Striktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan sa mga batang magbabasa Joke!😝😂 Goodluck Bae's😏😘
------------------------------------------
Spencer's POV
Hihiga na sana ako sa bed ko ng biglang may magdoorbell. Tinignan ko naman ang orasan sa side table ko at nakita kong alas dose na ng gabi. Aba? sino naman itong nambubulabog ng hating gabi. Kung hindi siya makatulog pwes wag niya kong maisto-istorbo dahil pagod ako.
Tuluyan na nga akong humiga at pinikit ang mga mata ko pero nang makuha ko na ang tulog ko ay bigla nalang ulit tumunog ang doorbell. Bigla akong napaupo sa bed ko sa gulat at napamura pa talaga ako. Sino ba itong hampaslupang ito at hindi ako hayaang makatulog?!
Inis akong tumayo at binuksan ang pinto.
"Ano bang--" napatigil ako at napaluha sa taong nasa harapan ko ngayon. Napaluha ako hindi dahil sa malungkot ako kundi dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. Agad niya kong niyakap.
"I miss you so much Spenseh" sabi nito habang yakap yakap pa rin niya ako at di ko na rin napigilang yakapin siya at isubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Ambango bango talaga niya.
Namiss ko talaga ang amoy , napakadyosang mukha, mala anghel na boses niya at maging ang mga hawak niya sakin.
"I miss you too Barbara. Akala ko di ka na ulit magpapakita sakin. Miss na miss kita kung alam mo lang" bulong ko rito tama lang para marinig niya. Naramdaman ko naman na napangiti ito.
Kumalas ito sa pagkakayakap at ewan ko kung bakit nakaramdam ako ng inis rito at naitulak ko siya. Yung nakangiting mukha niya ay biglang napalitan ng pagtataka.
"Alam ko hindi dapat ako ang magalit dahil nasaktan kita na mga sinabi ko pero hindi naman dapat na tiisin mo ko ng ganito katagal. Alam mo bang halos mabaliw na ko sa kakaisip sayo? na halos makalimutan kong may buhay pa ko sa labas ng kwartong ito? Hindi mo alam kung gaano ko kamiss yang panget mong mukha at alam mo rin ba na-----" naputol ako sa sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin ulit.
Napaiyak na rin ako habang sinasabi ang mga salitang iyon. Siguro mukha akong bata dahil punas ako ng punas mga mata ko habang umiiyak nung nagsasalita ako.
"Alam ko Spensah, Alam ko. Patawarwin mo ko kung nagpadala ako sa emosyon ko. Mahal na mahal lang naman kase kita kaya sobwra sobwra akong nasaktan pero hindi ko naman kayang tiisin pa ng mas matagal dahil segundo pa nga lang namimiss na kita. Arwaw pa kaya, linggo owr mo---" naputol siya sa sasabihin niya ng agad akong nagsalita. Nagtataka ako anghaba yata ng pagsasalita niya ngayon pero naasar pa rin ako sa kaniya.
"Pero pano kita paniniwalaan kung 2 weeks mo akong natiis ah? Mahal na mahal pa man din kita tapos ginaganito mo ako ngayon" nagtatampo kung sabi at inirapan ko siya.
Mahinhin namang natawa ang bruha. Ugh ang dyosa dyosa pa rin talaga neto kahit na anong ginagawa niya kaya nga mahal na mahal ko yan e.
"Anong tinatawa tawa mo jan? Anong nakakatawa sa sinabi ko hah? Sige lang ipagpatuloy mo yan at hindi na kita mamahalin pa" pagtataray ko rito.
Tumigil naman siya sa mahinhin niyang pagtawa at ngumiti ng pagkatamis tamis sakin. Ugh siguro nagmemelt na ang puso ko sa pagngiti niya ng ganyan. Nanghihina ang tuhod ko Urgh walang hiya itong babaeng ito. Aatakihin yata ako sa puso ng dahil sa kaniya.
"Ano ba?! Sumagot ka nga? Wala ka nanaman bang bibig hah? Tsk! napapanis nalang ang laway mo ng hindi mo man lang ginagamit! Wag kang tumitig jan! may pangiti ngiti ka pang nalalaman. Anong akala mo sakin? makukuha mulang ng ganyan ganyan mo hah? Urgh sabi ko wag kang tumitig e" mataray na sabi ko pero naging childish sa huling sinabi ko. Aish nakakainis naman itong babaeng ito oh. Namumula na ko sa kilig na ewan basta keynes mge bebe haha
BINABASA MO ANG
Silverwings Academy (Tagalog GxG)
Fanfiction[HR:#164 in Fanfiction]<3 Isang prinsesa ang bubuo sa dalawang makapangyarihang nilalang na maghahari sa susunod na henerasyon. Kung iisipin lang na babae ang bubuo sa mga batang dadalhin ng dalawang dalaga sa kanilang sinapupunan ay talagang imposi...