[16] The Second Revelation

78 8 3
                                    

[16] THE SECOND REVELATION




Nagising ako at nasa isang maliit na kwarto na ako. Nagulat ako nang may nakadikit na dextrose sa kamay ko. Nasa ospital ako for Pete's sake! Anong ginagawa ko dito?

"Ate? Ano? Kamusta ka? May masakit sayo?" Tanong sa akin ni mama. Pero umiling nalang ako. "Naaalala mo pa ako?"

"Ma! Ano ako? May amnesia? Psh." Sabi ko at pinikit ang mga mata ko. What am I even doing here?

"Sabi ng doctor makakalabas ka na daw kapag gumising ka na. So kukunin ko lang yung papers mo at magpapa discharge na tayo." Paliwanag ni mama at tumango nalang ako.

"Anong oras na?" Pansin ko kasi na tulog si Cholo, lola at yaya dun sa sofa. Pero si yaya nakatungo sa table sa gilid ko.

"It's 3 in the morning. You can sleep if you want to." She said and went out of the room.

------------------------------------------------------

Kinabukasan ay napapayag ko si mama at lola na papuntahin ako ng second day and last day of school fair. Sabi pa nila ay sasamahan daw ako ni tita since kasama din sa school fair yung pinsan kong maliit. Mga grade 2.

Puro bata ang nakikita ko. Ang tanging highschool students na nandito ay yung mga tagabantay ng booth. Syempre wala nang marriage booth, horror booth, DJ booth, Hand cuff Booth at kung ano ano pang booth na panghighschool. Kasi ang second day ng fair ay puro mga pre school to grade 4.

Ang booth namin, from horror booth naging Disney land booth. I have no idea kung anong meron dun. So dun ako sa isa pang booth na hawak ng section namin. Uy, section na nilipatan ko ang binabanggit ko ah? Dito me tambayan booth

Buti nalang at wala na si Riley ngayong araw. Nababanas parin kasi ako sa mukha nun eh. I still kennat forgive her. Meganern?

Dito sa tambayan booth ay makakaligtas ka sa Jail booth kaya mabenta din tong isang toh. Pero may oras din. 20 mins lang lang ang isang bayaran.

Si Braille ang tagalista ng mga labas pasok ng Booth habang yung iba, entertainment kasi nagkakantahan sila kasam si Rage. Yung iba nasa Disneyland booth at meron din dito na para talaga sa mga bata. At yun ang inaasikaso ni Cole.

May chair sa tabi niya at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at umupo ako sa tabi niya. Una, hindi niya ako napansin sa sobrang dami ng batang nagkakagulo dun. Nakasalumbaba lang ako sa table kaya napatingin siya sakin. Napaiwas naman ako ng tingin.

[Please play: Confession by SinB ft. Lee Jung Shin]

"Gusto mong tumulong?" Tanong niya kaya napatingin ako sakanya. I nodded at sinimulan na din siyang tulungan. Madali lang pala eh. May mga number na ipapabunot sa mga bata at ang katumbas na number nun ay mga prize such as toys at kung ano ano pa.

Habang busy ako sa pag aasikaso sa mga bata ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Cole na nakatingin sakin. I looked at him and we smiled at each other. Parang walang nangyari kahapon.

Hindi ko na muna iniisip yun. Kahit na.. ehem... nakuha niya yung first kiss ko.

Bigla akong natusok ng staple wire. "Ah!" Mahina kong sabi at hinawakan ko   ang sugat. Pero bigla naman iyong inagaw ni Cole.

Pinunasan niya yung dumudugo gamit yung panyo niya. Humingi siya ng band aid sa kasama namin at tsaka ito inilagay sa sugat. Pinapanood ko lang siya habang ginagawa niya iyon. I can't help myself but to smile.

Pero bigla siyang tumingin sakin kaya bigla kong pinalitan ang expression na kunwari ay wala lang at tsaka tumikhim habang umiiwas ng tingin. OMG. Nakakahiya lang. Narinig ko ang mahina niyag pagtawa.

SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon