Gumagabi na hindi pa rin umuuwi si Hafsah. Hindi niya alam kung saan pupunta. Ang alam lang niya gusto niyang magpakalayo. She stoo her car from nowhere habang umiiyak pa rin.
"Hes mine. Ako lang dapat. Ako lang." Humagulhol si Hafsah sa loob ng sasakyan.
"Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ka sumipot sa kasal? Sorry kasi may iba ka? At ano 'yun, habang tayo kayo rin? Walang hiya ka Dione! Walang hiya ka! At balak mo pang ipabagsak ang kompanya namin! Go to hell! Hinding hindi ko papayagang gawin mo yun! No way!" Umiiyak habang sinasapak ni Hafsah ang manibela na naglilikha ng ingay sa labas.
"Tama sila daddy. You left me with nothing. Yung puso ko kinuha mo, pati ba naman ang negosyong pinaghirapan ng mga magulang ko!"
Nadisturbo sa kaiiyak si Hafsah ng may narinig siyang kumakatok sa kanyang bintana ng sasakyan. Pinunasan niya ang luha saka hinarap ang kung sino man ang nasa loob.
"Hi, any problem with your car?" Tanong ng isang lalaking nasa labas. May ngiti itong nakakawala ng problema at hindi maipagkakaila na ang lakas ng dating nito.
"Hey! You're spacing out." Gising sa kanya ng lalaki.
Bigla siyang namula sa narinig. Sana naman hindi niya nahalata na ito ang dahilan.
"Ahm nothing." Nauutal-utal na sagot niya rito.
"Are you sure? Kanina kapa kasi busina ng busina. You're distracting us you know." Sabi nito sabay turo sa pinanggalingan nito. Sinundan niya ang tinuro nito. "Club Ishi". So, ang lalaking ito ay galing sa club na iyan. Tumaas ang kilay niya at muling hinarap ito.
"Oh I'm sorry mister kung na nakaka disturbo ako."
Magsasalita sana ang lalaki pero napaatras ito dahil binuksan niya ang pintuan ng kotse at dali-daling pumunta sa loob ng club.
Pumasok siya agad ng club kahit na medyo nagtataka ang mga bouncer na nagbabantay. Dumiretso siya sa counter.
"Isang beer please." Hingi niya sa isang bartender at agad naman siyang binigyan.
Nilagok niya ang isang beer at nalasagan ang pait niyon. It's her first time. First time niyang uminom sa buong buhay niya. Sa isip niya, gagawin niya ang mga bagay na hindi niya magawa noon para makalimutan si Dione.
Nakadalawang bote na siya ng beer ng may umupo sa tabi niya. Nakita niyang umorder din ito sa bartender pero alam kung mas hard drinks ang sa kanya.
"First timer huh" sambit ng lalaking nasa kanyang tabi at sinulyapan niya naman ito. Ito yung lalaki kanina sa labas.
"It's none of your business" pagtataray niya.
"Hahaha. It's my business." Sagot nito na tumatawa.
Napakunot-noo sa sinabi nito. Ilang sandali pa'y nakuha na niya ang nais ipahiwatig nito."Oh. So you own this business."
"Yes! I build this....." nilagok nito ang alak na nasa basi nito saka pinagpatuloy ang sinabi. "because of the girl i love the most"
Tinitigan niya ito at nakita niya ang sakit sa mga mata nito. Gusto niyang haplusin ang mukha nito pero pinigilan niya ang sarili. Nasasaktan siya para dito.
"So I bet she's Ishi." Bulong niya rito.
"Yes. She's Ishi. .........my Ishi". Sabi nito na hindi niya inaakalang narining nito ang bulong niya. Tinungga na lang niya ang beer na nasa harap kaysa magsalita pa dito. Ayaw niyang dagdagan ang sakit na nararamdaman nito. At mas lalong ayaw niyang masabi dito ang kanyang kinahihinatnan.
Bigla itong nag-iba ng posisyon. Nakaharap na siya sa mga sumasayaw sa gitna habang siya ay nakaharap pa rin sa bartender.
"I'm Franz" pagpapakilala nito sabay habang nakatingin pa rin sa mga sumasayaw. Ang tindi rin ng apog ng lalaking ito. Nagpapakilala na nga lang, hindi pa nakatingin sa akin at walang pang inabot na kamay.
Pinagpatuloy na lang niya ang pag-inom ng beer hanggang sa sumakit na ang kanyang ulo. Napagdesisonan niyang umuwi na. Wala siyang mapapala dito.
Palabas na siya ng club ng may humablot sa kanyang braso.
"Hey miss. Huwag ka namang bastos. Nagsasalita pa ako raoos bigla ka na lang nawala"
Napataas ang kilay niya rito at pinaalis ang kamay nito na nakahawak sa kanyang braso.
"Ako pa ngayon ang bastos? Really huh?"
"Yes you are"
Binaling na lang ang tingin sa iba dahil hindi niya kayang titigan ang tingin nito na para kinukuha ang kanyang kaluluwa.
"Ah oo nga pala. Nagpakilala ka kinana tapos may mga sinasabi ka. Tama?"
"The hell Yes! Alam mo naman pala!"
"Oo alam ko. Pero hindi ko alam na ako pala kausap mo."
"What? Tayo lang nakaupo doon tapos...." sabi nito na parang nahihirapan sabay sabunot sa kanyang sarili.
"Malay ko ba naman kung kinakausap mo ang sarili mo o kaya...." tinigil niya ang pagsasalita at hinarap ito na parang natatakot. "May nakikita kang multo!" Biro niya rito. Nakita naman niya na effective yun dahil sa pagkakunot ng noo nito na may halong inis. Sinamantala niya ito at tumalikod na. Dirediretso siya papuntang sasakyan niya na nakangiti.
Ang cute niyang mainis. Hahaha
Napatawa siya sa sariling naisip. Ngunit bigla ding nawala nang maalala niyang kailangan na niyang umuwi sa bahay. Haharapin na naman niya ang katotohanang wala na si Dione sa buhay nito. Magsisimula na naman siya sa wala.
Mula ng mawala si Dione sa buha niya, lahat ng meron siya sa palagay niya ay nawala. Everything is gone
#ms.L♡

BINABASA MO ANG
The Past
General FictionEvery story ends with happy endings. Yet, it's up to you, how to define happiness in your life. Hafsah and Dione have been in a relationship since 1st year High School. They are perfect couple. They've been together through ups and downs. Their par...