New Zai

63.4K 767 60
                                    

Isa po itong Bisexual Story kung hindi po ninyo bet ang ganitong kwento okay lang naman sakin kase wala lang. Sobrang thank you sa mga magpapatuloy na magbabasa nito.Mahal ko kayo. More kisses😘😘

---------------------------

Spencer Hill P.O.V

Tahimik lang ako habang sumusunod kay Mom and Dad at maging sa mga kawal at butler na naglalakad patungo sa main tower or palasyo dito sa Silverwings Academy. May Hari't Reyna rito and I don't give a fuck to know them.

Guess what? Nandito lang naman kami sa Silverwings Academy na paaralan ng mga taong may special abilities tulad ko. Since bata palang ako nung una kong nalaman na may special power pala ako at simula nun pinipilit ako nila Dad and Mom na pumasok sa abnormal na school na toh? So what? I hate this school!

But napilitan nalang akong pumasok dito dahil hindi ko naman sinasadyang gamitin ang powers ko sa isang event at dahil dun laman ako ng mga headlines sa news ngayon.

At maraming taong interesado sakin at alam ng parents kong delikado ang sitwasyon ko so napagdisisyunan nilang ipasok ako dito sa ayaw o sa gusto ko at para na rin daw sa safety ko.

Actually napakalayo nito sa City. Akala mo galing ka sa northpole at papunta sa southpole dahil sa tagal ng biyahe. Kaurat!

Sa lalim ng pag iisip ko ay hindi ko namalayang nasa loob na pala kami. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa laki at lawak ng kwartong ito I mean ito na pala ang main tower! Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang doubledoor na kulay ginto ayy no Ginto talaga.

What the! Napatingin ulit ako sa harap ko at sa kalayuan ay nakita ko ang tatlong naglalakihang upuan at napaka elegante nito. Ginto rin ang mga eto.

Jusmee! Ang yaman naman nito!

May nakaupong between 40s-50s na gwapong lalaki na may suot na korona na nakaupo sa gitnang upuan at halatang ito ang hari .Sa kanan nito ay ang magandang babaeng mga nasa between 40s-50s din ang edad at halatang ito rin ang reyna pero nacu-curious ako doon sa upuang nasa kaliwa ng hari. Kaso naalala ko I don't give a fuck nga pala Haha.

Naglakad kami papunta roon. Nang makarating kami sa harap nila ay naStarstruck ako sa mga itsura nito. Halatang mamahalin ang mga suot nito at napaka-professional din nila na mapapansin mo agad kahit sa pagtindig palang ng mga nito.

Nag'bow naman ang parents ko at yung dalawang kawal na nakasunod pati na rin yung butler. Nakakairita lang. Hindi ko sila ginaya bagkus nanatili lang akong nakatayo roon at nakacrossed arms pa. I don't care kahit na ano pang maging first impression ng mga royal humans na ito.

Pagkatapos nilang mag'bow ay binati nila ang hari't reynang nasa harapan namin. Tss pa-special. Akala mo di tao tulad namin! Tumingin ng masama ang parents ko sakin dahil sa inasal ko.

So what?! I don't care!

Ipinakilala kami ng butler sa mga ito. Tumikhim muna ang hari bago nagsalita.

"So ikaw pala ang bagong Zai na papasok rito. Mukhang mabait kang bata. At Welcome sa Silverwings Academy" nakangiting sabi nito.

Ampogeee kaso ano naman?

Tinanguan ko lang siya dahil hindi naman ako ganun kasama sa inaakala niyo. Tumawa ang reyna.

Naku ang dyosa naman nito.

"Ay pasensya na kayo. Ang ibig sabihin pala ng Zai ay mga taong nag aaral sa Silverwings Academy. Welcome sa Silverwings. Ano nga pala ang pangalan mo mija" sabi nito ng nakangiti.

Silverwings Academy (Tagalog GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon