Gumamit ako ng lapis sa pagsulat,
nagkamali ako kaya binura ko.
Dinahan-dahan ko
Baka kasi mabura din ang feelings ko sa'yo
-ms.L ♡_
______________________________________
Nakalapag na ang eroplanong sinasasakyan ni Hafsah kaya agad siyang lumabas ng paliparan at inaabangan ang driver na inutusan ng kanyang daddy na susundo sa kanya. Palinga-linga siya sa paligid at dinadama ang paligid. Naramdaman niya na ang bagong mundo. Ang simoy ng hangin ay nanoot sa kanyang buong katawan. Pili siyang ngumiti at nagpapakatatag.
Welcome to America. Welcome to the new world. At sisiguraduhin kong pagkatapos ng lahat ng ito, it will be the new Me.
May huminto na sasakyan sa harap niya at lumabas mula doon ang driver.
"Maligayang pagdating ma'am Hafsah". Agad naman niya itong nakilala. Ito ang driver nila dito sa America. Siya at asawa nitong Pilipina ang pinagkatiwalaan ng kanyang daddy sa bahay nila dito sa America. Sila din ang caretaker lalo na't minsan lang kaming bumibisita dito. Kinuha ni Tatay Troy ang kanyang mga maleta at nilagay sa likod ng sasakyan ang kanyang mga gamit. Pumasok na naman siya sa loob at agad sinarado ang pintuan.
Tinatahak na nila ang daan papunta sa kanilang bahay. Nakatanaw lamang siya sa labas habang seryosong nagmamaneho si Tatay Troy. Huminto ang kanilang sasakyan. Siguro naka-red light pa. May napansin siyang isang pulang sports car na huminto rin sa kanilang tabi. Halatang mamahalin ang sasakyan. Nabigla siya ng bumukas ang pintuan sa may driver's seat at nakita niya ang nagmamaneho nito. Naka sunglass ito at bumubuga ng sigarilyo. Tinitigan niya ito ng husto at nakita ang kakisigan nito. Nakasuot nito ng gray v-neck shrit at naka maong. Hapit na hapit sa kanya ang damit kay mahahalta ang six pack abs. Luminga ito na parang nahahalatang may nakatingin dito. Paharap ito sa kanila kaya nakita niya ang buong hitsura nito. Napasinghap siya sa nakita at natarantang tumingin sa harap. Hindi pa naman tinted ang kanilang sasakyan kaya kung hindi siya mag-iiwas ng tingin, malamang makikita siya nito na nakatingin dito.
The hunk guy from the club. The hunk guy na katabi niya sa eroplano. The hunk guy....
Wait what? Hunk? Ang hambog na 'yun? Tsss.
Kinuha niya ang cellphone sa kanyang shoulder bag at inilabas ito. Itinuon na lang niya ang pansin sa pagbro-browse sa mga emails na natanggap niya sa kanyang daddy. Yun ang mga documents na sinend ng daddy niya through email para patuloy niyang mapag-aralan ang komapanya.
"Nandito na po tayo ma'am" pukaw sa kanya ni Tatay Troy. Ngumiti siya dito at bumaba siya't dumiretsong pumasok sa loob.
"Iha! Mabuti dumating ka na. May inihanda akong pagkain. Kumain ka muna". Salubong sa kanya ni Nanay Pia.
"Salamat po 'nay. Na miss ko po kayo. Lalo na ang luto ninyo." Salubong niya rito at niyakap ito. Si Nanay Pia ang tinuturing niyang ikalawang ina. Ito ang nag-aalaga sa kanya noong bata pa siya at nanirahan pa sila dito sa America. Iginiya siya nito sa kusina at pinaghain.
"Nay sabayan niyo po ako. At saka si Tatay Troy po." Paglalambing niya rito.
"Oh siya. Ikaw talagang bata ka hindi ka pa rin nagbabago. Hindi ka pa rin kumakain ng mag-isa. Teka lang at tatawagin ko ang tatay mo." Tugon nito at lumabas sa kusina.
Nililigpit niya ang mga pinggan ng hinawakan nito ang kanyang kamay.
"Narinig ko ang tungkol sa inyo ni Dione. At alam kong malakas ka at makakayanan mong lagpasan ito." Malumanay na sabi nito.

BINABASA MO ANG
The Past
General FictionEvery story ends with happy endings. Yet, it's up to you, how to define happiness in your life. Hafsah and Dione have been in a relationship since 1st year High School. They are perfect couple. They've been together through ups and downs. Their par...