Barbara's POV
Tsk! Di pwede yun noh?! Spencer is mine! at wala ng pwedeng makaagaw sa kaniya or else makikipagpatayan talaga ako. OA na sa OA pero mahal na mahal ko si Spencer. Oo naging takbuhan ko lang itong modelling para kahit papano maibsan yung sakit na nararamdaman ko. Oo kahit naman masakit yung mga sinabi niya hindi ko naman siya kanyang tiisin noh?.
At kung kinakailangan halikan ko pa si Spencer sa harap ni Jeron at maging sa mga nagkakagusto sa kaniya para lang malaman nilang pagmamay ari ko lang si Spencer ay gagawin ko iyon. Tsk! Subukan talaga nilang landiin ang mahal ko at makakatikim sila ng lupa dahil ililibing ko talaga sila ng buhay.
Bukas na bukas uuwi na talaga ako. Hayss namimiss ko na yung babaeng mahal na mahal ko. See you tom. mahal ko.
"Lalim ng iniisip natin ah?" sabi ni Louisa. Louisa Fernandez isa din itong model at katrabaho ko. Maganda at sexy kaso mas lamang lang talaga sa paningin ko ang mahal kong si Spencer mylabs haha.
"Uhm di naman. Kanina ka pa ba dito?" tanong ko.
Kasalukuyang nasa dressing room kami. As in kami lang. Gosh! napapitlag ako ng hawakan niya ang legs ko.
"Hindi naman. I really miss you Barbi" Barbi ang tawag niya sakin. Bulong lang niya sa tenga ko at hinalikan na rin ang tenga ko.Napapikit ako sa sensasyon na nararamdaman ko.
Naramdaman ko nalang na bumaba ang halik nito sa leeg ko. Kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang pag ungol. Umupo na ito sa lap ko at ikinawit ang mga braso sa batok ko at hinalikan na rin ako sa labi. Tumugon naman ako pero ilang saglit ay biglang nagpop up sa utak ko ang dyosang mukha ni Spencer kaya agad kong naitulak si Louisa.
At muntik na itong mahulog mula sa pagkakaupo sakin buti nalang nahawakan ko siya. Napatingin naman ito ng nagtataka sakin ngunit nakaupo pa rin ito sa lap ko.
"What's wrong Barbi? Nung bumalik ka rito gustong gusto mo makipagmake out sakin but now parang ayaw mo yata" nagtatakang tanong nito.
Patawarin mo ko Spencer nilamon lang ako ng emosyon ko kaya ko pinatulan itong si Louisa but now na malinaw na sakin na mahal mo rin ako ititigil ko na itong kahibangan ko. Oo 2 weeks palang ako rito sa labas ng Silverwings naka ilang makeouts na kami ni Louisa.
Matagal na akong gusto nitong si Louisa pero hindi ko siya gusto di ko lang talaga alam kung bat ko siya pinatulan. Gosh! Oo ngat sinaktan ako ni Spencer sa mga sinabi niya pero hindi naman tama na pagtaksilan ko siya ng ganito.
"Louisa itigil na natin tong kahibangan natin. We both know na walang akong feelings foh you. Walang patutunguhan to. So please itigil na natin ito." mahinahong sabi ko. Nagulat rin ako dahil ang haba yata ng sinabi ko at ang epal ng accent ko.
Bigla itong umalis sa pagkakaupo sa lap ko at tumayo sa harap ko. Nakita ko sa mukha niya na galit ito.
"What?! No! Ayoko Barbara. Halos ibigay ko ang buong pagkatao ko sayo tapos ititigil mo lang ito ng ganto ganto lang? No Barbara hindi ako makapapayag sa gusto mo"
"Please Louisa? Gusto ko nang itigil to ayokong mas masaktan ka pa kung ipagpapatuloy pa natin ito dahil may mahal na ako" malungkot na sabi ko rito. Hindi pa rin ako makapaniwalang napakahaba na ng pagsasalita ko ngayon. Nakita kong nangingilid ang mga luha nito sa mga mata niya.
"No-no Barbara. You can't do this to me! I thought you like me too kaya pinatulan mo na ako but option lang pala ako! PAMPALIPAS ORAS MO LANG PALA AKO! HOW DARE YOU! Masyado kang pafall barbara! MASYADO KANG PAFALL! I hate yo-you I he-hate you" Humihikbing sabi nito. Galit na galit siya sakin. Nakokonsensya ako lalo nat nakikita kong humahagulgol ito sa harap ko sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon.
Hindi ko alam ang gagawin at maging ang sasabihin ko kaya hinalikan ko nalang ito pero itinulak niya ako.
PAK!
Sinampal niya ko kaya napahawak ako sa pisngi ko. Wala akong karapatang magalit sa kaniya dahil deserve ko naman ito dahil sobrang nasaktan ko siya.
"At ang kapal din naman ng mukha mong halikan ako matapos mong ipamukha saking option mo lang ako! Ang KAPAL NG MUKHA MO! Umalis ka na sa harap ko! ayoko ng makita ang pagmumukha mo! Manloloko ka! MANLOLOKO!" Sigaw niya sakin habang umiiyak siya. Tinuro niya pa ang pintuan na parang gusto niya lumabas na ako at iwan nalang siya.
Napaiyak na rin ako. Bakit ba ganito!? Kapag nagmamahal ka kailangan may masasaktan ka pang iba? Sorry Louisa pero si Spencer talaga ang itinitibok ng puso ko!
"I'm sorrwy. I- I'm so sorrwy" pinagdikit ko pa ang mga palad ko na para talagang humihingi ng tawad pero tinabig niya iyon. Ang epal talaga ng accent ko hindi na kakatulong para paniwalaan niya ako. Galit na galit itong tumingin sakin.
"Walang ng magagawa yang sorry mo! kaya please umalis ka na ansakit sakit na Barbara dahil mahal na mahal kita pero may mahal ka palang IBA! kaya please lang umalis ka na kung ayaw mong kaladkarin pa kita palabas!" sigaw nito na halos mapiyok pa dahil sa pag-iyak nito.
Niyakap ko ito kahit pa nagpupumiglas siya.
"Sorrwy Lo, I'm so sorrwy. I'm sorrwy" patuloy na bulong ko lang sa tenga niya.
Ilang minuto rin ay tumigil na rin ito sa pagpupumiglas at humagulgol pa lalo. Naiipit ang dalawa niyang kamay sa dibdib namin dahil pinaghahampas niya ko sa dibdib kanina bago ko siya yakapin. Lalong sumiksik ang mukha nito sa leeg ko kaya rinig na rinig ko ang mga impit niyang paghikbi habang hinahayaan niya lang akong yakapin siya.
Nang mahimasmasan na siya ay kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. At tumingin sa mga namumugto niyang mata. Bigla akong nakaramdam ng awa at konsensya. Maganda, mabait at halos perfect na itong si Louisa. Habulin din ito ng mapababae man o lalake dahil sa taglay nitong kagandahan pero bakit hindi ko siya magawang magustuhan? Aaminin ko na naging crush ko si Louisa pero hanggang doon nalang yun dahil si Spencer na ang laman ng puso ko ngayon.
"I'm sorrwy okay? Hindi ko sinasadya lahat ng ito. Sana mapatawad mo ko. I'm so sorrwy Louisa" at napaiyak nanaman siya. Hinalikan ko siya sa noo at nagtungo na sa pinto para lumabas. Pero bago ko iyon isara ay lumingon muna ako sa kaniya.
Nakakaawa ang itsura nito pero napangiti naman ako ng tipid ng pinilit niyang ngumiti sakin kahit na mapait pa iyon at tuluyan na akong umalis at agad na kinausap ang manager kong hindi na muna ulit ako tatanggap ng mga offers dahil may importante akong gagawin sa loob ng Silverwings Academy at agad ding nagdrive pauwi sa Silverwings.
----
What?! Anrupok naman ni Barbara niyoo! but sa tingin niyo okay lang ba talaga kay Louisa iyon? na iiwan nalang basta basta o baka naman humabol pa siya. Abangan... Tentenenen tenten!😂😂
Thanks for reading. Lovelots😘
BINABASA MO ANG
Silverwings Academy (Tagalog GxG)
Fanfic[HR:#164 in Fanfiction]<3 Isang prinsesa ang bubuo sa dalawang makapangyarihang nilalang na maghahari sa susunod na henerasyon. Kung iisipin lang na babae ang bubuo sa mga batang dadalhin ng dalawang dalaga sa kanilang sinapupunan ay talagang imposi...