Heathar on media<3...
Spencer's POV
"We––wait! Ugh!" inis na palatak ko ng bigla ba naman akong atakihin ng kapartner ko.
Kasalukuyang hawak ko ang shield at sinasangga ang kung ano anong bagay na ibinabato sakin ng kapartner ko.
Bwisit na Heathar toh! Gusto talagang magpakitang gilas kay Miss trainer namin eh.
Sobrang ganda rin kase ni Miss trainer at nakakapagpatulo rin ng laway ang hotness nito kaso para lang din itong si Barbara ko. Pokerface lang lagi at hindi rin gaanong nagsasalita tansya ko matanda lang ito ng dalawang taon samin.
Dark red ang buhok na nakaponytail, matangos na ilong, kissable lips din nito na halatang hindi ginagamitan ng lipstick. Matangkad rin ito at malagatas rin ang kulay ng balat. Para nga lang talaga siyang si Barbara pero hamak na mas malakas lang ang alindog ni Barbara ko rito.
Di pa rin pala ito nagpapakilala...
"Stop!" sigaw ni Miss trainer kay Heathar kaya wala sa sariling napatigil ito at napatingin kay Miss trainer ng buong paghanga.
Tsk! Ano bang meron dito sa Silverwings Academy?
Nag Gagandahan at naggwa-gwapuhan ang mga nag aaral rito pero mga bisexual naman Tsk!
Sinasayang lang mga itsura nila psh!
'Parang naman siya hindee!'
Minsan talaga parang tanga tong konsenya ko–_–
Dahan dahan ko namang binaba ang shield armor ko at tinignan ang istura nilang dalawa.
"Heathar right? Hindi mo dapat binibigla yung partner mo. Magaling ka pero you don't need to cheat para lang matalo si Spencer okay? Ulitin niyo" walang kaemosyon emosyong sabi lang nito bago kami iwan at tinungo ang iba pang naga-undergo ng training.
Napasimangot naman si Heathar sa sinabi ng dyosang trainer namin.
Kumunot ang noo ko ng nagsimula itong naglakad palapit sakin.
"I'm sorry Spencer. Akala ko pa man din pupuriin ako ni Miss Dlaine pero nasermunan pa ko hayss" malungkot na paghingi nito ng dispensa sa ginawa niya.
Nginitian ko ito at tinapik ang balikat na ipinagtaka nito.
"I know you like her Heathar, Why don't you invite her for dinner?" nakangiting suggestion ko rito.
Mas kumunot naman ang maganda nitong noo sa sinabi ko. Pero ng magets nito ang sinabi ko ay bigla nalang itong namutla at namula naman ang tenga.
Napatawa tuloy ako sa itsura nito.
"It's okay. Everybody feels the same thing naman eh you're not alone. If you like her then do a better way for her to notice you. Wag mo lang tigilan kase may mga imposibleng bagay na posible pa rin namang mangyare. Like me and Barbara. Hindi naman kase ako yung taong noticeable pero look at me now. Mahal na ko ng Prinsesa niyong si Barbara. Kaya kung may mga bagay kang gustong iporsige, gawin mo lang. I'm here oh to advice you. I'm your friend even you don't know haha" mahabang lintaya ko.
Bahagya na rin itong natawa ngayon at nagulat nalang ako ng yakapin nito ako.
"Thank you Spencer and I want you to be my bestfriend. Gosh! Now I know why Princess Barbara loves you" kinikilig pa na sabi nito habang yakap ako.
"You're always welcome and I love to be your bestfriend" natatawa ko namang sabi rito.
Natigilan lang kami at napahiwalay sa yakap ng may biglang tumikhim sa gilid namin.

BINABASA MO ANG
Silverwings Academy (Tagalog GxG)
Fanfiction[HR:#164 in Fanfiction]<3 Isang prinsesa ang bubuo sa dalawang makapangyarihang nilalang na maghahari sa susunod na henerasyon. Kung iisipin lang na babae ang bubuo sa mga batang dadalhin ng dalawang dalaga sa kanilang sinapupunan ay talagang imposi...