yun narinig sa talambuhay ko. Ang word na Glio. I tried to search it sa google, Miriam Webster, I even asked sa face book pero hindi ko talaga mahanap.





"Chaney? Okay ka lang?" I said in a deep voice. Tinatamad siyang tumango.






Naalala ko. Nabanggit ko sakanya na ayoko nang maging KPop fan. At ngayon ay yun ang pinag uusapan namin. Kung gano kahirap maging fangirl.





Yung feeling na ipagpapalit mo ang lahat para lang makasama yung mga minamahal mong KPop stars pero hindi parin sapat?



Mga KPop lovers jan, sino ang kayang ibigay ang lahat para sa mga mahal niyong idol?!?




Naramdaman ko nalang na nangingilid na ang luha ko. May nag papractice ng I.P dun kaya bawal kaming mag ingay. Buti nalang at lights out at malayo sa amin yung teacher kaya medyo pwede kaming mag usap.



"Mahirap talaga. Lalo na kung ordinary fan girl ka lang, pag may concert team bahay ka lang. Pag may Mnet Asian Music Awards, hanggang on line voting ka nalang. Hanggang sa live stream ka lang makakanuod. Tapos hanggang sa social media ka lang makakakuha ng balita tungkol sa kanila."





Leche tong babaeng toh. Lalo pa akong pinapaiyak eh. Hanggang sa tuluyan nang tumulo ang luha ko. Anak ng tinapa naman oh!


"Oy, Riley wag kang umiyak." Mahina at parang tinatamad na sabi ni Chandelle kaya pinunasan ko yung luha ko. Tinignan ko siya at nakasandal lang ang ulo niya sa pader at nakita kong malapit narin tumulo ang luha niya.






Nanahimik nalang kaming dalawa hanggang sa bigla niyang tinanong, "Riley.... anong gagawin mo pag meron ka nalang.... sabihin nating, last three months para mabuhay. Anong gagawin mo?"

[Please play: Once Again by Mad Clown ft. Kim Na Young]

Last three months? "Syempre gagawin ko lahat ng masasaya. At hinding hindi ko palalagpasin ang lahat ng concert." Sabi ko pa.





"Sinong mamimiss mo? At least top 5 specific friends."






"Hm... syempre kayo nila Bea, Dionne, ikaw at yung iba ko pang friends. Tapos syempre yung family ko. Bakit mo natanong?"




SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon