2- Nothing

17 3 0
                                    

Kapag heartbroken ka, babalik ka sa pagkabata
Kailangan mong matutong bumangon muli
-ms.L

_______________________________________

“What do you mean dad?”

Biglang tanong niya sa kanyang ama. Nasa ospital pa rin siya hanggang ngayon dahil hindi pa maaring igalaw ang kanyang mga paa. Naipit kasi ito sa kanyang sasakyan sa sobrang lakas ng imapact ng pagkabvunggo nun. Kagabi umuwi ang kanyang mga magulang para kumuha ng mga gamit at para magbihis na rin. Naka damit pangkasal pa kasi ang mga ito ng dumating kahapon. Bumalik naman ang mga ito agad ngunit umuwi rin ang kanyang daddy dahil kailangan niya ng tulog para sa gagawing presentation kinabukasan.

Tanghali na ng dumating ang kanyang daddy sa ospital bringing their food. At habang nananghalian sila binalita ni Dad ang nalaman nito after looking for Dione. Tinanong siguro nito sa mga magulang ni Dione na business partners lang nila.

“Anak, he’s not the one for you” salo ng kanyang ina na parang nakikita niyang nahihirapan si Dad magpaliwanag.

“Mom anong kalokohan ‘to? Anong He’s not for me? You know we love each other. Ang Tagal na ng relasyon namin. And you know everything about us dahil nasa tabi kayo namin. And now what? ‘Yan lang ang sasabihin niyo? He’s not the one for me?!”. Tila nakalimutan niya na ang mga magulang niya ang kaharap kaya napalakas na rin ang kanyang boses.

“Anak, huminahon ka lang.”

“Huminahon? Mom! I Love him! I love him very much! Mahal na mahal ko siya mom. Na hindi ko na alam anong gagawin ko after this. Siya lang ang mahal ko at mamahalin ko. Siya lang.” Hagulhol na sabi niya sakanyang ina.

“I know anak. I Know.” Agad naman siyang niyakap ng kanyang ina at hinagod sa likod na kanyang ama.

_______________________________________

Matapos ang tatlong araw na pananatili ni Hafsah sa ospital, nakauwi na rin sila sa kanilang bahay. Dumiretso siya sa kanyang kwarto para doon magmukmok. Inilibot niya ang kanyang mata sa kabuuan ng kwarto at alam niyang may nagbago. Pinaalis ng dad niya ang kanyang mga gamit na maaaring makadagdag sa kanyang stress. Wala na ang kanyang tv at computer. Iniwas siya ng mga magulang sa anumang mga balita tungkol sa kanyang kasal. Napalingon siya sa kanyang bedside table at sa tokador. Napaluha siya ng wala siyang makitang anumang gamit sa ibabaw nito. Pati pala iyon pinatanggal ni daddy. Kaya lumabas siya at hinanap ang kanyang ama.

“Dad! Dad” sigaw niya habang bumababa sa hagdan.

Nakita niya ang mayordoma nila kay agad niyang tinanong ito.

“Nasaan si dad?”

“Ma’am mukhang nasa library po. Nag-uusap.....”

Hindi na niya pinatapos ang sinasabi nito at agad na pumunta sa library ng bahay nila.

“Dad!” Sigaw niya irito. Nakita pa niya ang kanyang ina na nandoon sa loob.

“What is it anak? Nag-uusap pa kami ni mommy mo.”

Tumingin siya sa kanyang ina na nakaupo sa upuang kaharap sa table ng kanyang ama. Nakita niyang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito base na rin sa emosyon ng kanyang ina. Pero kailangan niyang komprontahin ang kanyang ama. Ibinalik niya ang tingin sa kanyang ama na ngayon ay nakatayo na pala at akmang lalapitan siya.

“Dad, how can you do this to me? Akala ko ba tv at computer lang kukunin niyo sa kwarto ko. Bakit pati yun kinuha niyo? Nasaan na yun dad? Ibabalik mo sa kwarto ko” hysterical na tanong niya sa ama at palinga-linga sa loob ng library. Nagbabaka-sakali siyang nadoon ang hinahanap niya.

“No!” matigas ng tugon ng kanyang ama na parang hindi napapansin ang paghihirap niya. Nilingon niya ito at nakikiusap.

“Dad! I need that! Yun na lang ang natira sa akin! Huwag mo naman kunin.”

“Kaya nga dapat na wala yun doon. Dapat wala ng matira. He left you with nothing. Dapat ikaw din ganoon. Huwag ka ng magtira ng kahit na ano na may kinalaman sa kanya. Dahil hanggat nakikita mo pa yung mga larawan niyo, hindi ka makaka-move-on.”

“You don’t understand dad. At sino ba kasi ang nagsabi sainyo na may balak akong amg-move-on? Hahanapin ko siya” sagot niya sa kanyang ama na ikinagulat nito.

“Kung hindi niyo ibibigay sa akin, ako ang maghahanap” Aktong tatalikod na siya para lumabas ng magsalita ang kanyang ama.

“Go On! Hanapin mo siya! Diyan ka magaling di ba? Ang maghabol sa kanya. Yung nag-away kayo ikaw din iyong naghabol di ba?” nagulat siya sa sinabi nito. Akala niya walang alam ang mga ito dahil sa tuwing nag-aaway sila ni Dione ay kinikimkim niya iyon dahil ayaw niyang may makialam sa kanila.

“Anak, huwag mong pahirapan ang sarili mo. Hindi na siya babalik. Tama ang dad mo. He left you with nothing, then, start’s with nothing about him”

Nilingon niya ang kanyang ina na ngayon ay nasa tabi ng kanyang ama. Tinitigan niya ang mga ito ng ilang sandal bago tumalikod  at umakyat sa sariling kwarto. Pagkasara pa lamang ng pinto ay agad humagulhol siya ng iyak kaya sumampa siya sa kama at doon nag-iiyak. Nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil walang nakakaintindi sa kanya. Nasasaktan siya dahil naliligaw siya dahil sa pangyayari. Maraming pumapasok sa kanyang isipan na hindi niya maintindihan.

Iniisip niyang hindi nagmula kay Dione ang sulat na iyon, pero nababaliw siyang mag-isip kung sino naman ang gagawa nun at kung bakit. Baka dinukot ito, binlackmail, at nasa masamang kalagayan pero hindi niya alam kung sino naman ang gagawa nun. Kaya umasa siyang babalik ito at ipagpapatuloy ang kasal. Kaya gusto niyang hanapin kung nasaan ito.  Yun na lang ang pinanghahawakan niya para hindi masaktan nang husto.

Ngunit hindi niya pa rin maiwasang isipin nab aka nga sa kanya ito nanggaling. Na ayaw nitong makasal sa kanya. Pero bakit? May mahal na ba siyang iba? Impossible. Sa kanilang relasyon, ramdam niyang siya lang ang babae ni Dione. Masaya pa nga sila this past few months. Never siyang naging cold sa relasyon nila. Palagi silang may communication dahil alam niyang yun ang pinaka-importante sa relasyon. Palagi nilang tine-text ang isa’t isa kung nasaan sila o di kaya magkasama sila. Maliban na lang sa tatlong araw na pinagbawalan silang mag-communicate sa isa’t isa batay sa pamahiin.

Minsan tuloy naisip niyang sisihin ang pamahiin na iyan. Kung sana nagkita’t nag-usap sila sa tatlong araw na iyon, malalaman niya kung ano ang ginagawa at problema nito. Pero dahil iyon ang gusto ng mga pamilya nila, pumayag na lamang sila. Nababaliw na siya. Nababaliw na siya kung alin ang paniniwalaan niya. Kaya kailangan niyang makita si Dione. Kailangan  niya itong makusap. Pero paano? Ayaw siyang payagan ng mga magulang niyang umalis. Pero susubukan niya.

Agad siyang bumangon at nag-ayos ng sarili. Nagsusuklay na siya ng buhok at hinarap ang sarili sa salamin ng may naisip.

“Kung magkita’t magkausap kami,makakaya ko kayang marinig ang mga sasabihin niya?” Napatigil siya sa kanyang ginagawa at napaluha sa naisip. Kaya ba niya? Kaya na ba niyang harapin ito?

#ms.L♡

The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon