13 - Graduation

3 0 0
                                    

“Repeat after me” game with your crush
Ikaw: Mahal kita
Crush: Mahal kita
Ayeeeeee
-ms.L

_______________________________________

Nasa auditorium ngayon si Hafsah at palinga-linga sa paligid. Umaasa siyang darating ang mga taong inaasahan niyang darating sa araw ng kanyang pagtatapos. Hindi pa rin dumarating ang parents niya, sabi ng mga ito na delayed daw ang flight. 10am magsisimula ang graduation rites nila, napatingin siya sa wristwatch niya at nakita niya 9:30 na. 30 minutes na lang at magsisimula na pero wala pa rin sila. Una pa naming tatawagin ang magtatapos sa Masters kaya kabado siya. Kinuha niya ang phone sa pouch niyang dala at nadismaya ng walang nakitang text mula sa kanya. Kahapon ang huli nilang pagkikita at hindi man lang niya ito nakausap ng maayos matapos lunch nila kahapon.

Matapos silang maglunch kahapon ay tahimik pa rin ito hanggang sa inihatid siya nito sa bahay. Naninibago siya sa katahimikan nito at ni hindi na nagawang pumasok sa bahay at nagmamadaling umuwi dahil may aasikasohin. Nalungkot man siya sa inasal nito pero isinantabi niya ito dahil sa pagtatapos niya ngayong araw. Muli siyang tumingin sa entrance ng auditorium at umaasang makitang papasok ang parents niya pero bigo pa rin siya. Napabuntong-hininga na lang siya at itinoon ang atensyon sa stage na ilang minute na lang ay magsisimula na.

__________________________

“Princess Hafsah De los Reyes, Master in Business Administration”

Pagkarining niya sa kanyang pangalan ay ngnitian niya ang kanyang mga magulang at sabay na umakyat sa stage. Malawak na ngiti ang binigay niya sa mga ito, nagyakapan at muling bumaba sa stage.

__________________________

Matapos ang seremonya ay nasa labas sila ng auditorium kasama ang  kanyang mga magulang at mga kapwa graduates para magbatian at sa pictorial. Makikita sa mga mukha ng bawat isa sa kanila ang kasayahan sa mukha. Muli siyang lumapit sa parents niya at niyakap ulit.

“Congrats Princess”  sabay na bati sa kanyang ng mga magulang. Kumawala siya sa yakap ng mga ito at hinalikan ang mga ito sa pisngi.

“Nasaan na ang ipapakilala mo sa amin Princess? Gusto kong makilala ang nagpapangiti sa aking prinsesa” tuksong tanong sa kanya ng daddy niya habang naka-akbay sa kanyang mommy.

Bigla siyang nalungkot sa sinabi nito dahil hindi niya rin alam kung nasaan ito ngayon.

“Wait lang dad” agad niyang kinuha ang phone niya pero muli lang din siyang nadismaya ng walang text mula dito. Binalik niya sa pouch at luminga-linga siya ng may nahagip ang kanyang mata na paparating sa kanya. Nasa likod ito ng kanyang mga magulang habang nakapamulsa ang dalawang kamay papunta sa kanila. Napalawak naman ang kanyang ngiti ng makita ito. Napansin ito ng kanyang mga magulang kaya lumingon ito sa likod para tingnan ang taong tinititigan niya. Napalapit na ito sa kanya at tumabi. Nagngitian sila at saka humarap sa kanilang mga magulang na malawak din ang ngiti.

“Good noon Mr & Mrs De los Reyes” magalang na bati sa nito sa kanyang mga magulang

“Good noon iho. How have you been?” tanong ng mom niya

“Okay lang po. Kayo po, I’ve heard kararating niyo lang from Philippines”

“We’re good iho. Na-delayed lang ang flight namin. Pero sa awa ng Diyos, nakarating din for our princess” sabay ngiti ng kanyang ina at lumingon sa kanya. Sinuklian naman niya ito ng ngiti at lumingin din kay Franz sa kanyang tabi.

“How’s business iho?” pukaw ng kanyang dad nila na siyang ikinabigla niya.

“What do you mean dad?” Kunot-noong tanong niya sa dad niya. Paano nito nalaman na may business si Franz? Magkakilala ba ang mga ito? Nakita naman niya ang pagkabigla na dad niya sa tanong niya at bumaling ang tingin saglit sa kanyang mommmy at muling humarap sa kanya.


“Well, he’s your classmate? So I guess, he also have business like you. That’s why I’m asking” paliwanag nito at nagkibit-balikat.

“Dad, he’s not my classmate. Hindi ko nga siya kasabay na nagtapos kanina di ba?. And yes may business siya dito. He manage their family coffee shop at restaurant” pagpapaliwanag niya dito at lumingon kay Franz. Lumingon din naman ito at ngumiti sa kanya ng pilit.

“Oh dad, mom, sorry I nearly forgot. Nauna ko pang naipakilala ang negosyo nito kaysa sa kanya. Anyway, this Franz Glenn, siya yung sinasabi ko sainyo na ipapakilala ko” pagpapakilala niya kay Franz sa mga magulang niya at ngumiti ng malawak. Nakita naman niyang ngumiti ang kanyang mga magulang kaya lumingon siya kay Franz na hindi nagbago ang expression nito.


Nakita niyang inilahad nito ang kanang kamay nito at pormal na nagpakilala sa kanila. Nagtataka siya sa emosyong pinapakita nito. Parang hindi ito ang Franz na nakilala niya. Tinitigan niya ito habang nakikipag-kamay ito sa kanyang mga magulang. Lumingon ito sa kanya at ningitian ito.


“Let’s celebrate. What do you think Princess?” tanong ng dad niya.

“Sure dad”

“Sumama ka na Franz para mas makapag-usap tayo, maybe about business? How about that?” aya ng kanyang dad

“Thank you po Sir, but I can’t. May importante kasi akong lakad ngayon. Actually kaya nga po ako na-late dahil may tinapos pa ako. Ang I think you need this time for Hafsah” paliwang nito sa kanyang daddy na ikinalungkot niya.

Hindi na ito napigilan ng mga magulang niya kaya nagpaalam na ito sa kanila. Malungkot man dahil hindi niya ito nakasama ngayon to celebrate, masaya na rin siya dahil nandito ang parents niya at kahit papaano pumunta talaga ito ngayon kahit may importante itong lakad.

May lakad pala ito. Kaya ba hindi nito nagawang mag text sa kanya simula kaninang umaga at kung bakit biglang nawala ang sigla nito kahapon. Hindi man lang ito nagawang magsabi sa kanya.


Bumuntong-hininga na lamang siya at tinoon ang tingin sa labas ng bintana. Nasa sasakyan na sila ngayon at napag-isipang sa bahay kumain dahil naghanda pala si Nanay Sophia para sa kanila. Si Manong Troy ang nagmamaneho at siya rin ang sumundo sa kanyang parents sa airport. Ang daddy niya ay nasa passenger seat habang sila ng mammy niya ay nasa backseat. Nagkwentuhan sa harap ang kanyang dad at si Manong Troy at minsang sumasali ang kanyang mommy. Siya ang tahimik pa rin na nakatingin sa labas at iniisip si Franz at ang kakaibang kinikilos nito.


#ms.L♡

The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon