*Aena Castro*
Ilang araw na ang nakalipas simula nung nanood kami ng game ng DLSU Green Archers laban sa Ateneo Blue eagles. Nakakapanglumo naman kasi talaga pag natalo ka sa match with your ultimate enemy when it comes to sports. Siguro nga hindi para sa kanila ang Game 1 pero alam ko naman na sisiguraduhin ng DLSU Green Archers na sa kanila ang Game 2 at 3 ramdam ko 'yon. Alam ko 'yon. Pero ayun na nga sa kasamaang palad, kung para sa kanila nga ang Game 2. Aba naman, wala kami sa tabi nila para makisaya sa victory nila for game 2. Wow, ang lakas maka-jowa ng feeling na kailangan nasa tabi ka nila pag may game sila tapos ihahug mo sila pagkatapos ng game. Wow, that imagination makes my heart beats faster. Iniling ko na lang ang ulo ko baka kung saan pa mapunta ang wild imagination ko.
"Ate, bakit naman kasi ginamit na natin ung chance natin? Dapat kasi ate hindi ka na nanood ng game ng FEU kontra La Salle e'." Sisi sakin ni Amber. Aba naman ang babaitang ito.
"Hoy Amber! Bakit ikaw? Ginamit mo din naman ung chance mo nung nanood tayo ng Game 1 ah?"
"E' atleast 'yon finals na! Finals ate! Finals!" Binato ko siya ng popcorn. Nasa harap kasi kami ngayon ng TV. Commercial kasi.
"Bakit ba? Ataters na ko mapanood ang bibe Ricci ko ano!"
"Oh ayan dahil sa sobrang ataters mo wala na tayong chance na mapanood ang finals nila. Kakauma naman. Dapat andyan tayo sa Animo crowd oh, while cheering for our husbands." Nagpaslide siya paupo sa sahig. Sinabunutan ko siya ng slight.
"E'di kasalanan ko na! Loka ka!"
"Pwede ba? Tumigil kayong magkapatid dyan! Baka pagbuhulin ko kayo!" Saway sa amin ni mamsh na nasa kusina ngayon.
Wala ngayon si Drei dahil enrollment nila ngayon. Kaya ngayon, ito kami na lang ni Amber ang nagchicheer para sa Green Archers meron din kaming pa-hotdog balloon dito para kahit sa bahay super enjoy kami!
Nasa 2nd Quarter na ngayon at ang bibe ko mugto pa din ang mata. Ung frustration ni Cci nakita ko ng napaiyak siya dahil sa three personal foul. Hanggang sa puntong nakuha na ni Cci ang pang-fourth personal foul. At nakita ko na napaiyak na si Cci ng tuluyan, at hindi siya pwedeng makatulong muna sa laro.
Oh diba, alam ko yan dahil pinagaralan ko ang sistema ng basketball. Para wala ng hanash ung mga bashers na kesho gusto lang daw namin si Cci kasi gwapo e' wala naman daw kaming alam sa pagba-basketball. Sorry bashers, oo hindi kami marunong pero napag-aaralan yan. Tse!
So going back sa game, nakita kong ang laki na talaga ng lamang ng ADMU kontra DLSU, 28-50. Mahigit bente na lamang. Nakita ko din na napanghihinaan na ng loob ang Green Archers. Ung hype nila sa loob ng court nawawala, same with the energy. Kahit ako napanghihinaan na ko ng lob pero naiisip ko na kaya pa yan meron pang 3rd at 4th quarter. They can do it. Nakikita ko si Kib na ine-encourage ung ka-team niya na ibalik ang energy nila! I am touched with Captain Kib's action.
And in one swift move! Ben Mbala makes the hype back because of his dunk! 29-50, na sinundan ni Aljun! Sorang liksi niya at pinadaan niya sa mismong gilid! At sunod-sunod na puntos na ang ibinagay ng DLSU Green Archers! All heart for La Salle!
At sa wakas! Ipinasok na ulit si Ricci sa game. Ricci is in attack mode as always!
Taena nasa 2nd half of 4th quearter na. Kaya tuloy, pati kami ni Amber hindi na magkandaugaga ang pwet namin. 88-77 in favor of ADMU. So, ano na bes? Papaanong hindi magkakandaugaga ang pwet namin nito diba? Pero hindi kami nawawalan ng pagasa dahil meron pang 45 seconds. At dahil nga naniniwala ako sa kasabihang maraming pwedeng mangyari sa 45 seconds.
BINABASA MO ANG
Reality of Fate ( Ricci Rivero)
FanficSa tuwing nakikita ko siyang naglalaro ng basketball nabilis ang puso ko. Sa tuwing nakaka-puntos siya umaandar na naman ang pagiging taga-hanga ko. Pag may nali-link sa kanya daig ko pa pinagbagsakan ng sampung daang sako ng semento. Grabe kung mah...