The Prophecy..

12.3K 163 4
                                    

Barbara's POV

Kasalukuyang nakaupo ako ngayon sa sarili kong trono sa tabi ng mga trono ng magulang ko dito sa main tower.

Taimtim ko lang na pinagmamasdam ang mga Haro na aligagang aligaga sa paghahanda sa nalalapit na pagpupulong ng mga Academys.

Ang Silverwings Academy kase ang pinaka may mataas na rank sa lahat ng Academy kaya laging kami ang nag oobserba at nagpapanatili ng kapayapaan sa iba pang Academy.

"Barbara!" tawag pansin sakin ng Yesan (pinsan) kong si Paige na may kasama pang pitik sa noo.

Tumingin naman ako ng masama rito habang hawak hawak ang noo ko na paniguradong namumula na ngayon.

"Hey easy yesan. Kanina pa kase kita tinatawag pero tingin ko naiwan pa sa bed mo yang utak mo. Nanaginip ng gising lang peg natin ganerns?" tawa tawang sabi nito na dahilan para tingnan ko siya ng masama.

Nang natigil na rin ito sa pagtawa niya ay sumeryoso din naman agad ito. Nag iwas ako ng tingin at tinuon na lamang ulit ang atensyon sa busy'ng mga Haro.

"Tell me yesan. Nababagabag ka ba sa propesiyang isinulat ni Resu?" nang dahil sa tanong na iyon ay napatingin ako rito.

She really knows me well....

Hindi ako sumagot at piniling yumuko na lamang.

Totoong nababagabag or should I say natatakot ako sa nalalapit na pangyayaring iyon na nasakasaad sa propesiya. Sa totoo niyan, ayokong dumating ang araw na iyon pero anong magagawa ko? yun ang propesiya. Ang kahit anong gawin ko hinding hindi magbabago iyon...

"Barbara...." mahinang tawag sakin ni Paige at rinig na rinig ko rito ang pagkamangha sa boses niya na ipinagtaka ko kaya napaangat ako ng ulo at sinalubong ang gulat nitong mukha.

Napakunot naman ang noo ko sa naging reaksyon nito.

"Ohmy....gosh... You're crying" mahinang saad nito na hindi talaga makapaniwala.

At dahil sa sinabi niyang iyon ay awtomatikong napahawak ako sa  pisngi at mga mata ko.

They're now wet because of my tears....

Wala sa wisyong napatingin ako kay Paige na ngayon ay malungkot na nakatingin sakin. Kinagat ko naman ang ibabang bahagi ng labi ko dahil nararamdaman ko na naman na maiiyak ako.

F*ck this life! Why I have to deal with that damn prophecy? Ayokong mangyare yun.. Ayoko.. Ayoko...

Pero kahit anong pigil ko pala para hindi maiyak ay wala rin naman din palang kwenta dahil kasalukuyan na akong humahagulgol sa balikat ni Paige habang yakap yakap ako nito.

Narinig ko ang paghingi nito ng pirmisong bigyan kami ng privacy. Kaya narinig ko naman ang nagmamadaling yabag ng mga Haro at kawal na lumabas ng royal thrones room para iwan kaming dalawa ni Paige.

"P-Paige I-I don't want that day to come. I d–don't want to b–be with someone else arms. I want to be with S–Spenceh with the r–west of my life. I–I don't want t–to leave heh (r) hanging... I w–wa––" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko na maiwasang ang paghagulgol ko sa balikat ni Paige.

Sobrang bigat sa pakiramdam na lahat ng gusto mo, nakasanayan mo at higil sa lahat mahal mo ay kailangan mong talikuran at kalimutan dahil lang sa propesiya. Propesiyang sana ay hindi nalang naisulat sa nakaraan. Propesiyang sana hindi nalang nagawa ng dating makapangyarihang nilalang.

Sa dami ng tao sa buong mundo. Bakit ako pa? Bakit ako pa ang naisulat upang maging isa sa mga itinakda upang bumuo ng bagong makapangyarihang angkan? Babae ako pero ako ang magbibigay at bubuo sa dalawang makapangyarihang nilalang sa mga susunod na kabata ng buhay naming mga magulang nila.

Silverwings Academy (Tagalog GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon