[A/N]Salamat! Nakapag update na ko! Babasahin niyo pa rin kaya toh?
[11] HURT
Paano nga ba ako napapayag ng kuyumag natoh na sumama sakanya? Ah. Hahalikan daw niya ko pag di ako sumama sakanya. Psh.
Saan niya ko dinala? Sa Tanay lang naman! Hindi siya ang nagdrive ah? Pinag drive kami ng kuya niya si kuya Renzo.
[Please Play: Always by Yoon Mi Rae]
Natulala nalang ako sa nakita ko. Itong lugar natoh. Dito nagsimula lahat. Bakit dito niya ko dinala? Akala ko ba iiwan namin lahat ngayong araw?
"Anong ginagawa natin dito, Carlisle?"I asked him pero hindi ko parin siya tinitignan.
"Ayaw mo dito? Gusto ko dalin ka dito. Kasi sabi mo, dito ka unang nahulog sakin." Napatingin ako sakanya. Seryoso ang mga mata niya pero nakangiti siya. At hindi rin pala siya nakatingin sakin.
"So?"
"Binalik kita dito. Baka saka sakaling maitama natin yung mali." He said seriously. Naramdaman ko nalang na nag iinit na ang gilid ng mata ko, so I looked away.
Anong ibig niyang sabihin? He wants me to let go? Right here right now? Gusto niyang kalimutan ko? Simula sa umpisa?
Ang dami ko gustong itanong but I chose keep silent. Naramdaman ko din ang pagtulo ng luha ko. Yumuko ako at pasimpleng pinunasan ang luha ko.
Walang nagsalita sa aming dalawa. Nakatitig lang kami sa magandang tanawin. I sobbed. Kaya napatakip ako sa bibig ko. Napaharap siya sakin.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Tumingin ako sakanya. At nginitian ko siya. Pero malamang ay halata ang kalingkutan sa mukha ko.
"Wala. Sige. Gagawin ko yung sinabi mo. Pero gusto ka na sanang umuwi. Wag na muna ngayon."
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. "Sorry, Riley. I'm sorry." Umiwas ako ng tingin. Napataip na naman ako ng bibig at naglakad palayo.
"Matagal na kitang napatawad." I said at sumakay na ulit ng sasakyan. Wala akong paki sa kuya niya. Gusto kong umiyak
Tahimik lang kami buong byahe. Still, pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Nakatungay lang ako sa bintana. I can't believe na sinabi niya talaga yun. Sumosobra na. Hindi siya. Yung sakit.
Okay. I'll start now. Ngayon palang I will start Forgetting You.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay, agad akong bumaba. Pero biglang may pumigil sa braso ko. I looked weakly at him. "Are you okay?" He asked. Tumango lang ako at pumasok na ng bahay.
CHANDELLE 'S POINT OF VIEW
Kanina pa gumugulo sa isip ko si Mr. Buttons, pero hindi ko alam ang una kong gagawin para malaman kung sino siya.
Bayaan na nga. Wala namang poreber. Pinapasakit lang niyan ang ulo ko. Pero seryoso, ang sakit ng ulo ko!
"Yaya!" Sigaw ko at agad naman siyang dumating sa kwarto. Yeah, what a brat.
"Oh, anong nangyari sayo?" Nag aalala niyang tanong sakin.
"Ya,penge nga po akong gamot sa sakit ng ulo... umiikot yung paningin ko sa sakit eh!"
BINABASA MO ANG
Secret
أدب المراهقينAng sakit. Ang hirap hirap na. Pero anong magagawa ko? Mahal mo siya eh. Kaibigan ko din naman siya, kaya ayos lang na hanggang dito nalang tayong dalawa. -Rage, Braille, Riley and Cole Ang sama mo. Iniipit mo ko sa gitna. Pinaglalaruan...