MisUnderstanding

10.1K 149 5
                                    


Spencer's POV

Napapangiti nalang ako habang naaalala kung gaano na-stress sakin si Barbara kanina sa Caf.

Hindi ko kase siya pinansin nung kumakain kami dun at para siguro pansinin ko siya ay inorderan ba naman ako ng isang box ng pizza eh 2 slices lang naman ang kinakain ko. Tapos nag-insist pa siyang subuan ako pero di ko pa rin siya pinapansin at inirapan lang siya.

Dumagdag pa sa inis ko sa kaniya yung mga malalanding Zai na nagtitilian at naghihiyawan kay Barbara ko! As if namang mapapansin sila at mapapasakanila si Barbara ko! Yes Barbara ko! Bakit ba? Girlfriend ko nga siya eh! Kaya akin lang siya!

'Possessive!' asar naman ng isipan ko.

Che! Lecheee! Kinikilig ako poteksh! Hahaha

Pero nung natapos na kaming kumain at buong oras ko lang siyang deadma ay nagpresenta pa rin siyang ihatid ako.

See ang sweet!

Kilig na kilig naman ako sa mga pinaggaga-gawa niya pero nga sa pakipot at maarte ang dyosa niyo haha di ko pa rin siya pinansin.

Habang naglalakad kami ay medyo nahuhuli siya ng lakad kaya bahagya naman akong lumingon sa likod ko at nakita kong siyang malungkot na nakatungo.

'Punyetong taas ng pride kase yan Spencer eh. Yan tuloy nagi-guilty ka!' tuya namang ng dakila kong isipan.

Pinili ko munang wag siyang pansinin at nagpatuloy sa paglalakad pero something naughty thought comes up in my mind kaya napatigil ako sa paglalakad at nabunggo pa siya sa likod ko. Humarap naman ako rito at kita ko ang pagtataka sa mukha niya pero nginisian ko lang siya na mas lalong nagpakunot sa noo niya.

Walang ano ano'y hinila ko siya papasok sa empty room at agad sinarado ang pinto. Medyo napatili pa ang mahal ko kaya palihim akong napairap.

Marunong din pala tumili ang mga dyosang manyak? Infairness dito sa mahal ko ah! May kaartehan din palang nalalaman Hahaha

'Hallers naman sa Ubod mong kartehan? 100x yata lamang mo kay Barbara ko' singit ng mahadera kong utak.

Wag mo nga akong maganyan ganyan! Una! Utak lang kita.. Pangalawa! Walang may pake kung maarte ako dahil di nakakabawas ng ganda yun. At pangatlo! Who you para angkinin mo ang Love of my ko! Langya! Akin lang ang Barbara ko gets?!

'Ayyy OA! Uwian na!" tuya pa ng utak ko.

Aish nabwi-bwisit na talaga ko! Lecheee!

Humarap ako rito pero medyo madilim kaya di ko siya kita at gamit ang ability ko to control things ay binuksan ko ang ilaw ng hindi pinipindot ang switch kundi utos lang ang isipan ko.

Nanatili lang akong nakatayo sa harap niya at medyo nakatingala sa kaniya dahil nga mas matangkad siya sakin. Nang magkaliwanag na ay bumulaga sakin ang nagtataka pa rin nitong itsura. At dahil nga curious ako sa iniisip niya ay sinubukan kong basahin ang iniisip nito ngayon pero laking gulat ko na nababasa at nakikita ko lahat ng nasa loob ng utak niya.

Susku! hindi yung organs niya mismo ah? hahaha yung iniisip lang naman niya.

Pero parang pinagsisihan ko agad na binasa ko pa ang isipan niya dahil iniisip niya lang naman kung galit ako sa pakikipagusap niya dun sa 'Fria girl' na yun. Edi nakita at na encounter ko na naman yung Friang yun! Nakakainis talaga yung babaeng yun. Halata namang may gusto siya sa Mahal ko e. Sarap niyang iprito!

Di yata aware ang mahal kong di ako nakablock sa utak niya. Di muna ako nagfocus sa iniisip niya at mataam kong tinignan ang mukha niya. Kitang kita ko ang lungkot at pagtataka sa mga mata nito.

Dahil gusto ko ngang mapangiti ang dyosang kaharap ko ngayon kaya ngumiti ako rito na medyo ikinabigla nito. Hindi na ako nagdalawang isip na hablutin ang batok nito palapit sakin at siniil siya ng halik. I know naman na ito yung magandang way para malaman niyang di na ko galit sa kaniya at another way to express my pure love for her.

Napansin ko namang napangiti siya sa halikan namin kaya lumundag naman ang puso ko at nagwala na naman ang sistema ko na sign na maglulupasay na ko sa kilig.

Bwisit na yan! Ako diba yung humalik? Bakit ako yung kinikilig?! Gosh! Justice! Justice please!

'Ang OA! Ang OA! Pamental na yan.. Langkwenta yan..' tuya pa ng konsensya ko.

Mas masisiraan yata ako ng bait dito sa konsensya na toh! Nakakasira ng araw! Pashnea!

-------- Tbc..

Silverwings Academy (Tagalog GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon