Magmahal ka ng plastic wag sa babasagin
Ang babasagin pag nahulog nawawasak.
Ang plastic pag nahulog tatalbog at lilitaw.
Pero pag nasunog, ang baho, parang siya
-ms.L_______________________________________
Nagising si Hafsah dahil sa ingay na naririnig sa paligid. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. Nagtaka siya dahil nasa isang hindi pamilyar na kwarto siya. Magsasalita sana siya ng nilapitan agad siya ng kanyang ina.
“Anak, okay ka lang ba? May sakit ba saiyo?” pag-aalala ng kanyang ina sa kanya. Unti-unti niyang ginalaw ang kanyang katawan para bumangon ngunit naramdaman niya ang sakit sa kanyang mga paa. Agad naman siyang dinaluhan at inalalayan ng kanyang ina para makaupo ng maayos.
“Anong nangyari mom? Anong ginagawa ko dito?” tanong niya rito na nalilito pa rin sa nangayayari.
“I should not be here. Kasal ko ngayon” patuloy niya sa pagsasalita at sinubukang umalis sa kama ngunit sadyang ayaw gumalaw ng kanyang mga paa at nabibigatan siya kaya napasigaw na lamang siya sa sakit.
Dahil sa pag-aalala ng kanyang ina, tumawag ito ng nurse at pumasok naman agad ang mga ito. Inayos siya sa pagkakaupo at tinurukan ng gamot at lumabas na. Lumapit ang kanyang ina ng masigurong humanahon na siya.
“Anak, nabangga ang iyong sasakyan sa isang puno. Malakas kasi ang pagpapatakbo mo at wala ka pa sa tamang lane. Nakasalubong mo ang isang delivery truck at bumusina siya sayo. Mukha naman daw narinig mo kaya kinabig mo ang manibela. Kaya imbes sa kanya sa mabangga, nabangga ka sa malaking puno.” Mahabang paliwanang ng kanyang ina.
Muling inalala ni Hafsah ang lahat. Lahat ng nangyari sa araw na ito. Pati na ang puno’t dulo kung bakit siya ngayon nandito sa ospital. Mabuti na lang at siya lang mag-isa ang nasaktan. Kung nagkataon na nadamay niya ang truck driver, hindi na niya alam ang gagawin. Madali pa naman siyang makonsensya.
Bigla na lang niyang naramdam ang pag-agos ng kanyang mga luha. Muli naman niyang naramdaman ang sakit. Ang sakit na hindi niya alam kung magagamot pa. Ang sakit ng kanyang puso.
“Paano niya nagawa sa akin ‘to? Akala ko mahal niya ko? Akala ko okay na ang lahat? Hindi ba ito ang gusto naming? Ito ang pangarap namin? Anong nangyari?”
Humagolhul siya ng iyak habang pinapatahan ng kanyang ina ng pumasok ang kanyang ama na may tinatawagan sa telepono nito.
Siya si Hafsah. Nag-iisang anak nina Hamina at Samuel de los Reyes. Siya ang natatanging prinsesa at tagapagmana ng de los Reyes Company. Parehong pagnenegosyo ang trabaho ng kaniyang mga magulang. At inaasahan na siya ang tagapagmana ng lahat ng ito. Bilang tagapagmana, marami ang nag-uukilkil sa kanyang buhay, lalo na ang kanyang personal na buhay. Kaya hindi siya magtataka kung kalat na sa social media ang eskandalo tungkol sa kasal.
Natapos ang pag-uusap ng kanyang daddy sa phone nito at agad na lumapit.
“Dad, where’s Dione? Pinahanap niyo ba siya?”
Lumingon ang kanyang ama sa kanyang ina bago siya sumagot.
“Take a rest anak. You need it”
“No Dad! Answer me! Where is he now?!?” napataas na rin ang kanyang boses dahil sa pangyayari.
Napabuntong-hininga ang kanyang ama.
“He’s gone.”
“What do you mean?”
“Anak, mabuti pang magpahinga ka muna. Kailangan mo yun.” alo sa kanya ng kanyang ina“Mom, hindi niyo ko naiintindihan eh. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.” Tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ang naramdaman niya sa kanyang pisngi ngunit binalewala niya ito.
”All my life, siya lang ang lalaking minahal ko. Siya lang ang gusto kong makasama habang buhay.”
“’Yan ang problema sa’yo” matigas na sabi ng kanyang ama na nagpatigil sa kanya
“What do you mean dad?” kunot-noong tanong niya sa ama
“Samuel, pagpahingahin mo muna natin ang bata” pigil ng kanyang ina dito
“No mom. Hayaan mo si daddy. Now dad tell me. May mali ba sa amin ni Dione? May mali ba sa pagmamahalan namin?”
Tinitigan niya ang kanyang ama na tila nagpipigil. He sigh and look at her directly.
“Dahil sa pagmamahal na iyan, you close your door to the both of you. Hindi mo na nga napapansin kami ng mommy mo. Hindi mo naisip ang nararamdaman namin. You decide for your own without considering us” napalakas na rin ng boses ang kanyang ama. “You’re mom always sleep late just to wait for your arrival at home from nowhere kasama ang lalaking yan. You did not touch the food your mother prepared for you during breakfast dahil nagmamadali kang umalis because Dione is already looking for you. You haven’t text or call us kung nasaan ka. Nag-aalala din kami sayo. I know your that responsible, pero anak ka pa rin namin at mga magulang mo pa rin kami”
Natigilan siya sa mga narinig mula sa kanyang ama. Hindi niya namalayan na ganyan na pala ang kanyang nagawa. Hindi niya alam na nasasaktan na niya ang kanyang mga magulang. Paano pa kaya ang kanyang mga kaibigan?
“Anak, I know you love him that much. Pero nak, It’s too much. Kaya tayo nawawalan eh, dahil sobra din yung binigay natin. Love is like fetching a pail of water. Dapat sakto lang ang laman. Dahil kung sobra, aawas ang tubig. At hindi natin namamalayan na ang umawas ay ang ating pinapahalagahan” emosyonal na payo sa kanya ng kanyang ina.
Hinawakan niya ang palad ng kanyang ina at pinisil iyon. Naiintindihan niya ang mga sinabi nito. Naiintidihan niyang nasasaktan rin ito sa kanya ngayon. Pero may parte sa kanyang puso ang naghahangad na salitang hindi niya maintindihan.
“Kung ganun, ang babaw naman niya. Iniwan niya lang ako dahil sobra ang pagmamahal ko sa kanya? And leaving me with that paper?” Napahinto siya ng maalala ang papel na iniwan nito para sa kanya. “Mahal niya ba talaga ako? O sadyang andamin niyang inigib na tubig kaya iniwan niya ang isang balde sa simbahan at sumama sa isang balde! Shit ang sakit! Ang sakit sakit mom. Ang sakit sakit dito” umiiyak niyang sambit sabay turo sa kanyang puso. Pusong durog na durog na nagpapabaldado sa kanyang buong sistema. Agad naman siyang niyakap ng kanyang ina.
Kapag ang puso nawasak, buong sistema ang magma-malfunction. Yung buhay ka pero hindi mo alam kung paano gumalaw dahil naiisip mong sa tuwing may igagalaw ka makakadagdag sakit yun sayo. Na kahit ang mga mata mo ayaw mong igalaw dahil baka makita mo siyang may kasamang iba. Na kahit yung utak mo pinipigilan mong wag mag-isip dahil bumabalik lang ang mga ala-ala ninyo. At ang tanging humahawak na lang sa buhay mo ang paghinga dahil naiisip mong tanging hangin na lang ang hindi nang-iiwan ngayon.
#ms.L♡

BINABASA MO ANG
The Past
General FictionEvery story ends with happy endings. Yet, it's up to you, how to define happiness in your life. Hafsah and Dione have been in a relationship since 1st year High School. They are perfect couple. They've been together through ups and downs. Their par...