[24] SO SUDDEN
RILEY 'S POINT OF VIEW
Nasa klagitnaan ako ng klase nang bigla nalang akong nakaramdam ng biglang... alam niyo yun?
I checked kung anong date na at napa awang nalang ako ng bibig nang makita ko na.... oh my gosh. Panahon ko na. Anong gagawin ko?
1. Kung tatayo ako, baka may tagos na pala ako at makita ng lahat.
2. Baka naman wala pa kay pumunta na kaya ako ng banyo?
3. Last but definitley not the least, wala pala akong dalang extra kaya bukod sa panahon ko na ng red flag ay panahon ko na pala ng kamatayan.
What to do??? "Miss, may I go out?" Tanong ng isa kong kaklase na hindi ko na inalam kung sino dahil busy ako.
Busy ako kakaisip kung anong gagawin ko sa pesteng wrong timing natoh!!! Tumingin ako sa paligid at may kung anong pumasok sa isip ko nang may nakita akong bakanteng upuan at may nakasabit dun na jacket.
Kinuha ko yun. Sorry nalang sa may ari dahil nangangailangan ako. Ibinalot ko yun s a bewang ko at nagpaalam na lalabas at binulong ko na meron ako kaya pinayagan ako.
Sorry sa may ari ng mahiwagang jacket natoh. Lalabhan ko nalang.
Buti nalang may teacher kami na mala girl's scout. Laging may dalang extra kaya nakapaglagay agad ako. At nakahinga ako nang maluwag nang makita kong hinfi ako tinagusan. Konting konti palang naman. Spotting palang kaya nakapaglagay na ako.
Hindi na ako bumalik sa klase dahil two minutes nalang naman ay time na. Kaya hinintay ko nalang sa labas ng room ang dismissal. At nang magring na ang bell ay unahan sila sa pglabas ng room.
Bigla naman lumabas si Lisle. Nagulat siya at tinignan ako mula ulo hanggang bewang? Tas tingin ulit sakin. Wait. May tagos na ba ako?
Gaga lang, Riley? Tagos sa unahan? Are you on drugs?
"Riley, jacket ko ba yan?" Tanong niya with his brows knitted together. Oh... sakanya ba toh? Sorry naman. I smiled awkwardly at him.
"Ah... oo....ata?" Nag aalangan kong sabi.
"Psh, akin na yan." Sabi niya at hahablutin sana ang jacket niya nang umatras ako at inilayo sakanya ang jacket niya.
"Wait. Pa-harbor muna. Ibabalik ko sayo." Sabi ko. Aba, lalabhan ko muna toh at baka may amoy natoh. Nakakahiya.
"Ha? Bakit?" Takang tanong niya. Nag peace sign ako sakanya na lalong nagpakunot sa noo niya.
"Ano...kasi... basta ibabalik ko sayo! Bye! Thank you!" Then I ran off leaving him dumbfounded. Sheesh nakakahiya na ito.
Maya maya naman ay lumapit sakin si Rage kaya napatigil ako. "Oh. Bakit parang na-massacre ata yang mukha mo?" Biro ko sakanya.
"Napansin mo ba? Parang nitong nakaraang araw, medyo ilap satin si Cole?" Kunot noo niyang tanong.
Hm.... oo nga ano. Simula nung wala nang ni isa sa tropa ang nagkabalita kay Chandelle, unti unti naring napapalayo sa tropa si Cole. Ano na naman kayang meron?
"Baka naman nakakapag usap na sila ni Chandelle tapos pinapasabi ni Chandelle na wag ipaparating satin ang balita tungkol sakanya kaya umiiwas si Cole?" I said suggesting. Lalo namang sumimangot yung kausap ko.
"Hindi rin siguro. Baka naman unti unti na siyang nawawalan ng feelings kay Chaney---aray!" Binatukan ko nga.
"Lul! Hindi noh! Mawawalan muna ng kagwapuhan si Baekhyun bago mangyari yang iniisip mo!" Sabi ko with matching sparkling eyes.
"Psh. Koreaboo na naman." Bulong pa niya pero di ko na lang pinansin.
"Pero seryoso. Ano na naman kaya ang trip nung Cole nayun at umiiwas nalang bigla?"
"Curious ka nalang din naman, itanong mo na sakanya." I said in a sarcastic tone. Natawa naman siya sakin. This guy doesn't talk sarcastic kung di niyo alam.
"Oo nga noh. Geh matanong nga. Bye." Sabi niya at ginulo pa ang buhok ko bago umalis.
Geh mang iwan. Nasan naman kaya si Braille at parang Missing in action naman ata? Sa magtotropa, ako at si Rage ang pinaka close(dahil wala pa si Chaney) at si Braille and Carlisle naman since, mag on sila.
Si Cole at Carlisle at Rage naman kapag wala kaming girls. Ayos diba? Sino ang best friend na babae ni Cole? Sino pa nga ba, si Chandelle lang naman.
Ang nakakapagtaka lang diyan, bakit kaya bigla nalang nawalan ng balita ang lahat kay Chandelle? Bakit biglang umiiwas si Cole?
Why so sudden?
"Uy, Riley. Jacke ko."
"Ay palaka!" Napatalon ako sa sobrang gulat at nakita ko nalang ang nag pipigil ng tawa na mukha ni Lisle. "Walangya ka. Akala ko kung sino."
"Psh...ehem...jacket ko." Sabi niya kaya umatras ako. Mahirap na baka makipag agawan pa siya ng jacket sakin. Lugi ako kasi... alam niyo na.
"Alam mo yung pa-harbor? Dali na. Ibabalik ko toh sayo nang buo. Gusto mo ibalik ko toh sayo nang doble eh."
Anla ganito ba talaga ko pag panahon ko? Sarcastic?
"Bakita ba, ano bang meron sa jacket ko?" Inis na tanong niya. Hala, galit na ata. Sorry ka. Malamang ko ba na pag binigay ko na toh sayo at naamoy mo, ihagis mo pa sa mukha ko eh.
"Uhhh... pag sinabi ko ba sayo ipapaharbor mo saken toh hanggang sa malabhan ko?" Parang tanga kong tanong sakanya na lalong nagpalito. Hehehe.
"Ano ba kasi ang problema mo jan sa jacket ko?" Halatang naiirita na siya.
"Uh... ano kasi... naglilihi ako sa jacket na grey! Promise ibabalik ko talaga toh sayo." Yeah right, Riley. Nice alibi you got there.
"You know I'm better than that. Pero mukha namang wala ka talagang balak ibalik yan ngayon. Bukas ah?" Paninigurado niya at tumango naman ako.
Nakahinga na ako nang maluwag nang lagpasan niya ko. Buti naman.
Sa sobrang stress ay nagkulong ako sa class room habang ang iba ay chibog nang chibog. Hindi ko talaga feel kumain. Mas feel kong mag tulog tulugan nalang dito.
Kaso meron talaga akong mga kaklaseng issue. "Oh, anyare kay Ley? Ba't umiiyak yan?" Narinig kong tanong ng isa kong kaklase. Nakatungo lang, umiiyak na?
"Uy, sinong nang away jan?"
"Pinaiyak mo ata, Paul! Lagot ka!"
Hindi na ako nakatiis at tumingala ako sa kanila at binigyan sila ng 'seriously? Baliw ba kayo?' look. "Excuse me ah. Sinong nagsabing umiiyak ako?" Masungit na tanong ko sa kanila.
Pero pinagtawanan lang nila ako. Kaya lumabas nalang ako ng room. Balak ko sanang sa CR nalang tumambay -since tambayan talaga namin yun nila Chaney at Braille- para tahimik.
Nakasandal lang ako sa pader nang biglang mag vibrate ng phone ko. I recieved a message from an unregistered number. Pero bigla nalang nanginig ang mga kamay ko nang marealize kung kanino ito galing.
From: +639********
I'm still fine. Still breathing. Tell everybody that I miss you all.
Chandelle?
[A/N:] Sorry dahil nagtagal ang aking UD natoh. Babawi ako guys. I miss you Allyein.
BINABASA MO ANG
Secret
Teen FictionAng sakit. Ang hirap hirap na. Pero anong magagawa ko? Mahal mo siya eh. Kaibigan ko din naman siya, kaya ayos lang na hanggang dito nalang tayong dalawa. -Rage, Braille, Riley and Cole Ang sama mo. Iniipit mo ko sa gitna. Pinaglalaruan...