9- Dating

8 1 0
                                    

Yung akala mo kinikilig siya sayo
Yun pala naiihi lang.
Haha
-ms.L

_______________________________________

Bumuntong-hininga na lang si Hafsah sa kanyang naisip. Kung bakit hindi nito sinali sa introduction nito ang Club Ishi ay wala na siyang magagawa. Wala siyang karapatan paghimasukan ang buhay nito lalo na’t kakakilala pa lang nila sa isa’t isa. Tinuon na lang niyang muli ang atensyon sa pagkain.

“Wala ka bang balak magpakilala?” tanong nito na nagpabalik sa kanyang katinuan. Oo nga pala dapat siya ang sunod na magpakilala. Tumikhim siya at inilahad din ang kamay niya gaya ng ginawa nito kanina.


“I’m Princess Hafsah de los Reyes. Nag-iisang anak nina Hamina at Samuel de los Reyes at  tagapagmana ng de los Reyes Company. Parehong pagnenegosyo ang trabaho mga magulang ko. I’m here to study for my Master for 2 years. After that, balik Pilipinas ako to handle our business.”nakangiting pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Inabot naman nito ang kanyang kamay sa pag-aakalang magsi shake hands sila. Pero nabigla siya ng halikan nito ang kanyang kamay.

“It’s nice to finally meet the one and only princess of de los Reyes.” tugon nito habang hawak pa rin ang kamay niya. Hindi nagtagal at binawi niya ang kamay dahil hindi niya matagalan ang boltaheng naramdaman sa tuwing hinawakan nito ang kanyang kamay. Binaling niya muli ang tingin sa pagkain para maiwasan ang nangungusap na mata nito. Tahimik silang kumakain ngunit nararamdaman niya ang malalalim na titig nito sa kanya.

Stop that” pigil niya rito.

“Stop what?” patay-malisyang tanong nito habang ngumingiti

“Itigil mo ‘yang kakatitig saakin. Naaasiwa ako.”

“Wow! The one and only princess of de los Reyes, naaasiwa sa titig ko. So tell me, nakaka-inlove ba ang titig ko?” panunukso nito sa kanya at mas lalong pinalapit ang mukha nito sa kanya.

“Ohhhhhh” biglang sambit niya at umaaktong giniginaw habang niyayakap ang sarili. Nabigla naman ito sa narinig at umatras. Hindi ito mapakali at nag-aalala.

“Why what’s wrong? Sobrang lamig ba? Wait! Tatawag ako ng waiter at baka pwede pahinaan ang aircon nila dito.” Natatarantang sabit nito at akmang itaas ang kamay para makatawag ng waiter. Pinigilan naman niya sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito na itataas nito.

“I’m fine ano ka ba. Nilamig lang ako kanina. Bigla kasing may malakas na hangin ang dumaan. Di mo ba naramdaman? Eh mukhang diyan nanggaling saiyo eh.” Paglolokong sambit niya rito at mahinang tumawa.

Nakita niyang biglang nagbago ang mukha nito at nagseryoso ngunit biglang naglaho ng marinig ang impit niyang tawa.

“Yan. Yan ang napapala mo. Ang hangin mo kasi. Nakita mo sana ang mukha mo. HAHAHAHA epic fail” pagpapatuloy niyang tukso rito at tumawa pa rin.

“Stop that” pigil nito sa kanya

“Stop what?” pigil na tawa niyang tanong dito. Baliktad na yata ngayon. Kanina lang siya ang nagtanong niyan sa kanya.

“Stop laughing”

“What if I won’t?” hamon niya rito.

“Stop laughing or I’ll kiss you.” Banta nito sa kanya. Tumahimik na lamang siya dahil nakita niyang naiinis na ito.

“You’re sacred of being kiss huh” basag nito sa katahimikan. Hindi na lang niya ito pinatulan at tinapos ang pagkain.




The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon