4- Ako Lang

16 2 0
                                    

Ang magmahal ng mag-isa ay parang
pag solve ng problem sa math
Kahit ano pang solution ang gamit mo,
kung hindi yan ang hinahanap niya, mali pa rin
hahahahaha
-ms.L

_______________________________________

Isang Linggo ng nagkukulong si Hafsah sa kanyang kwarto. Lalabas lang siya kung kakain o mag-uusap ng kanyang mga magulang. Minsan naman, dinadalhan na lang siya na pagkain sa taas dahil sa dami ng kanyang ginagawa. Matapos ang Sagutan nila ng kanyang ama sa hapag, pumayag sa Hafsah na pag-aralan ang kompanya sa isang kondisyon. Hindi siya lalabas ng bahay. Naintidihan naman iyon ng kanyang mga magulang. Iniisip ng mga ito na iiniiwasan niya ang bulung-bulungan ng mga tao tungkol sa naudlot na kasalan.  Kaya ngayon nasa kwarto siya palagi habang pinag-aaralan ang pagpapatakbo ng komapanya. Sa loob ng isang linggo, aaminin niyang hindi pa sapat ang araw na iyon para mapatakbo niya ang kompanya. Nakapagtapos nga siya sa kolehiyo ng Business Management sa Ateneo de Manila, pero hindi sapat ang kanyang natutunan para dito.

Binitawan niya ang mga hawak na papel at hinilot ang kanyang sintido ng biglang pumasok ang kanyang ina bitbit ang tray na may lamang pagkain.

“Anak, pahinga ka muna. Eto oh nagdala ako ng pagkain para saiyo” sabay lapag sa may bedside table niya ang tray na bitbit nito.

“Thanks mom” pagpapasalamat niya sa ina at hinalikan ito sa pisngi.

“May maitutulong ba ako saiyo?” sabi nito at tumabi sa kanya sa kama. Tiningnan nito ang mga papel sa nasa gilid niya habang ang laptop niya ay nakapatong sa dalawang hita niya. Binigyan siya ng kanyang ama ng laptop para pag-aralan ang mga sales ng kompanya. Nasa laptop kasi ito. At ang mga papel naman na nasa gilid niya ay ang background ng kompanya, ang stakeholders, rights, proposals noon, at kung anu-ano pang tungkol sa kompanya.

Maybe mom. Hindi ko masyadong mainitindihan ang mga ito. Bigay ito sa akin ni daddy kahapon pag-uwi niya. Hindi ko alam na ang ibang subdivision natin ay hindi matutuloy sa pagbuild dahil hinarangan ng board? Why?” pag-aalalang tanong niya sa kanyang ina habang inaabot dito ang papel na binigay sa kanya ng daddy niya kahapon.

Bumuntong-hininga ang kanyang ina at may kinuhang papel sa gilid niya at umupo doon. Nababasa niya tuloy sa mukha niyto na problema sa kompanya nila ang nangyayaring ito.

“Look at this anak” sabay kuha sa isang papel na nasa gilid. Tiningnan naman niya ang papel na hawak nito.

“Our company has investors. Bawat isa sa kanila ay may mga shares sa kompanya natin. 5% kay Mr. Fujinami, 15% kay Mr.Endrina.15% kay Mrs. Fuerzas, 30% kina Dione at ng pamilya niya, at ang natira ay sa pamilya natin. Lahat sila ay may say sa mga desisyon sa kompanya. Lalo na ang pamilya ni Dione since sila ang second to the highest shares. Sa ngayon, ang subdivision na sinasabing hinarangan ay yung sa Tagaytay.” Paliwanag ng kanyang ina na nagpadagdag sa kanyang kalituhan.

“Bakit po nila hinaranangan? Mas mabenta nga doon sa Tagaytay dahil refreshing. Malamig. Malayo sa pulosyon. At sino po sa mga investors ang humarang?” tanong niya ulit sa kanyang ina. Nakita niyang nagdadalawang-isip ang kanyang ina sa pagsagot at hindi halos makatingin sa kanya. Kaya hinawakan niya ang kamay nito. "Mom?"

Bumuntong-hininga ang kanyang ina bago sumagot. Siya naman ngayon ang humawak sa kanyang kamay na para bang binibigyan niya ako ng lakas.

“Anak, hinarangan ng pamilya nila Dione ang pagpapatyo ng subdvision doon. Sabi nila mas nakakabuting humanap tayo ng ibang lugar na pagtatayuan basta huwag lang daw sa Tagaytay.”

Huminto ito sa pagpapaliwanag ng ilang sandali.

“Bakit mom? Gusto ba nilang malugi ang kompanya? Kasama din sila sa malulugi.”

“Hindi naman anak. Sadyang....” bumuntong-hininga ulit ito saka pinagpatuloy ang pagsasalita.“Sadyang ayaw nilang mgapatayo doon sa lupa dahil bibilhin nila iyon sa atin. Tayo ang nakabili ng lupa pero gusto nilang bilhin iyo dahil gagawin daw nilang rancho. Bahay-bakasyunan o maari daw permanenteng bahay.”

Biglang uminit ang kanyang ulo sa narinig at tumayo.

“What? So ganoon na lang iyon? Bibilhin nila para sa sariling interes? Paano tayo? Paano ang negosyo? Hahanap ulit tayo ng prospect na lupa? Sobrang tagal na proseso nun! Hindi ba nila naisip iyon? At saka ang dami na ng bahay-bakasyunan nila tita. Nasa Baguio, sa Davao, sa Cebu, kahit sa Cagayan de Oro. Pati ba naman sa Tagaytay? They can’t do this us mom!” Galit na sabi niya sa kanyang ina.

Mayaman din ang pamilya nila Dione. Ang ama nito ay isang engineer at sila din ang pinakakatiwalaan ng kanyang ama as contractor na rin sa kanilang mga subdivision. Mayroon silang sarilng engineering firm. Maliban sa kanilang kompanya ay may iba din silang kompanya na hinahandle. Kaya kahit pa malugi ang kompanya nila hindi pa rin maghihirap ang mga ito.

“Alam kung ‘yan ang iisipin mo anak. But, believe it or not ginawa nila ito para sa atin. Lalo na para sayo.”  Paliwanag nito na hindi tumitinag sa kama.

“Para sa akin?” kunot-noong tanong niya rito. Hindi ito sumagot at tumango lamang.

“May hindi ba ako alam mom?” mahinahon niyang tanong sa ina na halos hindi makatingin sa kanya.

“Sa Rancho na iyon, doon titira si Dione...” tumingin ito ng diretso sa kanya, na parang hinihintay ang kanyang magiging reaksyion. “..at ng kanyang buooing pamilya.”

“Anong sabi mo mom? Si Dione at ng kanyang booing pamilya? You mean? He’s planning for our family?” nakangiti niyang sabi sa ina na parang nabuhayan ng loob.

“Anak, stop it. It’s not you.”

“Stop what mom?”

“You’re not the girl.” Tumayo na ito at akmang lalapitan siya pero bigla naman siyang naging hestirical.

“What? HAHAHAH mommy. You’re so funny. HAHAHA mom I can’t believe it na pinagplanuhan ito ni Dione at ng pamilya niya.”

“Anak please stop. Itigil muna to. Masasaktan at masasaktan ka lang ulit.”

”No mom. I think this is the right time para kausapin ko siya. Para mag-usap kami about what happen and about us”

“Akala ko anak, you’re…. you’re.  My God Hafsah stop it!” Sigaw ng kanyang ina  na makitang magbibihis siya. Napatigil naman siya sa sigaw nito at nagulat siya sa nakitang galit sa mukha nito. Tinatagan niya ang sarili at humarpa dito.

“Masasaktan talaga ako ulit mom dahil sa joke niyo! I’m the girl. Walang iba! Wala siyang ibang babae na ibabahay doon kundi ako lang! Ako Lang mom! Ako lang!”

Isang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Sinampal siya ng kanyang ina. She can’t believe it. Ito ang unang pagkakataon na sinaktan siya ng kanyang ina. Napahawak siya sa kanyang pisngi na humahapdi at maluha-luhang tumingin rito.

“Im sorry anak.” Hinging tawad nito habang tinitingnan ang hawak niyang pisnging namumula. Hindi niya kaya ang manatili sa silid na ito ng matagal. Patakbo siyang lumabas ng kwarto dala-dala ang kanyang sling bag. Dirediretso siya sa garahe at agad na pinaadar ang kanyang sasakyan. Tinatatawag siya ng kanyang ina pero ang nasa isip niya ngayon ay makaalis.





#ms.L♡

The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon