Chapter X

22 1 0
                                    

*Aena Castro*

Minsan para na kong sira na nakangiti dahil sa tuwing naalala ko ang nangyari samin ni Ricci nung isang gabi ay kinikilig pa din ako. Bakit kaya gano'n? Napakaharot ko na naman.

Dear heart, please stop falling in love with this person. If you can't stop might as well guard my heart. Parang gusto ko tuloy pumunta sa Athlete's Den. Wow girl! Clingy ka girl?! Jowa ka ba ha? Bakit masyado kang nag-aassume?

"Oh ate? Saan ang rampa?" Hay nako nandito na naman ang epal na si Amber.

"Dyan lang bibili ng patis." Sabay kuha ng bag ko.

"Bibili lang ng patis kailangan naka bag na Anello pa?" Intrimitida at it's finest talaga ang babaeng 'to.

"Bakit ba? Malay mo Gucci na patis ang mabili ko. Dyan ka na nga!" At umalis na ko kasi baka mamaya maudlot pa ang lakad ko.

Hay sa wakas nandito na ko sa Athlete's Den. Wow friend! Ang sarap tumambay dito sa Athlete's Den daming papable. Jowable pa ang katawan. Ulamable pa! Isama mo na pati palamanable.

"Hi Miss? May hinahanap ka?" Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Kung tinatamaan ka nga ng swerte nakita ko pa si Rasheed.

"Ahm. Hi! Nandyan ba si Ricci?" Tinignan ako ni Rasheed na nagtataka.

"Fan ka? Sige. Tara! Pasok ka sa loob nasa loob si Cci." At nauna ng pumasok si Rasheed. Tinignan ko pa ung itsura sa loob ng Athlete's Den

"Cci! May fan ka na nag-aabang sa labas pinapasok ko na." Napalingon ako kay Cci. Shaks naman. Is this heaven? Palaman na lang kulang mga beh. Gusto kong sabihin na 'hindi ako fan Rasheed dahil 'yang kapatid mo nililigawan ako! Hinihingi nga number ko e'.

"Oh! Aena! What brings you here?" Lumapit sakin si Ricci at hinawakan ako sa bewang para sa pagbeso. Para akong natulala ng ilang seconds. What the hell. Halos dumikit ung mukha ko sa dibdib niya na topless. Take note of that pero teka ano nga bang ginagawa ko dito?

"Napadaan lang ako. May pinuntahan kasi akong malapit dito. So, naisip kong dumaan. May dala pala kong donut." Sabay abot ng donut.

"Wow mukhang papatabain mo si Ricci ah. Nilalandi ka ba ng kapatid ko?" Narinig kong nagsalita si Prince. Ang pangit ng term na nilalandi ha pero hindi naman siguro ako ung pang-fling lang. Tho, wala pa namang sinasabing label si Ricci tungkol sa relation namin. 

"She's just a friend so back-off." JUST a friend is way better than fling. Pero sabi ni Cci I'm special to him. So anong JUST a friend ang sinasabi niya? Ano bang ibig sabihin pag special? Nililigawan ba 'yon o relasyong walang label? Ung nanghingi ng number? Dapat kasi tinanong ko na siya e' para hindi ako naguguluhan ng ganto.

"Uuwi ka na ba? Gusto mo hatid na kita. No, ihahatid na kita. Wag kang aalis, magshashower lang ako." At tumakbo na siya para mag-shower.

"Thank you sa donut-- What's your name again?" Tanong ni Rasheed habang kumakagat ng dala kong donut.

"Aena is the name." Nag peace sign pa ko. Napayuko siya at may kinuha na box.

"Kanino 'to? To Eudice? From R--" Tinakpan na agad ni Prince ang bibig ni Rasheed kaya hindi na siya nakapagsalita. Hindi ko na lang pinansin kasi baka sikreto ni Prince.

At sumulpot na si ricci.

"Let's go? Sige alis na muna ko. Babalik ako mamaya." Paalam ni Cci sa mga kapatid niya. At inakay na ko ni bibe Cci ko palabas ng Athlete's Den.

Pasakay na sana ako ng sasakyan ng haltakin ni Cci ang braso. Kaya napalingon ako sa kanya. 

"Alam ko namang maganda ka kahit haggard ka pero talikod ka." Nagulat na lang ako ng tinalian niya ang buhok ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Ang bilis ng pintig ng malantod kong puso. 

"Ayan! Mas lalo kang gumanda." At pinagbuksan niya pa ko ng pinto.

Nasa sasakyan na kami. Napatitig lang ako kay Ricci. Akalain mo nga namang special ako sa lalaking 'to. Pwede ko na sigurong sabihin na ang swerte ko 'no? Sa libo-libo niyang fans ako ang napili niyang gawing 'special someone'.

"Baka naman matunaw na ko kakatingin mo sakin." Biglang nag-salita si Ricci habang nagmamaneho. Napaiwas ako ng tingin. Grabe Aena, alam naman siguro ni Ricci na may gusto ka sa kanya pero wag mo naman sana ipangalandakan na patay na patay ka. 

"Amfeeling mo naman po mister. Hindi ba pwedeng tinititigan ka lang ha? Ang gwapo mo kasi. Pinagbabawal na ba sa earth na titigan ka?"

"Ih kashi naman." Pagiinarte ng loko. Sabay hawak sa kamay ko. Kaya ang isa niyang kamay nakahawak sa manibela habang ung isa nakahawak sa kamay ko. Teka? naka-aircon naman bat parang uminit? Matagal na katahimikan bago ako nagsalita ulit.

"Ampabebe kakainis. Ahm. Cci don't get me wrong if I asked you this pero bakit ako? Tyaka ano ba talaga tayo? Special or JUST ano friend lang?" Idiniin kong maiigi ang just friend. Kasi ang sakit no'n ha.

"Special friend." Deputek na yan. Anong special friend? Ano 'yon? Parang siopao? May special siopao gano'n? Mamon? Ano? Monde special mamon?

"Ha? Anong special friend? Just special friend?" Ayoko mag-tunog demanding pero gusto ko malaman kung ano talaga e'. Alam niyo naman diba? nauuso ang relasyong walang label na napupunta sa panggo-ghosting.

"Importante ka sakin." Mas lalo ata akong naguluhan sa sinabi niyang importante ako.

"So special important friend?" Ano ba? Ito na ba ung tinatawag nilang love problem? Tumingin siya sakin.

"Basta. You are important to me." Sabay balik ng tingin sa kalsada.

"Ano basta Cci? Gusto ko na magkaliwanagan tayo para hindi naman ako naguguluhan ng gan'to."

"Diba sabi nga nila action speak louder than words? Hindi pa ba obvious kung ano ung pinapakita ko sayo?" I shouldn't have expected for the answer that I want. Naiiyak ako pero kailangan ko maging matapang. I need to guard my heart. Mahirap na habang hindi pa ko gaanong nalulunod kaya pang isalba ang sarili. 

"Ricci. I need an assurance. Confirmation. I don't want to invest too much emotion sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan. You're giving me hints now. Sinabi mo na special ako sayo tapos naging importante ako. Ngayon isang tanong, isang sagot are you courting me?"

Nag-pullover si Ricci sa gilid ng kalsada. At humarap at tumingin sakin si Ricci. Ilang segundo din bago siya sumagot.

"I don't know but you're special to me Aena." Wrong answer. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sakin.

Binuksan ko ang pinto at agad bumaba. Narinig kong tinawag niya pa ko. Pero masakit eh. Baka makapagbitaw pa ko ng hindi maganda at lalo pa kaming magkasakitan. Punuan ang jeep at taxi ngayon kasi rush hour. Pinapara ko pa din ung mga jeep at taxi kahit alam kong punuan kasi I can't stand to see that man.

"Aena wait. Let me explain." At hinawakan niya ko sa braso para pigilan ako sa pagpara ng mga jeep at taxi. Buti may napara akong taxi na walang laman. Hinawi ko ung braso niya.

"Let you explain? Nasa defense ka ba? Diba tinatanong na kita kanina? Paligoy-ligoy ka pa. Kung hindi mo kayang panindigan 'yang nararamdaman mo sana hindi mo inumpisahan. I'm not supporting you in every game you have, just to play with my feelings because that's bullshit!" At tuluyan na kong pumasok sa loob ng taxi.

Napaiyak na lang ako. Hindi pa nga kami naguumpisa, mukhang magtatapos na kaagad.

People get hurt because they put meaning to things that really means nothing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reality of Fate ( Ricci Rivero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon