3 - Magkikita

20 2 0
                                    


Ang pag-'asa' para lang sa panahon,
hindi sa nararamdaman.
-ms.L

_______________________________________

Bumalik siya sa kanyang kama at doon hinayaan ang sarili na umiyak ng umiyak. Hindi niya kayang tingnan ang kabuuan ng kwarto niya. Wala na. Wala na ang mga picture frame nila ni Dione sa buong kwarto. Lahat ng iyon ay tinago ng kanyang ama. Yun na lang ang natira sa kanya, nawala pa. Yun yung nagbibigay sigla sa kanyang araw. Sa paggising niya, titinganan niya lang ito, may ngiti na na nakaguhit sa kanyang labi. Sa gabi, bago matulog at kada- hatid sa kanya ng nobyo pauwi, tinitingnan niya ito at nakangiti siya sa kanyang pagtulog. Yun na lang ang pinaghahawakan niya ngayon. Wala na nga si Dione, mawawala ba pati ang mga alaala nito?




Gumising si Hafsah na masakit ang ulo. Bumangon siya at dumiretso sa banyo para mag mumog. Nang makita niya ang sarili sa salamin, naalala niyang umiiyak pa la saiya ng husto kagabi kaya halos hindi na niya makilala ang sarili dahil sa eyebags niya. It's been two weeks pero ganito pa rin ang nakagawian niyang gawin. Gigising na may eyebags dahil sa kakaiyak. Magkukulong sa kwarto at magmukmok. Nakakalimutan na nga niyang kumain kaya pinapadalhan na lang siya ng mommy niya ng pagkain. Minsan ito ang nagdadala sa kanyang pagkain at kinakausap siya ngunit iniiwasan niyang makipag-usap rito. Alam niyang kukumbinsihin lamang siya nitong kalimutan si Dione.

Naramdaman niyang humapdi ang kanyang tiyan kaya bumaba siya papuntang dining para mag breakfast. Naabutan niya ang mommy niyang naghahanda ng almusal.


"Mom" tawag niya sa ina na humarap sa kanya ng marining siya nito.

"My God! Anong ginawa mo sa sarili mo anak? Look at yourself. Ang laki ng eyebags mo." may pag-aalalang sabi ng kanyang ina at iniwan ang niluluto para lapitan siya.

"I'm okay mom."

"No you're not, look at you. Dapat kasi hindi mo na iniiyakan yan, dapat kasi...."

"Mom please. I'm hungry." Putol niya sa iba pang sasabihin ng kanyang ina at umupo para kumain.

"Okay okay. Maupo ka na diyan at ipapatawag ko ang daddy mo para sabay na tayong kumain." Agad itong lumabas ng kusina para tawagin ang kanyang ama. Bumalik ito kasunod na nito sa daddy. Nasiupo sa kami at nagsimulang kumain.

Tahimik ang hapag-kainan at ang tanging naririnig ay ang tunog ng pinggan. Napapansin din niya ang maya'tmayang pagtitig sa kanyang ama pero binalewala niya ito at tinapos ang pagkain.
Tapos na siyang kumain kaya akmang tatayo na siya ng magsalita ang kanyang ama.

"You dress well today. Isasama kita sa kompanya." Sabi nito habang hindi tumitingin sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain.

"What for dad?" sagot niya rito na hindi binanawi ang tingin dito.

"Kailangan mo ng pag-aralan ang pagtatakbo ng kompanya. Sooner or later, ikaw na ang magmamahala doon"

"Not now dad please. Hindi ko pa kaya."

"At kailan ka magiging handa Hafsah?! Kapag nakalimutan mo na siya? Kailan yun? Eh di ba wala kang balak mag-move-on! Plano mo lang ba anak na magmukmok sa kwarto mo habangbuhay? Paano kami ng mama mo? Ang mga tao umaasa sa atin?!" galit na sabi ng kanyang ama na nagpatigil sa kanya. Alam niyang galit ito dahil tinawag siya nito sa pangalan niya.

"Samuel, hayaan mo muna ang anak natin" pagpigil ng kanyang ina sa kanyang ama habang nakawahak sa braso ng ama.

"Sige anak, umakyat ka muna sa taas" payo ng kanyang ina.

Tinanguan lamang niya ang kanyang ina at tumalikod. Nasa bukana na siya ng dining ng biglang nagsalita muli ang kanyang ama.

"If you're hurt, kami din. Kami din ng mama mo nasasaktan para saiyo. Ang gusto lang namin maging masaya ka. Hindi sa ganitong paraan anak." Mahinahong saad nito at tumayo.

"I'll give you the company. Pag-aralan mo. After that pwede mo ng gawin ang gusto mo. At pinapaalala ko lang sayo, Dione's family owns 30% shares of the company. And I heard na siya ang papalit sa kanyang ama. So, expect na magkikita kayo sa every meeting ng board. That's the only thing I can help. From there, malalaman monang buing katotohanan sa inyo ni Dione. Take it or leave it." Saad ng kanyang ama na nagpatigil sa kanya. Sa hinaba-haba ng sabi ng kanyang daddy, isang linya ang paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang isipan.

"..magkikita kayo sa every meeting ng board"
"..magkikita kayo"
"..magkikita kayo"

"I know sarado ang isip mo sa mga payo ng iba. Hindi kita masisisi. I don't even know if that's good or bad. Good dahil that means hindi ka basta basta nagpapaniwala sa sinasabi ng iba. Or bad dahil binabaliw mo lang ang sarili mo."

"Samuel..." magsasalita pa sana ang kanyang ina ng itinaas ng kanyang ama ang kamay nito hudyat na pinipigilan ito ang nagsasalita.

"Well maybe this is enough, enough from the both of us of your mom. Kahit ano pa ang advice namin sayo at the end, ikaw lang din ang masusunod. " huling sabi nito at tumayo rin at naglakad palabas ng bahay.

Bumigat ang kanyang pakiramdam sa kanyang nakitang umalis ang daddy niyang may sama ng loob sa kanya. All of her life, ngayon lang sila nagkaganito ng kanyang mga magulang. Never siyang pinagalitan ng mga ito. Noong bata pa siya, palagi siyang tinuturing na prinsesa. Iniingatan at binibigay sa kanya ang kanyang gusto. Hindi naman siya spoiled dahil tinuruan din siya ng mommy niya maghintay sa tamang panahon. Gaya na lang mga laruan niya. Gusto niyang magkaroon ng maraming laruan kahit marami na siya nun sa bahay. Kaya lagi siyang pinagsasabihan ng kanyang ina na maghintay sa birthday niya para magkaroon siya ng ganoong laruan. Palagi din nitong sinasabi sa kanya na hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya. Grade 3 siya noon ng humingi siya ng sariling cellphone pero hindi siya binigyan kahit pa sumapit ang kaarawan niya. Yun ang dahil hindi daw pwede dahil grade 3 pa siya at hindi pa naman niya kailangan iyon.

Lahat ng payo ng kanyang ina noon ay sa tingin niya'y bumabalik ngayon. Siguro nga kailangan niyang maghintay sa tamang panahon na handa na siyang makaharap si Dione. Hindi pa siguro sa ngayon, dahil maliban sa hindi pa niya kayang marinig ang anuman ang sasabihin nito, hindi rin niya kayang magpakita na ganito siya ka miserable ngayon. O di kaya'y kailangan niya ring isaisip na hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya. Baka nga isa si Dione sa mga gusto niya ngunit hindi niya makuha. Ang pangarap niya na nagmula ng makilala niya ito, sa pagmamahalan nila, sa piling ng isa't isa,sa saya ng pag-iibigan nila, sa mga "I love you's" nila musika sa kaniya, sa mga pangako nila para sa isa't isa. Ngunit ang lahat ay biglang nawala sa isang ihip ng hangin.

"Ang sarap magmahal mag-isa. Lasang tanga" sumbat ni Hafsah sa kanyang sarili.

Naramadam niyang may humawak sa kanyang mga kamay at pinaharap siya rito. Nakita niya ang kanyang inang malungkot at alam niyang siya ang may dahilan nito. Niyakap niya ang ina at doon muling umiyak sa mga balikat nito.


#ms.L♡

The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon