*Aena Castro*
Oh jusko! Mga anong taon na kaya ako makakarating doon? Lintiang trapik na 'to. Wala naman kasing sira ung kalsada winawasak nila. Napasandal na lang ako. Sana naman maabutan ko pa ung game ng 'Green Archers' kahit 2ndhalf lang. Gustong-gusto kong masilayan ang euro-step 'niya'. At the back of my mind, hinihiling ko na ngayon na sana lumipad na 'tong bus na sinasakyan ko. Napapairap na ko ng palihim. Siguro nagtataka kayo kung paano ko napapayag si mamsh 'no? Ganito kasi 'yon.
*Flashback*
Kakatapos lang ng preliminary exam namin. At talaga naman ginalingan ng inday ninyo sa exam para pak na pak ang pag-papaalam kay mamsh. The fact na siya naman talaga ang inspiration ko sa pag-aaral syempre mas ginalingan ko sa exam na 'to. Para alam mo na, mapapayag ko si mamsh na pumunta ako sa game ng UAAP. So, ito na nga. Pagka-uwi ko sa bahay.
"Mamsh! Where are you?" At pagkapasok ko sa bahay ay niyakap ko agad si mamsh.
"Bakit ba? Para ka namang nawawala. Aba, ang aga mo ngayon umuwi ah?" Napapailing na lang si Mamsh. Ayos! Mukhang goodmood. Makakapag-paalam ako. Pero, teka, wait! Ta-timingan ko.
"Syempre naman po! Tyaka may goodnews po kasi ako mamsh." Ito na. Ito na 'yon. Sana pumayag.
"Ano naman 'yon?"
"Mamsh! Tignan mo po oh! Ang tataas ng nakuha kong grade! Grabe! Ang saya saya ko talaga mamsh! Thanks to Ricci na naging inspiration ko sa pag-rereview." Oh ayan ha Ricci. Ginu-goodshot na kita kay mamsh. Para pag nalandi na kita at maging tayo, walang ng problema sa parents.
"Oh? Buti naman." Bakit feeling ko nakakatunog na 'tong si mamsh ng gusto kong sabihin? Pero ito na 'yon! I'll go for it!
"Mamsh. Kasi po diba? Ang taas naman po ng grade ko. Nagreview po ako ng maiigi. Baka naman po pwede akong manood ng UAAP game ni Ricci? Kasama ko naman po si Drei e'. Please, mamsh" Kuntodo pa-cute na ko para lang payagan.
"Hindi." Tumibok ng mabilis ang puso ko sa sobrang pagka-lungkot.
"Mamsh, please po. Ngayon lang po talaga. Gustong-gusto ko po talaga. Tapos po, gusto ko din ma-experience yung mga ganoong feeling. Yung nanonood po sa crowd. Kasama ko naman po si Drei e'. I promise itetext po kita time to time. Tyaka po 4PM naman po ung start. Please mamsh, just this once. Trust me po." Naiiyak na ko. Gustong-gusto ko talaga. Hindi agad kumibo si mamsh.
"Bahala ka." At nanlaki ung mata ko sa sinabi niya. Yinakap ko agad si mamsh.
"Waah! Mamsh sobrang thank you! Sobrang saya ko po talaga! I promise mamsh mas gagalingan ko pa po sa finals namin." At kiniss ko ng paulit-ulit si mamsh.
"Ayan! Ayan! Ang sweet sweet pag-pinapayagan pero pag-hindi sambakol ang mukha! Basta kasama mo si Drei ha."
I've got my best mamsh!
*End of flashback*
Actually mahigpit talaga si mamsh samin ni Amber. May curfew pa din at dapat kung may pupuntahan o kaya medyo gabi na uuwi dapat mag-tetext. She's a reasonable parent. Nasabi ko na ba na ang mamsh na tinatawag ko ay ang lola ko? My mother passed away when we were young. And my father? Don't wanna talk about. Basta ang importante masaya kami ni mamsh, ako at si Amber. Nagulat ako ng nag-vibrate ang phone ko. Aba may nagtext.
Received 1 message
Mamsh: Ingat kayo at uwi ng maaga. Don't panic stay calm.
Ang sweet sweet talaga ni mamsh. Kaya mahal na mahal ko 'to e'.
BINABASA MO ANG
Reality of Fate ( Ricci Rivero)
FanfictionSa tuwing nakikita ko siyang naglalaro ng basketball nabilis ang puso ko. Sa tuwing nakaka-puntos siya umaandar na naman ang pagiging taga-hanga ko. Pag may nali-link sa kanya daig ko pa pinagbagsakan ng sampung daang sako ng semento. Grabe kung mah...