[6] OH MY G
Paasa. Manloloko. Nakakabwisit! Nakakainis! Ang sakit sa puso. Hindi ko na kaya. Wala na akong ibang magawa kundi umiyak nalang. Para kahit papano ay mawala ang sakit. Hindi ko ata kayang makapag move on...
"Bakit! Bakit niyo ko pinapahirapan nang ganito?!" I yelled. Isang bagay na kaya kong gawin. "Hindi ko kakayanin! Wag kayong umalis! IOI!!!"
Humagulgol na ko nang iyak. Dalawang linggo na ang nkalipas simula nung malaman ko na disbanded na ang IOI at hanggang ngayon ay hindi ako makapag move on! Punong puno kasi ng IOI tong phone ko! Hindi ko kayang i delete. Huhuhu!
Muntimang ako dito sa kwarto habang sinisipa ang comforter sa sobrang inis. Aba, meron kasi ditong isang KPop hater na sinabing masaya siya dahil sa wakas ay may bumawas na naman sa mga KPop group.
Baka gusto niyang mamatay nang maaga! Babalatan ko siya nang buhay! Tapos bubuhusan ko siya ng isang drum ng alcohol! Oh my gosh, I'm such a psycho.
Pero masisisi niyo ba ko?! Say 'I' kung mahal niyo ang IOI!
Ayoko na nga. I wiped away my tears and went out of the room. Dumiretso ako sa rooftop ng bahay. Tinignan ko ang nakahain sa lamesa, Beef Broccoli. Hindi ako kumakain niyan eh.
"May, gusto kang ipaluto, Chaney?" Napalingon ako kay yaya. She knows me well talaga. Tumango ako,
"Scrambled egg nalang, ya. Tatlo." I said. Sibihin niyo nang adik ako sa itlog. Eh sa ganun ako pag depressed eh!
Galitin niyo na ang aso namin, wag mo lang talaga akong pagkaitan ng pagkain.
"Takaw mo talaga. Buti hindi ka tumataba." Sabi ni yaya at mahinang tumawa.
"May nakikihating parasite ata dito sa tyan ko eh." I said at hinimas himas ang tyan ko. Ngumiwi naman si yaya kaya natawa nalang ako.
"Nga pala. Kamusta pagmumukmok mo sa kwarto? Hindi mo pa naman napupunit yung comforter?"
"Ay grabeh ka sakin. Pupunitin lang? Kung ako lang talaga masusunod, baka pumunta na kong Korea at nagmakaawa na sa IOI na bumalik eh."
Napailing si yaya at ngumiti. "Ikaw talag. Adik sa mga Koreano."
"Sus. Ikaw nga ate, adik kay Song Joong Ki. Oppa ko yun ate! Akin lang silang lahat!"
===============================================
The next day. Pinatawag na naman ako ni Miss Barbie. Kaya agad akong pumunta sakanya. Since lunch naman namin.
"Chandelle. Halika dito." Lumapit naman ako." Hindi ka raw nag pasa ng project mo sa T.L.E? Diba napag usapan na natin toh?"
Napayuko nalang ako. Hindi ko na naasikaso yung
T.L.E project namin. Mas inintindi ko kasi yung Math tsaka English eh. Lagot."No choice. Bukas, dun ka na papasok sa kabilang section." Napatingin ako kay Miss. What? Bukas agad? No way. "Magpapalit kayo ni... Colline."
Wait. Hindi ata nagsink in sakin yun. Si Colline? Yung secretary ng kabilang section? Lagot ako niyan sa kanila!
[Please Play: Without You by Yoon Bomi (A-Pink)]
"Sa tingin mo ba matutuwa yung kabilang section pag nalaman nilang ikaw ang papalit kay Colline?"
Ouch. Anong gusto niyang sabihin? Na... na wala akong.... kwenta? Napayuko nalang ako dahil feeling ko ay maiiyak na ko.
BINABASA MO ANG
Secret
Novela JuvenilAng sakit. Ang hirap hirap na. Pero anong magagawa ko? Mahal mo siya eh. Kaibigan ko din naman siya, kaya ayos lang na hanggang dito nalang tayong dalawa. -Rage, Braille, Riley and Cole Ang sama mo. Iniipit mo ko sa gitna. Pinaglalaruan...