Indenial Princess

13.2K 250 1
                                    

Short UD lang toh mga bebs medyo bangag kase ako e.😩😂 Enjoy😘

Barbara's POV

Ano ba tong nangyayari sakin? Straight ako at alam ko yun pero bigla yata akong nalito ng nakita ko siya. Di ko rin alam kung anong sumapi sakin at hinalikan ko siya nung dinala ko siya sa garden. Ang alam ko ayoko lang sa sobrang daldal pero may iba namang ways para patigilin siya sa pagdakdak di ba?.

At kanina sa room niya di ko alam kung bakit ko siya pinuntahan dun at ginawa ang bagay na hindi ko lubos akaling magagawa ko. Pero ang ipinagtataka ko lang bat siya tumutugon sa mga halik ko? Bat hindi niya ako itinulak?.

Hindi ko rin maintindihan kung bat ko naramdaman yung pagrarambulan ng kung ano sa loob ng tiyan ko at yung mabilis na pagtibok ng puso ko na akala mo hinahabol ng bullet train .Urgh ginugulo mo talaga ang isip ko Spencer Hill!

Gusto niyo malaman kung bakit ko alam ang name at room niya ito kase yun.

~Flashback~

Pagkagising ko ay ginawa ko na ang morning routines ko at agad na nagtungo sa R.I. Hall or Recording Info. Hall. Humingi ako roon ng copy ng mga bagong pasok na Zai. At shempre naalala ko pa naman yung name niya na Spencer Hill so nung nahanap ko na yun ay kinuha ko at ibinalik yung iba dun sa Info. Checker.

Ang cute nga ng mga nakasulat doon e

Name: Spencer Hill
SP: Mind Reader and Controller
Birthdate: March 3,1999
Age: 18
Gender: ⚪ male ⚫ female
Mother's Name: Setie Hill
Father's Name: Raver Hill
Civil Status: Fil-Am
Status: Single
Fav. food: Pizza
Hate food: Paksiw
and etc.

Ow Fil-Am interesting! Mind Reader and Controller nice power. I need to find and to know her

~End of Flashback~

Tsk! Iiwasan ko nalang siguro siya pero di magandang ideya yun. Kase parehong kami ang nakakuha ng firstkiss namin.

Nasa malalim na pag iisip nanaman ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang nakakaasar kong Yesan. Bat ba laging pumupunta ito kada gabi dito. Tss istorbo!

"Ano?" malamig ulit na sabi ko sa kaniya.

"Yung Zai na sinasabi ko si Spencer, mukhang interesado sayo. Kita mo yun tinanong ba naman ako kung pwede maging lesbiana or even bisexual ang mga katulad mong prinsesa" tawa tawang sabi ni Paige at umupo sa tabi ko dahil nakaupo ako sa sofa.

Dahil ang itsura ng kwarto ko ay parang isang bahay rinlang. Pero malawak ito may malaking sala set, bathroom, bar section sa gilid, isang dambuhalang kwarto,dress room, music room at intertament room.

"Ansagot mo?" maikling tanong ko.

"Sabi ko malabo. Tama naman ako diba?" tumingin pa ito sakin.

Tama nga ba? pero bat naguguluhan na ko. Tumango nalang ako.

"Tss. Uhm sa Friday Yesan pwede bang ikaw ang magsundo kay Spencer bukas sa room niya papuntang Caf? room #97 tas samahan mo na rin siya kumain dun and ang last class niya ay 4:30 ng hapon kay Ms. Velez sunduin mo rin siya tas ihatid mo sa room niya ulit then balikan mo para sa dinner then hatid mo ulit pagtapos. Ano uhm bukas lang naman may meeting kase ako sa labas ng Silverwings e" tuloy tuloy na sabi nito.

Ano ako? Tagahatid sundo niyang si Spencer niya? Wait Spencer niya? Spencer Hill? No! She's mine bitch! Spencer Hill is mine forev--- oh No! I mean Ugh ano uhn hindi pwede. Busy ako!

"Kaya niya sarwili niya" sabi ko.

Napataas naman ang kilay nitong mokong na toh. Anong problema niya sa sagot ko?

"Please Yesan. sa Friday lang naman e please!" pagmamakaawa nitong Yesan ko.

"No" pagmamatigas ko.

"Please sige na. Pag may nangyari dun saluhin mo pa sa konsensya mo" pananakot nito. Akala niya kakagat ako jan sa kalokohan niya. No way!

'Para naman kay Spencer mo e' sabat ng utak ko.

Oo nman Ugh Ayoko nga!

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nitong Yesan ko.

"I don't cae" oo na ako na may accent haha.

"Please? Promise sa Friday lang talaga at para makilala mo na rin siya then ang hirap naman kase magtiwala sa ibang tao since super close tayo kaya naisip ko na ikaw nalang" tumitig lang ako kay Paige at walang alam na napatango na pala ako.

"Yes! Sabi ko na nga di mo ko matitiis e" sabi nito at niyakap ako.

"Bitaw" Err ang corny talaga nitong Yesan ko. Tsk!

Inalis niya naman ang pagkakayakap niya sakin. Tumayo na ito at tumingin sakin.

"Salamat Yesan ah? tsaka tss ugaliin mo ngang magsuot ng damit pano kung may biglaang bisita edi nakita kang nakabra lang" Sermon nito.

Uhm sanay kase akong nakabra kapag nandito na ako sa loob ng kwarto ko but nakashort shorts naman ako. Comfortable kase ako pagganto lang lalo na pag matutulog.

"K" pagkasabi ko nun ay umalis na rin si Paige.

Hays gagawin ko ba talaga yun? Eh hindi naman talaga ako morning person e tsaka never ko pang ginawa yun. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Halaa! wala akong ideya!. Tss bahala na basta kay Spence--Ay no! para kay Paige yun sa Yesan(pinsan) ko. Sa sobrang pag iisip ko nun. Di ko namalayang nakatulog na pala ako.

----

Okay lang yan Barbara uso deny ngayon. Naiintindihan ka namin HAHA😆😂

Medyo okay naman na UD ko kaya may sinaing na tayo HAHA😆😂

Thanks for reading. More kisses. Lovelots😘😘

Silverwings Academy (Tagalog GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon