Kiss me

15.6K 241 0
                                    

Spencer's POV

Tapos na ko sa morning routines ko hinihintay ko nalang ang pagdoorbell ni Paige dahil susunduin niya daw ako para magbreakfast sa Caf. Napangiti nalang ako ng marinig kong may nagdoorbell. Nagmadali akong buksan yung pinto ng nakangiti. But nung pagkabukas ko ay ibang tao ang tumambad sakin.

Bigla ko nalang ulit naramdaman yung mga nagliliparang paro paro sa tiyan ko at mabilis na pagkabog ng puso ko na kulang nalang ay tatalon na ito sa dibdib ko at magsasabi nalang ito ng 'Bye Spencer ayaw kong madamay jan sa kalandian mo' habang tumatakbo pa itong puso ko. Haha funny funny Che!

Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko at nagcross arms sa harap nito.

"Why are you here?" harsh na tanong ko rito. Oo maaga pa para makapanira ng araw pero wala akong pake dahil sirang sira na ang araw ko kahit mukha palang nito ang nakikita ko.

'Ows yung tataa?" tanong ng epal kong utak.

Tsk! Shattap Brain!

"Fetching you" Tsk! kala mo bata kung magsalita. Antipid tipid! E yung kapitbahay nga namin na kinder akala mo wala ng bukas sa sobrang kadaldalan. Nakakaurat ang aga aga! Ano daw fetching me? No way! si Paige ang masusundo sakin. Di ko siya kelangan.

"Ayoko nga! Baka may balak ka lang na dalhin ako sa abandoned place tapos rerape'in mo na ko" sabi ko rito pero parang wala naman itong narinig dahil pokerface pa rin ito.

Ghaaad wala pa ngang facial expression sobrang dyosa na pano pa kaya kung mayroon na! Tsk nakakainis talaga!

"Tsk Tarwa na" sabi nito. Gusto ko tumawa sa harap niya dahil 'Tawa' kung papakinggan ang pagkakasabi niya ng 'Tara' Haha ngunit di ko natuloy ang balak na pagtawa ng biglang nagsimula na itong maglakad pero siguro napansin niya na di ako sumusunod kaya lumingon ulit ito sakin.

Pansin ko wala ng mga Zai at sigurong nandun na sila sa Caf kase 30 mins na rin after nung morning announcement na ipinagpapasalamat ko naman dahil walang mangyayareng tilian at hiyawan tsk!

Naglakad muli ito pabalik sakin na ikinalakas pa ng pagkabog ng puso ko. Kainis!

Nang nasa harapan ko na siya ay tinititigan niya lang ako. Ghaad nakakahiya! Alam ko namula ako pano ka naman di mamumula kung dyosa pa sa dyosa ang tumititig sayo.

"A-ah ayaw kong sumama sayo! Marunong ako pumunta doon mag isa! Kaya chupi. I don't need you here princess Barbara" sabi ko in a duh tone. Kung ang ibang prinsesa nakakatuwa ang dating ibahin mo ang prinsesang ito super nakakainis ang dating!

Nanlaki naman ang mata ko ng itinulak niya ako papasok sa kwarto ko at tsaka pumasok rin siya. Agad niyang sinara ang pinto. Humarap ito sakin na mas ikinaba ko naman. Hinawakan nito ang braso ko at itinulak sa pinto. Na sanhi ng malakas na pagtama ng likod ko sa pintuan. Ouch! Ang aga aga may masakit na agad sa katawan ko ni hindi pa nga ako nagbanat ng buto wee.

"Sasama o sasama" napatingin naman ako dahil sa sinabi niya. Malamang pokerface pa rin ito. Tss

"Ayaw" pagmamatigas ko.

Nanlaki naman ang mata ko ng ilapit nito ang mukha niya sa mukha ko.

"Sasama o sasama" halos pabulong na sabi niya. Ramdam ko ang mabango nitong hininga na tumatama sa labi ko. Yep ganun kalapit!

"O-o-oo na sasama na ko" pabulong ko lang sana na sasabihin kaso sa kasamaang palad sexy'ng boses ko ang lumabas sa walangyang bibig ko at kung papakinggan Ghaaad anlandeeee!

Nangisi nanaman ang gagang ito.

"Okaay" ansexy ng pagkasabi niyang yun pero mas nanlaki ang mata ko ng ninakawan niya ako ng isang mabilis na halik.

Silverwings Academy (Tagalog GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon