Their zacus on media......
Barbara's POV
Sobrang saya ng puso't katawang lupa ko ngayon dahil sa wakas balik ulit kami sa dati ni Spencer matapos ang isang linggong panunuyo ko sa kaniya.
Kahapon kase 1st Monthsary namin kaya ginawa kong paraan yun para maging maayos muli ang relasyon namin. Pinaliwanag ko sa kaniya kung ano nga ba talaga ang nakasaad sa propesiya at kung gaano ko lang naman siya kamahal higit pa sa buhay ko.
Kasalukuyan siyang mahimbing na natutulog dito sa tabi ko habang nakaunan pa sa braso ko at mahigpit na nakayakap sakin. Napapangiti ako habang napapakagat labi pa tuwing nanakawan ko si Spencer ng halik sa kinaadikan kung mga labi nito.
Alam kong susungitan na naman ako nito kung malalaman niyang hinahalikan ko nanaman siya ng hindi nagpapaalam. Lalo na ngayong hindi ko siya pwedeng iblock sa isipan ko dahil magdududa na naman ito.
"Nubayaan Barbara! Daming 'nanaman' niyan!"
Tahimik!
Patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang magandang mukha ni Spencer habang mahimbing pa rin itong natutulog at bahagyang mabini pang humihilik.
Nakapagtataka rin ngayon kung bakit nakakaramdam ako ng malakas na enerhiya na papalapit. Malakas ang kutob ko na may mangyayaring kakaiba pero paniguradong dahil lang sa sobrang galak ko kaya ako nakakaramdam at nakakapagisip ng mga negatibo na maaring mangyari.
Winsaksi ko na lamang ang palaisipang iyon at muling pinagmasdan ang magandang babaeng nakayakap at nakahiga sa tabi ko ngayon.
Habang pinagmamasdan ko ang dyosang girlfriend kong si Spencer ay simpleng pinakiramdaman ko ang sarili ko. Kinikilig naman akong napapangiti ng maramdaman kong ganun pa rin kalakas at kabilis ang tibok ng puso ko at maging pagpupugay ng mga paro paro sa tiyan ko ng dahil lamang sa nagiisang pinakamamahal kong si Spencer
Kaya automatic ko namang banayad na hinaplos ang maputi at makinis nitong pisngi.
"Spencer mahal na mahal talaga kita. Salamat sa pag intindi, knowing na magkakaanak ako sa iba at hindi sa iyo pero nandito ka pa rin sa tabi ko at patuloy na pinapaalala at ipinaparamdam na mahal na mahal mo rin ako. Pangako mahal, magkakaroon ka man ng ibang kahating babae sa atensyon ko pero tandaan mong dahil lang sa mga anak namin ako magkakaroon ng koneksyon sa kanila. But I will promise mahal na bubuo rin tayo ng pamilya, yung masasabing may anak tayong dalawa habang magkasama. Pangako hindi ako magbabago kahit na maraming pwedeng mangyaring consequences sa nalalapit na pangyayari sa propesiya. Di mo man ito naririnig ngayon pero alam kong maririnig at malalaman ito once na basahin mo ang nilalaman ng isipan ko. Alam kong hindi pa sapat ang pagsasabi na mahal na mahal kita pero alam kong nararamdaman mo yung sobra pa sa salitang mahal dahil sa lakas ng tibok ng puso ko, tuwing pinapakinggan mo. Haha masyado ng mahaba mahal. Basta tandaan mo lang na mahal na mahal na mahal kita" mahabang lintaya ko at hinagkan ito sa ulo.
Hahalikan ko pa sana ito sa labi ng biglang may nagdoorbell kaya naman agad kong inactivate ang isa kong ability para makita yung labas ng kwarto ko at penthouse room na tinitirahan ko dito sa main tower.
Yung para bang ability na tagos ang paningin kahit ano pang harang yan but never naman akong nanilip ano-_-
Napakunot naman ang noo ko ng makitang seryosong nakatayo si Dlaine sa harap ng pinto nitong penthouse room ko.
Makaraan pa ang ilang minuto ay muling pinindot nito ang doorbell kaya naman dahan dahan kong kinalas ang pagkakapulupot sa'kin si Spencer upang hindi ito magising tsaka maari ring maantala ang mahimbing na pagtulog nito kung patuloy pa rin sa pagdodoorbell si Dlaine.
BINABASA MO ANG
Silverwings Academy (Tagalog GxG)
Fanfic[HR:#164 in Fanfiction]<3 Isang prinsesa ang bubuo sa dalawang makapangyarihang nilalang na maghahari sa susunod na henerasyon. Kung iisipin lang na babae ang bubuo sa mga batang dadalhin ng dalawang dalaga sa kanilang sinapupunan ay talagang imposi...