8- Franz

23 0 0
                                        

Aminin mo, kinikilig ka sa tuwing nakatingin si crush sayo
Kahit alam mong may tinititigan lang siyng tao sa likod mo
Ouchy hahaha
-ms.L

_______________________________________

Pabaling-baling si Hafsah sa kanyang higaan. Alas-diyes na ng gabi at kailangan niyang matulog dahil maaga ang first subject niya. Pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi siya pinatulog sa nangyari kanina. Napabalikwas siya sa kama at inalala ang nagyari kanina.

Hindi siya makagalaw sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Sa para bang isang galaw niya at mahahalikan siya nito. Ilang sandali silang nagtitigan hanggang sa gumalaw ito na akmang hahalikan siya. At hindi nga siya nagkamali. “Goodbye babe. See you tomorrow” paalam nito sa kanya saka dali-daling bumaba sa kotse at pumasok sa bahay.

Ahhh. Impit niyang tili sabay sabunot sa kanyang sarili. Hindi siya ganito dati. Hindi naman ito ang kanyang halik pero parang mababaliw siya sa halik na ‘yun. Ito ang unang pagkakataon na maranasan niya ang mga paru-paro sa kanyang mag tiyan dahil lang sa halik na iyon. Naalala naman niya si Dione. Noong unang halik nila nasampal niya ito. Nabigla kasi siya sa ginawa nito at saka firts kiss niya iyon. Gusto niya sana na ang first kiss niya ay magical at hindi niya malimutan. Para tuloy naging first kiss niya ang nangyari sa kanila ni Franz.


Natigil si Hafsah sa pag-iisip ng maalala niya ang nangyari sa kanila ni Dione. Muli niyang naramdaman ang sakit at galit sa dibdib. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha. Humiga siya sa kama at nakatulogan niya ang pag-iyak.




Nagising si Hafsah kinabukasan dahil sa ingay ng kanyang alarm clock. Ayaw pa sanang niyang bumangon dahil kulang talaga ang tulog niya, pero niya ang sarili dahil 8am ang first subject niya. Matamlay siyang nag-asikaso sa kanyang sarili ng marinig niya ang katok sa pinto. Binuksan niya ito at nakita si Nanay Sophia na nakangiti.

“Good morning Iha. Naku bilisan mo na diyan. May gwapong binatang naghihintay sayo sa baba.” Sabi nito sa kanya na tila kinikilig pa. Napakunot-noo naman siya sa narinig. Sino naman ang gwapong tinutukoy nito? Ni wala pa nga siyang kaibigan dito. Nawala ang pagkakunot ng noo niyang ng maalala si Franz.


Siya pa lang naman ang nakakilala sayo dito. At hinatid ka pa niya kahapon. Paalala niya sa kanyang sarili. Napangiti siya sa naalala at agad hinarap si Nanay Sophia na nakatayo pa rin.

“Sige po Nay. Pakisabi bababa na po ako.” Sabi niya rito at saka dali-daling sinuklay ang kaka-blower pa lang na buhok. Naglagay siya ng kaunti powder sa mukha at lipbalm. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Hindi na masama. Nakasout siya ng above the knee na stripe red and white na dress. Binagay niya ang isang light red na pumps at kanyang black na shoulder bag.

Ready to go

“Good morning babe” bati sa kanya ni Franz na tumayo nang makita siyang pababa ng hagdan. Bigla naman siyang pinamulahan sa mukha dahil sa endearment nito. Naaalala lang niya ang nangyari sa kanila kahapon.

“Good morning” balik na bati niya rito ng makababa na siya.

“Handa na ang lamesa kaya mag-agahan muna kayong dalawa.” Aya sa kanila ni Nanay Spohia na nasa tabi lang pala. Mas lalo tuloy siyang nahiya dahil hindi man lang niya napansin ang matanda na nasa paligid lang pala. Tiningnan niya si Franz. Ngumiti lang ito at nagkibit-balikat at sabay na pumunta sa may dining area.


“Mabuti naman at nandito ka Iho at may makakasabay na sa pagkain ang isang ito. Hindi kasi iyan kumakain ng walang kasama. Eh nahihiya naman kami ng asawa kong sumabay sa kanya eh amo namin siya. Pero minsan pinagbibigyan na namin baka kasi mahimatay na yan sa gutom kung hindi namin sasamahan.” Nakangiting kwento ni Nanay Sophia.


The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon