Alam mo, para kang bagyo
Dumating ka na hindi ako nakapaghanda
At umalis ka’t iniwan mo akong sirang-sira
-ms.L_______________________________________
Ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nakikita ni Hafsah ni anino ni Franz. Hindi rin ito nagre-reply sa mga pangungumustang text niya. Nahihiya naman siya tumawag dito dahil baka nakakadistorbo siya rito kaya nakuntento na lang siya sa pag-iisip na baka nga malaki ang problema nito sa kompanya nito. Noong isang araw ay pumunta siya sa Glenn coffee shop at wala siyang nkikitang bakas na may problema ang coffee shop. Sa tinagal-tagal at pabalik-balik niya roon halos masaulado niya ang mga trabahante doon kaya wala siyang napapansin na may natanggal sa mga ito.
Bumaba siya at pumunta sa kusina kung saan nakita niyang nagbe-bake ang mommy niya. Ilang araw na din ang mga ito kasama niya. Sabi nila they will stay here for one week para makasama siya at saka uuwi ang mga ito ng Pilipinas. Minsan na rin tinanong ng mga ito kung kalian siya uuwi dahil ipapakilala na daw siya ng mga ito bilang CEO ng kompanya nila. Nilapitan niya ito at tiningnan niya ang mga muffins na gawa nito. Kumuha siya ng isang luto na at tinikman ito.
“hmmm, Mom, still your muffins are more delicious than others” puri niya sa natikmang muffins nito. Mula noon hanggang ngayon ito pa rin ang kinahihiligan ng mommy niya sa tuwing nasa bahay silang tatlo.
“At mambobola ka pa rin. Nagmana ka talaga sa ama mo” sabi nito sabay lingon sa daddy niyang nasa dulo ng lamesa pala at nagbabasa ng magazine. Napalingon naman ito sa kanila ng marinig na sinali ito sa usapan.
“Ba’t naman ako nasali sa usapan niyo? Tahimik lang ako dito” painosenteng sabi ng kanyang daddy habang nakangiti.
“Binola mo kasi si mom dad” tukso niya sa ama na ikinatawa lang ng kanyang mommy.
“Nagpabola naman siya kaya hindi ko na kasalan yun” sagot ng dad niya na ikinatawa nilang tatlo. Napuno ng tawa ang kusina at patuloy sa tuksohan hinggil sa nakaraan ng kanyang mga magulang.
Tinulungan niya ang kanyang mommy sa paglinis at paghain ng mga muffins sa lamesa at sabay silang kumain sa ginawa ng mommy niya. Naputol ang kanilang kasiyahan ng pumasok si Nanay Sophia.
“Hafsah, may bisita ka” balita ni Nanay Sophia at lumabas din ng kusina. Dali-dali siyang tumayo at pumuntang sala. Kahit hinidi sabihin ni Nanay Sophia kung sino ang bisita niya, inaasahan niya ito nga ang bibisita. At nang makarating sa sala ay ngumiti siya ng malawak ng makita ito. Tumayo naman ito ng makita siya.
“Hi” bati nito sa kanya
“Hi. Long-time no paramdam” balik bati niya rito na may kasamang tampo
“Sorry for that. Umuwi kasi ako ng Pilipinas” paliwanag nito na ikinabigla niya. Magtatanong pa sana siya ditto kung bakit ito umuwi ng Pilipinas ngunit pinigilan niya ang sarili. Mas lalong nadagdagan ang tampo niya rito. Kung noon, nagpapaalam ito sa kanya kapag uuwi ng Pilipinas, ngayon kahit sa text hindi nito nagawang magpaalam sa kanya. Bigla tuloy siyang napahiya sa sarili ng maisip na wala siyang pinanghahawakan dito kaya wala siyang karapatang umusisa dito.
“Ah ganun ba” malungkot na tugon na lamang niya rito
“Franz, ikaw pa lan yan.” Tawag ng mommy niya na lumabas din pala. “Hafsah, bakit hindi mo sinabing si Franz pa lang ang bisita mo. Hali ka iho, Join us. Nag-bake ako ng muffins, samahan mo kaming kumain” aya nit okay Franz at hinatak ito papasok ng kusina.
Naiwan siya sandali sa sala. Nakatayo at sinusuri ang sariling damdamin. Ganito pa la ang pakiramdam ng mag-isang nagmamahal. Yung gusto mong magtanong sa mga whereabouts nito matapos ang ilang araw na hindi sila magkita. Ganito pa lang ang pakiramdam ng magselos na walang karapatan. Yung hindi moa lam kung saan mo ilulugar ang sarili mo sa kanya. Napayuko na lamang siya at bumalik sa kusina. Umupo siya sa tabi ni Franz habang nasa harap niya ang mommy niya at nasa dulo ang dad niya.
Nagkwentuhan ang dad niya at si Franz tungkol sa business at minsang sinasali siya ng mga ito. Sinabi rin ng ama niya na siya ang papalit sa posisypon nito balang-araw. Ang mommy naman niya ang kinukwento ang mga hilig niya at mga past experience niya na may halong pagyayabang. Siya naman ay tahimik lang na kumakain ngumingiti sa mga ito. Naramdaman niya ang miminsang pagtitig sa kanyan ni Franz at paghawak ng isang kamay niya na nakapatong sa lamesa at pinisil ito.
“Ahm, ma’am, sir, gusto ko sanag ipagpaalam si Hafsah sa inyo. Plano ka kasing ayain siyang lumabas bukas kung okay lang po sa inyo” magalang na sabi nito sa kanyang mga magulang na ikinabigla niya.
Ang mga magulang niya ay nagulat din ngunit ngumiti naman. Ang mommy niya ang unang nakabawi sa pagkabigla at nagsalita.
“Okay lang iho. Just take care of our daughter” masayang sabot ng mommy niya. Nilingon naman ni Franz ang kanyang daddy na tumango at ngumiti lang.
“Thank you. And I promise to take care of your daughter. Iuuwi ko po siyang walang gasgas”
“Anyway Princess, the day after tomorrow, babalik na kami ng mommy mo sa Pilipinas. And hindi na siguro kami masyadong mag-aalala sayo dahil nandito si Franz” pag-iiba ng daddy niya sa usapan
“Dad naman” saway niya sa daddy niya na ikinapula ng pisngi niya at ng mapansin ng mga ito ang pulang pisngi niya ay sabay lang silang tumawa na mas nakadagdag ng hiya niya. Naramdaman niya ang pagpisil ni Franz sa kamay niya kaya lumingon siya rito at nakita ang ngiti nitong na-miss niya. Gumaan ang pakiramdam niya at sinuklian din ito ng matamis na ngiti.
Matapos nilang kumain ng muffins, pumunta sa veranda ang daddy niya at si Franz habang tinutulungan niya ang mommy niyang magligpit sa kanilang pinagkainan. Sa tuwing sila ang magkasama at nasa bahay, sila ang gumagawa ng gawaing-bahay imbes na ang mga katulong nila. Kasulukuyan siyang naghuhugas ng pinggan habang ang mommy niya ang nag-ayos ng lamesa. Unang natapos ito kaya sumunod ito sa kanyang daddy na nasa veranda.
Nang matapos siya sa ginagawa, nagpunas siya at napagpasyahan na umakyat rin sa may veranda at makisali. Nasa dulo na siya ng hagdan ng marinig ang halos pabulong na pagsasalita ng tatlo. Nagtataka man kung bakit nagbubulongan man ang mga ito kung kaya binilisan niya ang paglakad para marinig ang pinag-uusapan. Nasa pasilyo na siya at lalapit n asana sa mga ito nang marinig ang kanyang pangalan sa pinag-uusapan, kaya huminto siya at sumandal sa pader.
“Hindi ko nagustuhan na napapalapit ka ng husto sa anak ko Franz. Wala ‘yan sa usapan” matigas na sabi ng kanyang daddy na nagpakunot ng noo niya
Ayaw niyang mapalapit ako kay Franz? Akala ko okay lang sa kanila? At anong usapan, may usapan sila?
#ms.L♡
_______________________________________
Vote and comment please 😘😘😘
Any questions, suggestions? Hahaha

BINABASA MO ANG
The Past
Ficção GeralEvery story ends with happy endings. Yet, it's up to you, how to define happiness in your life. Hafsah and Dione have been in a relationship since 1st year High School. They are perfect couple. They've been together through ups and downs. Their par...