[A/N:]Nailagay ko ang POV ni Braille because of a friend's help. At ngayon, pagpasensyahan niyo po ang magiging next POV. I had a really hard time with it. But still, enjoy.
[4] 데리러 갈게 (I'll Pick You Up)
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Hindi parin nila alam ang mga nangyayari. Every one is very clue less about the things happening around. Ni hindi nila alam ang sarili nilang nararamdaman.
"Chandelle." Sabi naman ng Adviser nila Chandelle at Riley.
"Po?" Walang clue na tanong ni Chandelle.
"Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Pero dahil sa practice niyo ng Music Battle, parang napapabayaan mo ang acads mo. Pati narin ikaw, Riley. Kapag nagpatuloy pa ang ganito, I have no choice kundi ilipat ang isa sa inyo sa kabilang section."
Nagulat ang dalawa sa narinig nila. Alam nilang napapabayaan na nila ang acads nila pero hindi nila inakala na ganun nalang iyon kalala.
Wala na silang ibapang nasabi. Umalis nalang sila ng Faculty room at pumunta ng canteen sincemahaba pa ang break time.
"Kung saka sakali, wag naman sana, pero just in case. Sino kaya sa atin ang ililipat ng kabilang section?" Tanong ni Riley kay Chandelle.
"I have no idea. Pero kung pwede lang. Kung may apapalipatin sating dalawa, ako nalang. Malamang kasi niyan baka mailang ka lang dun dahil aasarin ka nila kay Carlisle." Seryosong sabi ni Chandelle
Kahit siya ay ayaw niyang pumunta sa kabilang section. Dahil bigla nalang may kumalat na issue na may gusto siya kay Cole. Walang nakakaalam kung san galing ang chismis pero gan7n nalang kabilis kumalat ang issue.
"Eh ikaw. Diba naiilang ka na rin kay Cole?" Tanong ulit nito kay Chandelle.
"At least alam ko sa sarili ko na wala talaga akong gusto kay Cole. Noon o ngayon man. Wala talaga." Seryoso na namang sagot ni Chandelle.
Napansin ni Chandelle ang mga bata sa labas ng school na may hawak na sago't gulaman. Natakam siya pero kahit gaano siya mag makaawa sa guard ay hindi siya palalabasin ng campus. Then it hit her.
"Riley, diba walking distance lang ang bahay niyo dito sa school?" Tumango naman siya. "Bilan mo nga ko ng gulaman sa labas." More like utos ang ginawa ni Chandelle.
"Ha?"
"Please? Ililibre kita." Bigla namang ngumiti si Riley at sabay sabing...
"Okay. Kahit anong ipabili ko ah? "Tanong pa ni Riley. Napanguso naman si Chandelle a5 may kung anong narealize.
Narealize niyang lugi pala siya. "Hay. Lugi. Pero sige na nga. Oh. Alis na!" Sabi pa ni Chandelle at hinila na palabas ng Campus si Riley.
At tulad ng inaasahan nila, si Riley lang ang pinayagang lumabas. Kaya naiwan si Chandelle sa loob atnaghintay nalang sa may bench. Dalawang bench na magkatapat ang nandun sa tabi ng exit sa campus.
Bigla namang umupo si Rage Mendoza sa tapat ng inuupuan ni Chandelle. Pero hindi nila pinansin ang isa't isa. Kani kaniyang gamit sila ng phone.
"Chaney, kaklase mo ba si Rage?" Tanong ng guard. Si kuya Tantan. Close sila ni Chandelle dahil laging late sinusundo si Chandelle at Cholo kaya si Kuya lang ang kakwentuhan ng magkapatid.
"Hindi po. Sa kabilang section po siya." Simpleng sagot ng dalaga." Bakit po?"
"Wala lang natanong ko lang." Sagot ni Kuya at bahagyang natawa.
BINABASA MO ANG
Secret
JugendliteraturAng sakit. Ang hirap hirap na. Pero anong magagawa ko? Mahal mo siya eh. Kaibigan ko din naman siya, kaya ayos lang na hanggang dito nalang tayong dalawa. -Rage, Braille, Riley and Cole Ang sama mo. Iniipit mo ko sa gitna. Pinaglalaruan...