A/N: hokage move muna si Franz huh. Ganyan naman talaga si Franz sa lisyu (it's a school) di ba? Palaging nagmamadali hahaha
Alam mo kung ano ang Buy 1 take 1?
Yung yung magmahal ka, tapos masasaktan din pala
-ms.L_______________________________________
“Were dating”
Paulit-ulit na naririnig niya ang mga sinabi nito kanina sa harap ng mga professors niya. Hindi niya alam kung ano ang maramdaman sa sinabi nito. Dapat ba siyang magalit dahil ganun lang sila o matuwa siya dahil napapahalagahan ang mga paglalabas nila. Kung sa ibang tao siguro sasabihing kaibigan lang sila dahil wala namang kakaiba sa kanila. They just want to be together. And they are happy with each other.
Nakauwi na siya sa bahay nila matapos nilang sabay mag-lunch. Dito na lang siya maghintay sa susunod na klase kaysa mamaysal na mag-isa. Hindi ra kasi ito maaaring magtagal dahil pupuntahan niya ang site ng kaniyang bagong tayong coffee at restaurant. Inihatid siya nito ng maaga at nagpaalam na rin na mawawala ilang araw para umuwi ng Pilipinas. Hindi na raw niya kasi matiis ang lambing ng mommy nito.
Dahil wala siyang magawa, binuksan niya ang laptop niya at nag-facebook. Matagal na rin niyang hindi nabubuksan ito simula ng pinagbawalan siya ng kanyang daddy. Sa pagbukas niya rito ay sunod-sunod na tunog ang narinig niya. Mga notifications ito mensahe. Una niyang pinindot ang messages at nakita ang mga kaibigan niyang nagbigay lakas sa kanya. Ito yung panahon na kinulong niya ang sarili niya dala na rin ng lungkot, sakit at galit sa puso niya dahil sa naudlot na kasal. Napangiti na lamang siya. May mga kaibigan pa rin siyang matuturing.
Pumunta siya sa friend request na may nakalagay na 105 request. Pinindot niya iyo at binasa ang mga pangalan. Ang ilan ay mga kakilala niya pero hindi niya close, ang iba naman ay hindi niya talaga kilala, ngunit ang nagpatigil sa kanya ay ang pangalan ng lalaking nagpapangiti sa kanya ngayon.
Franz Glenn send a friend request
Lumawak ang kanyang ngiti kaya agad niyang pinindot ang “confirm”. Tiningnan niya ang profile nito at mga status na bago pa lamang. Napatigil siya sandali ng makita’t mabasa ang mga status nito.
“We’re dating” unang status nito na may 2hrs ago na nakalagay. Marami ang nag-comment, nagtatanong kung sino daw ang din-date nito. Pero hindi nito iyon sinagot. Nag scroll pa siya sa ibaba at mas lalong nabigla siya sa mga post nito.
Buying some stuffs with babe na may kasama pang picture niya na nakatalikod. Ito yung araw na namimili sila sa mall at hinahanapan niya ito ng long sleeves. Hindi niya alam na kinukunan siya nito ng larawan.
Waking up every morning at eating breakfast with her is romantic (heart emoticon)
The clock is to slow. I’m already hungry --- to see her
Only princess and only queen of my heart
Stolen kiss hahaha
Kinilig siya sa mga nabasa niya. Hindi niya aakalain na may mga lalaking expressive pa rin pala. Marami ang mga nag like sa mga post na ito. Siguro mga kaibigan nito at mga babaeng nagkakagusto dito. May mga comments din naman siyang nababasa pero sa sobrang dami hindi na niya pinansin ang iba. Hindi pa rin siya tumigil at patuloy pa rin sa pagbabasa sa mga post nito ng may mahagip siyang post.
She reminds me of you
Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin sa post na ito kaya nagbasa siya ng ilang comments. May ibang nalungkot, nag advice sa kanya kaya mo yan kuya cheer up, Accept let go and Move-on, be strong, marami pang iba diyan, at may ibang nakikipalandian pa Ako na lang kasi, mas maganda’t sexy ako sa kanya, akin ka na lang hindi kita sasaktan.
Pero may ilang comment na kanyang nabasa at nagpatigil sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Past
Narrativa generaleEvery story ends with happy endings. Yet, it's up to you, how to define happiness in your life. Hafsah and Dione have been in a relationship since 1st year High School. They are perfect couple. They've been together through ups and downs. Their par...