Chapter VII

118 5 1
                                    

*Aena Castro*

Naiiyak na ko sa sobrang saya habang nakikita naming tatlo ni Drei at Amber ang nagliliparan na berde at puting confetti. Ung feels namin ang lakas ng kalabog. All heart for Animo La Salle! Nakita namin na umiiyak ung ibang DLSU Green Archers. Maybe, because of the emotion that they feel right now. Lakas at pawis ang puhunan para manalo sa larong ito at nakita ko din si Ricci na niyakap niya agad si Tita Abi at Tito Paolo. Tapos ay niyakap niya din si Prince pati si Brent. Magka-daop ung dalawang kamay ko sobrang saya ko para sa mga bebe Archers ko.

"Aww baby Andrei." Narinig ko si Drei kaya napatingin din ako kay Mr. feeling-Close. At nakaluhod siya ngayon habang naiyak. May side palang ganto ang kolokoy na 'to. Nakakaloka.

"Hoy girl. Wag ka ngang tumingin sa baby Andrei ko. Eyes on your own prey." Bulong sakin ni Drei.

"As if naman." Napatingin tuloy ako kay Ricci. Ino-obserbahan ko siya kung may malalapitan siyang girl tapos yayakapin niya. Nako, baka mamaya imbis na masaya ako ngayon at nagdidiwang dahil nanalo sila maiyak na lang ako dito dahil sa lungkot. Nakita ko na may tinignan at nginitian siyang babae na nasa may gilid ng dugout nila. Hayup Ricci naman. Wag ngayon. Pero winaglit ko 'yon baka masyado akong advance magisip.

"Excuse me po ma'm. Kayo po ung kaninang finieature ng Dunkin Donut diba po? Here's your one box of Munchkins." Nagpathank you na lang ako kay ate. Lagi na lang kaming napapakita sa screen ng arena nakakaloka. Lagi naman kaming champaka pag pinapakita.

"Argh! Naiinggit ako sa mga nasa baba. Tignan mo! Dinudumog na sila! Aww ang baby Aljun ko." Naiiyak na sabi ni Amber. Oo nga, picture ditto, picture doon. Yan ang nangyayari ngayon.

"Wait, I live natin diba?" Binuksan ko ung phone ko. Buti na lang mabilis ang net dito sa MOA Arena, Nakakaproud ang Pilipinas pag mabilis ang internet talaga.

"Nandito kami ngayon sa MOA Arena at ayan na nga pinagkakaguluhan sila ngayon." Sabi ko sa 20 viewers ko. Nakapublic naman tapos may pa-hashtag ako na #UAAPBasketballFinalsAnimo. Sa Instagram ako naglive para bonga!

"Ayan na palabas na sila!" Sabi ni Drei. Sinundan namin sila agad kasi baka maabutan namin sila sa parking lot. Sumunod ako kay Amber at Drei habang naglalive pa din.

At sa kasamaang palad, ibang tao pala ung sinusundan ko. Jusko! Pareho kasi sila ng damit ni Drei. Oh no! Hindi ko pa man din alam ang pasikot sikot dito sa MOA Arena. Oh gosh.

"So ayun na nga people. Naiwan ako ng dalawa, hindi ko na alam kung nasaan sila." Nagpalingon lingon lang. Patakbo takbo lang ako. The heck , oo alam ko chubby ako pero mabilis pa din akong tumakbo. Nandito na ko ngayon sa may hallway na hindi ko alam saan patungo. Basta, I just need to act as if I am just roaming around.

"Magcomment naman kayo sa baba kung saan ako patungo nito? O kung sino man ang may nakakaalam ng labasan galing dito sabihan niyo naman ako." Marami ng nagko-comment. Gash, ano na mga 'te. Takbo here! Takbo everywhere. Napapagod na ko.

At kung siniswerte ka nga naman may nakita akong mga naka-color green. Baka way 'to papunta kay Ricci ko. Takbo kung takbo pa din ako habang naka-live bahala na ung mga viewers na maliyo sa panonood ng live na 'to. Napahinto ako sa pagtakbo. At nakita ko si Ricci. Magkasalubong kami. Walang tao sa side ko pero sa side niya maraming DLSU Staff at players. Dahil nga ako lang ang nasa side na to. Nginitian niya ko. Gash, Ricci Rivero freakin' smiled at me. Sa akin. Sa akin lang. That smile is just for me. Lumapit siya sakin, samantalang ung kamay ko ay half na nakataas dahil nakatutok sakin ung camera ng phone ko. At ung kabila naman ay hawak ang isang box ng Dunkin Donut.

Reality of Fate ( Ricci Rivero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon