The End....

13K 202 26
                                    


Third Person's POV

Siyam na buwan ng nakalilipas ang di inaasahang mga pangyayari. Ang malamang anak ng matalik na kaaway ng Silverwings ang isa sa mga magdadala sa anak ni Princess Barbara at malamang si Spencer ang anak ni Resu na kinikilalang diyos na makapangyarihan sa henerasyon ngayon.

Marami ng nag aabang sa pagsilang sa unang anak ni Princess Barbara kay Princess Alicia Fhaye dahil ngayong araw mismo ang kabuwanan ng prinsesa.

Inaabangan nila ang pagbukas ng malaking golden double door kung saan magaganap ang pagsilang ni Princess Alicia sa unang sanggol, kasama si Princess Barbara at si Dra. Nicole sa loob ng pintong iyon.

Live na binobroadcast sa iba't ibang Academy ang pasilang sa sanggol. Kaya naman lahat ng klase, trabaho at iba pang mga gawain sa mga Academy ay temporaryang itinigil at kinansela muna.

Lahat ng camera ay nakatutok lang sa nakasaradong pinto na siya ngang naghihintay sa pagbubukas nun. Halos pigilin nila ang sariling mga paghinga dahil sa nararamdamang excitement, kaba at sobrang saya.

Ang royal humans ng Royal Academy at iba pang royal humans from other Acad's ay nasa royal room ng main tower kasama na rin si Spencer na siya ring naghihintay at excited makita ang unang anak ng taong mahal niya na si Princess Barbara.

Kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng pagkabitter at inis kay Princess Alicia Fhaye dahil buong loob niyang tanggap na may magiging kahati siya sa atensyon ni Barbara dahil nga sa may anak rin sila ng prinsesang mahal niya.

Inaasahang dalawang araw pa ang darating bago isilang ni Spencer ang anak nila ni Barbara kaya naman hindi sila sabay ni Princess Alicia sa panganganak.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto at iniluwa nun ang umiiyak ngunit ngiting ngiti na si Princess Barbara habang karga karga nito ang unang anak niya. Nakabalot ng pulang tela ang sanggol at mas kin'close up nila ang camera sa mukha ng babaeng sanggol at lahat sila ay napahiyaw sa saya at napa'Aww ng makita ang pagngiti ng sanggol sa malaking screen sa iba't ibang Academy.

Kitang kita ang tuwang tuwang ekspresyon ng mukha ni Barbara habang pinagmamasdan ang anak. Hinalikan pa nito ang anak sa noo na siyang ikinahikab ng sanggol. Sandaling nagmulat ng mata ang sanggol kaya naman kitang kita ang pagiging greyish blue with a hint of green na mga mata nito na halatang pinagsamang kulay ng mga mata nina Princess Barbara(Blue eyes) at Princess Alicia (Grey with a hint of green eyes).

Tuwang tuwang nagsitungo ang mga royal humans sa silid kung saan isinilang ang sanggol. Isa isa nilang masayang binati ang dalawang prinsesa at maging ang anak ng mga ito.

Pinakahuling bumati ang nagpupuyos sa saya habang lumuluha na si Spencer. Sobrang saya niya para sa dalawa at maging sa anak ng mga ito. Niyakap ni Spencer si Princess Alicia para icongratulate ito sa successful na panganganak,  habang niyakap at hinagkan nito sa labi ang mahal niyang si Princess Barbara. Nang dumako ang tingin niya sa batang karga karga ng mahal ay mas lalong lumawak ang ngiti nito at puno ng pagmamahal at pagtanggap na hinalikan ni Spencer sa noo ang isang napakagandang sanggol na hawak ng mahal niya.

Kasalukuyan ng nagsasaya ang iba't ibang Academy kabilang syempre ang Dark Academy dahil na rin sa may Darknian blood na dumadaloy sa dugo ng bata. Nagpunta rin ang hari ng Dark Academy na Ama ni Princess Alicia na si King Herzues.

Nakita ng bawat nilalang ang soft side ng kilala nilang mapusok at masamang hari na si King Herzues ng ngiting ngiti nitong hagkan sa noo ang anak nitong si Princess Alicia at pagkarga nito sa resay (apo) nitong babae.

Napag'alaman ding Princess Alexia Fhlaire ang ipinangalan ng dalawang prinsesa sa anak nila.

Kasalukuyang nag-uusap sina King Barsel na ama ni Princess Barbara at King Herzues na ama naman ni Princess Alicia kung ano ang magiging plano sa pagpapalaki sa sanggol.

Silverwings Academy (Tagalog GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon