* Aena Castro *
Ang bagal. Ang bagal ng net. Ano ba naman! Connected na daw pero the heck mas mabagal pa 'to sa takbo ng oras pag nasa isa kang boring na klase. Can they just tell the truth na 'No Connection'? Kesa dito na sinasabi ay connected pero hindi naman. Naibato ko na lang ung phone ko sa kama sa inis.
"Ano ba Aena. Kumalma ka nga dyan. Magkaka-internet ka din. Balang araw." At ang loka tinawanan ako. This is so frustrating.
"Yeah right. Nakakatulong ka talaga. Dang balasik kasi nila. Argh! Akala naman nila hindi tayo nagbabayad ng pang-internet! Paano na? Paano na ang lovelife ko? Aray naman! Ano ba!" Grabe kung mang-bato ng unan akala mo naman bola ng baseball ang ibabato. My precious pillow. Niyakap ko na lang ung unan na may picture niya. Hayst. My happy pill.
"Loka! Kahit isang-daang beses mo makita o makasalubong 'yang si Ricci, isang-daang beses ka din niyang hindi papansinin." Aba't bwiset 'to. Matapos ko siyang suportahan! Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Ah ganon? Sige! Dahil dyan sa sinabi mo. Kahit isang-libong pictures ni Cole Sprouse ang isave mo dyan sa phone mo isang-libong percent din ang chance mo na makita siya." She is actually fond of Hollywood stars. At panga-pangarap niya din na makita si Cole. Supportive naman siya sakin kaso mukhang nasa in-a-badmood-stage si Drei today.
"Ya'. Ya'. Whatever. Atleast ako, ung fave ko nasa kabilang side of the earth ung sa'yo dalawang byahe lang oh. Di pa kayo nagkakakitaan." I'm so frustrated right now. Wala na ngang internet ako pa ang ginaganito ng isang 'to.
"You know what? You get a boyfriend now para hindi ako ang sumasalo sa PMS mo." Kajirits to the highest level.
"I have too many celebrity crushes that's why real people don't even impress me anymore. While in your case, you're mentally in a relationship with one man who doesn't even know your existence. You want me to name who's that man? Ricci Rivero." Nanliit na talaga lalo ung mata ko. Onti na lang tatadyakan ko na 'to.
"Argh! How dare you! Why are you doing this to me? Umuwi ka na nga!"
"Ayoko." And she just shrug.
"And why is that? Matapos mong sirain panandalian ang pangarap ko. May gana ka pang mag-stay?"
"Just because, I want to stay." Whatever Drei. Chineck ko na ulit ang phone ko. Oh jusko! Ano ba? Kailan ba bibilis ang lintiang internet na 'to.
"By the way, may game sila next week diba? Pupunta ka ba? Oh! I doubt, feeling ko hindi ka papayagan ng mamsh mo." Napatampal na lang ako sa noo ko ng may isa pa nga pala akong problema ang pagpapaalam ko kay Mamsh. Ano na naman kayang pagpapaalam starter pack ang gagawin ko? Hindi pwedeng hindi ako makakanood this season. Baka maiyak na lang ako nito habang nag-eexam. Until the light bulb just pop up in my mind.
"Drei, diba ano. Diba friends naman tayo baka naman." Hindi ko na natuloy ung sasabihin ko ng ininterrupt niya ko.
"Sinasabi mo ba na ako ang last resort mo?"
"Sort of? Drei! Please tulungan mo ko. At ipinapangako ko sa'yo tutulungan kita sa research mo sa lahat ng subject. I owe you this time pag-ginawa mo 'yon." Bwiset na 'to pinag-isipan pa. Good proposal na nga ung sinasabi ko.
"Sige. Ita-try ko magpaalam kay tita. Pero syempre galingan mo din sa paglilinis diba? Para may pang-kain tayo. Teka nga. May ticket ka na ba?" Napa-ngisi na lang ako at inilabas ang isang sobre na galing sa bulsa ko.
"Hindi ko talaga alam kung bakit ko nilabas 'to. Ano kaya 'to 'no?" At iwinagayway ko pa ang sobre sa harapan niya. Hinablot niya agad para malaman kung totoo bang ticket 'yon.
"Ibang klase ka. Hindi ka pa nga nakakapagpaalam may ticket ka na? Paano kung di ka payagan? Sayang naman 'to. Aba't wow talaga naman. Patron seat pa ang binili mo." Sabi niya habang ini-examine ung ticket kaya kinuha ko na agad sa kamay niya ang ticket at inamoy-amoy na animo'y inaamoy si Ricci.
"No matter what it takes. Kailangan nating makapunta para hindi masayang. Kasi oh. Patron pa 'tong binili ko sayang talaga diba? Pinili ko 'tong seat na 'to kasi malapit tyaka para malandi ko na ang Bibe Ricci ko. Charot. Basta pagpaplanuhan kong maiigi. Ung tipong may plan a to z ako."
"Onting landi pa ano? Hay nako. Ewan ko sa'yo Aena. Oo nga pala, nakabili ka na ba ng bagong issue nila ng UAAP magazine? Yung si Kib ung cover." Itinabi ko na ung ticket sa sa sobre at inilagay sa may cabinet ko. This is my one and only treasure. This is actually my reward for myself kasi nai-depensa namin ang papel namin sa mga panel na sobra kung mang-gisa. At dahil sa sobrang ka-busyhan ko sa research namin. Hindi ko na nagawang makapunta ng mall para bumili ng magazine.
"Oh geez. Nakalimutan ko na bumili ng magazine nila. Kaya pala I feel something na may nakakalimutan. Ano ba naman yan! Dapat pala pinasabay ko na kay Amber ung UAAP Magazine nung bumili siya ng pang-project sa Arts. Urat to the max." Tinawanan na lang ako ni Drei dahil sa pagkalimot ko sa UAAP Magazine. Tinignan ko na lang ulit ung phone ko kung may internet na.
"Ohmygosh! Buti naman! May internet na! Grabe talaga." At back to pwesto na ko. Saan pa ba? Edi sa kama. Ang number one tambayan ng mga taga-hanga.
"After so many years of waiting dumating na din ang waves ng internet sa bahay niyo." Galit galit na ulit kami ni Drei kasi may kanya-kanya naman kaming fandom but we support each other tho.
Retweet. Retweet. Favorite. Favorite. Like. Like. Youtube. Youtube. Infairness, dahil sa paulit-ulit kong panonood ng game at highlights kay Cci ang laki na ng nai-ambag ko sa views ng abscbn sport and news channel.
Ricci Rivero tweeted
Nag-notif agad sakin ang tweet ni Ricci dahil naka-turn on notification ako sa kanya. Kahit naman sa ibang green archers. Para updated diba? Ano kaya ang tinweet ng bibe ko? Sobrang kung kumalabog ang puso ko ngayon. Kasi baka mamaya ung tweet niya about sa babaeng mahal niya na. Masakit kasi diba bes?
"@RicciRivero06: @brentparaiso nasaan ka na?"
Oh jusko 'tong bromance nina Brent at Cci grabe. Akala ko ako na ang mauunang makakapag-retweet but I think this is not my lucky day. Hanggang sa naging isang mahabang conversation na ang nangyari sa kanila ni Brent. My ghad. My BrenCci heart. Matatanggap ko pa kung hindi mapupunta sa akin si Cci kay Brent na lang siya.
Minsan nga napapa-search ako sa mga naging ex'es niya but I would be hypocite kung sasabihin ko na hindi ako nai-insecure sa kanila. Wow. Insecure, ni hindi nga ako kilala ni Ricci tapos may karapatan ako ma-insecure. Pero okay lang kahit hindi niya ko kilala support pa din ako sa kanya. Kasi alam ko naman e' hanggang dito lang ako, nangangarap na mapasayo. Charot to the max ulit. But anyways..
Kung hindi ka man muna maging akin, please Ricci. Alam kong selfrish. Pero selfish na kung selfish pero wag muna. Wag muna please? Wag ka munang magmahal, wag ka munang manligaw, nakikiusap ako. Wag ka munang pumasok sa isang relasyon. Kung meron man, please ako na lang, wag ng iba.
BINABASA MO ANG
Reality of Fate ( Ricci Rivero)
FanfictionSa tuwing nakikita ko siyang naglalaro ng basketball nabilis ang puso ko. Sa tuwing nakaka-puntos siya umaandar na naman ang pagiging taga-hanga ko. Pag may nali-link sa kanya daig ko pa pinagbagsakan ng sampung daang sako ng semento. Grabe kung mah...