Firstkiss

22.6K 406 15
                                    

Spencer's POV.

Rinngg. .Ringgg...Ringggg.....

"Goodmorning Zai's bangon na! at dapat saktong 6 nasa Cafeteria na kayo" pambubulabog naman ng boses na naggagaling sa speaker.

Ugh kainis naman dito. Bat naman napaka aga tsk. Kinuha ko ang phone ko sa side table at napamura ng makita kong alas kwatro palang ng madaling araw.

Agad akong tumayo sa pagkakahiga at kinuha ang twalya na may printed name ni Camila Cabello ugh may baby pwede ng maging kami but straight lang talaga ko Haha bago nagmadaling pumasok sa CR para gawin ang morning rituals ko.

After 20 mins ay lumabas na ako sa Cr at nagpatuyo ng buhok. Isinuot ko ang uniform na kinuha namin ni Paige kagabi sa faculty. White longsleeves, plain dark blue vest with Silverwings Academy logo sa left side and a rounded gold sensor chip yata yun sa taas ng logo, dark blue checkered above the knee skirt and dark blue checkered necktie. Then pair of under the knee black boots. Aww ang cute Haha. Nung sinusuklay ko na ang buhok ko ay biglang may kumatok kaya kunot ang noo ko namang iyong binuksan. Napangiti nalang ako ng tumambad sakin ang nakangiting dyosa sa harapan ko.

"Goodmorning oh you look Beautiful. Bagay sayo. uhm sabay na tayo punta sa Caf" nakangiting sabi nito.

"Ow di nman ikaw nga yung mganda diyan e. Btw Goodmorning Paige. wait lang ah? balik ko lang tong suklay at kunin ko lang yung phone ko" sabi ko rito ng nakangiti.

"Orayt! hintayin kita hsbshbzjnxjhg" ano daw? bumulong na kase siya e.

"Huh? may sinasabi ka ba?" takang tanong ko.

"Wa-wala nukaba Haha kunin mo na yun para makakain na tayo" mukhang kinakabahan si Paige pero binalewalang bahala ko na lang iyo at ginawa ang dapat kung gawin.

Kasalukuyang nakaupo kami kung san table kami nagkakilala ni Paige. Nakatitig nanaman itong dyosa sakin habang kumakain ako. Nakakailang pero dyosa na yan oh chochoosy ba ulit ako? Haha

Iniangat ko ang tingin ko sa kaniya mula sa pagkaing nasa harap ko. At dahil magkaharap kami ay hindi niya maitatago ang gulat at pagkulay pink ng mga pisngi niya, Aww ang cute. Nang Magtama ang mga mata namin ay nataranta ito kung san niya ibabaling ang tingin niya. Kaya napatawa ako at kunot noo naman siyang napatingin sakin.

"Ang cute mo rin magblush Haha may mali ba sakin kaya ka nakatitig?" Tanong ko rito.

Tumikhim muna ito bago nagsalita.

"Uhm ang cute mo kase kumain at sino ba naman ang hindi tititig sa dyosang katulad mo" nakangiti nitong sabi. Naks napakastraight forward naman pala nitong si Paige. Pero di kaya lesbiana ito? hindi mo naman masasabing ganun dahil sa sobrang ganda nito at napaka feminine nito pati sa pagkilos niya.

Magsasalita na sana ako ng biglang may hingal na babaeng sumigaw sa pintuan.

"GUYS! GOODNEWS!" sigaw nito at naghiyawan na parang kinikilig na ewan basta. Nakakaasar sa tenga ang mga tili nila.

Napatingin ako kay Paige at nakangiti lang itong nakatingin sa pinto. Kaya ibinalik ko ang tingin ko sa pinto dahil nagsalita muli ang babae.

"NANDITO NA SA SILVERWINGS SI BARBARA AT DITO RAW SIYA KAKAIN SA CAF! AT MAMAYA ANDITO NA SIYA!" pagkasabi ng babae na yun ay bigla rin itong lumabas ng Caf. At naging wild naman ang mga Zai na nandito sa Caf. Tsk ano bang meron dun sa Barbara na yun at kung makatili at makasigaw ang mga nandito e akala mo wala ng bukas. Tilian lang yung nangyare nung pagpasok ni Paige at bigla rin yung natigil nung nasa counter na kami para magorder ng pagkain pero as usual maraming pa ring bumabati sa dyosang ito jusmee namimisteryosohan na nga ako dito kay Paige ay dadagdag pa itong Barbara na ito.

Silverwings Academy (Tagalog GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon